MY CONSTANT

248 10 0
                                    

Nakatingin ako kay karylle habang nag babasa sya ng  script para sa kanyang theater play. Napaka busy ng kulot na to. Nakapag pahinga na kaya sya ng maayos? Binaba ko ang phone ko at pumunta ako sa kitchen para mag timpla ng juice. Pagkatapos noon nag gawa ako ng egg sandwich. Nilagay ko na rin sa tray at bumalik ako sa living area kung nasaan sya. Nandito kami ngayon sa bahay ko, dito sya tumuloy. Hindi ko alam kung bakit, hindi pa rin sya nagkukwento sa akin. May problema kaya sya? 

"Kumain ka na muna, mamaya ka na magbasa ng script mo" saad ko at tumabi ako sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Kinuha ko muna ang kanyang script at nilapag ko yun sa cabinet para makapag focus sya sa pagkain niya. 

"What happened?" tanong ko at tinitigan ko sya. Tipid sya na ngumiti sa akin at umiling. nagsimula na rin siya kumain.

"Hindi sya happy sa pagbabalik ko sa theater, vicey." paninimula niya. Hinintay ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. 

"Hindi nya ako pinayagan actually. Gusto niya lang nasa showtime ako nagwowork. Hindi niya maintindihan na gusto ko yung mga ginagawa ko, na namimiss ko mag play. " 

"Nakausap mo na ba sya ? anong sabi niya bakit ayaw ka niyang payagan ?" Napa buntong hininga sya habang magkausap kami. 

"Nakakasakal na sa relasyon namin vice. Hindi na katulad ng dati yung relasyon namin, hindi ganito ang pinangarap namin na pagsasama." 

"I had a miscarriage four months ago. " kasabay nun ang pag tulo ng luha niya habang ako napigil ko sandali ang aking pag hinga. 

"Sinisisi nya ako sa nangyari, sa pagkawala nung baby namin. Hindi ko alam... Hindi ko naman alam na buntis na ako ng dalawang buwan.  Kaya wala ako sa showtime ng ilang araw. Hindi ko sinabi sa inyo kase mag aalala kayo, lalo ka na. Magmula noon nagbago na sya." Ngayon ko lang sya nakita na ganito kalungkot, hindi ito yung karylle na kilala ko.

Lumapit pa ako sa kanya at niyakap sya. Hinayaan ko syang sumandal sa akin at humikbi. Nanatili lang ako na nakayakap sa kanya. 

Kaya pala sa show ang saya saya niya, ganito pala kabigat ang nararamdaman nya sa araw araw.  Hindi lang pala sya nagsasabi sa akin. 

"Ito yung scape ko para malimutan ko yung nangyari pero hindi niya ako naiintindihan. Ayaw kong damdamin yung sakit na naranasan ko dahil nawalan ako ng anak."

"Sa susunod mag kwento ka na sakin, para hindi ka nahihirapan . Ayaw kong nakikita kang ganyan. Hindi naman ganyan yung karylle na nakilala ko. Kapag may problema ka magsabi ka sakin para mapag usapan at paano natin masolusyunan." Tumango sya sa akin bago niya punasan ang kaniyang luha. Hinarap ko sya at ako ang nag tuloy mag punas ng kaniyang luha.

"Kumain ka muna tapos sabay natin basahin yang script mo. " 

Inabot ko yung script niya at binasa ko saglit.  Hindi naman talaga ako nakafocus sa pagbabasa, iniisip ko sya. Naaawa ako. Karylle does not deserve this kind of treatment from him. Napaka anghel ng asawa niya para ganituhin niya. 

Ilang oras rin ang tinagal niya sa bahay. Muli ko na naman nasilayan ang maganda niyang ngiti. Tumatawa na rin sya. 

"Ayaw ko rin naman maging malungkot, maybe my Moon is not happy kapag nakita niya akong malungkot. Kung buhay sya baka spoiled sya sayo agad no?" sinabayan niyang tawa pagkatapos. Agad ko sya niyakap at hinalikan ko sa noo. 

"Ikaw na lang i-spoiled ko. Magiging happy rin naman sya kapag mommy nya iniispoil ni Byas diba?" Sabay kaming tumawa bago ko irub ang kaniyang likuran.


Araw araw palagi kaming magkasama. More time sa pag kukwentuhan kahit nasa backstage kaming dalawa. Palagi ko rin siyang dinadalhan ng paborito niyang pagkain, ang lumpia. Minsan nga kapag gusto niyang jolli spaghetti binibilhan ko rin. Kaya lang napansin ko na hindi na niya inoopen ang tungkol sa kanila ni yael. 

ViceRylle Collectanea FandonieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon