SA'YO NA LANG AKO

225 8 0
                                    

"Vicey, busy ka ba ?" Pagtatanong ko sa kanya habang papunta kami sa backstage sa kaniyang dressing room.

"Oo kurba eh.  Inaaya kasi ako ng mga bakla na pumunta ng bar tapos didiretso pa ako sa bahay nila Liz. Inaaya nya kase ako dahil birthday nya. " dali dali niya kinuha yung bag nya habang ako patuloy na sumusunod sa kaniya.

"Oh , invited ka? Mmm. Pwede bang sumama sayo? Can I go with you vice?" Tanong ko. Ewan ko ba, hindi naman ako mahilig sa parties pero heto ako nag iinsist na isama nya ako kung saan man sya pupunta after ng showtime.

"Hindi ka ba kakagalitan ni miss Zsazsa ? Tska diba hindi ka naman mahilig mag party? " vice. Masyado na nya akong kilala . Napangiti ako bago ako napailing .

"Mama will let me lalo na kung ikaw ang kasama." Sagot ko sa kaniya. Tumitig sya sakin at napa sigh. Napa yes naman at palakpak ako dahil hindi nya ako natiis.

"Ikaw ha! Hindi mo ko natiis! I love you vice!" Pang aasar ko bago ko sya kapitan sa braso . Hindi man lang nya tinanggal ang pagkaka kapit ko sa kanya, instead ngumiti lang sya bago bahagyang guluhin ang buhok ko.

"Uhh! Hirap mo kayang tanggihan! Miss Z yung anak mo oh!" Pag susumbong nya na akala mo kaharap lang namin si mama.

Pumunta muna ako sa bahay ko para mag change ng damit. Hinintay pa rin nya ako. Nag suot lang ako ng simpleng shirt and pants then heels. Naka pony tail lang ang buhok ko at suot ko amg aking salamin.

"Loka loka ka talaga. Bakit mukha kang boss ko ? " nakatawa nyang saad sakin habang naka de kwatro syang nag hihintay sakin sa couch.

"Ang ganda mo Ana Karylle. " simpleng puri niya sa akin pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. I am hoping na sana hindi nya yun naririnig , baka lalo nya lang ako asarin.

Kalma self, kalma ka lang please..

"Okay lang ba suot ko?" Sabi ko sa kaniya habang pqpalapit ako.

"Loka. Wag mo yan papalitan. Alam mo kahit naman ano suot mo bagay sayo. Kahit naka simple kang suot, napapa lingon pa rin sayo ang ibang mga tao. " tumayo na sya at inihaya nya sakin ang kaniyang kamay.

"Kaloka ka girl, baklang bakla sana ko tonight pero kasama kita kaya isasantabi ko muna yun. Tska naipag paalam na kita kay miss zsazsa. Ingatan daw kita dahil baka makita ko daw si red dragon." Vice.

I chuckled. Hindi ko alam kung nagpaalam ba talaga sya, until I received a message from mama.

Vice told me that he is with you, pinagpaalam ka niya sakin anak. Mag ingat kayong dalawa.

I was about to answer her message but I received another one.

Please tell to vice Kapag may sugat ka kahit maliit, makikita nya ng harapan ang tunay na dragon.

Natawa ako kaya napalingon sya sa akin.

"Mama message me. Ingatan mo daw ako dahil lagot ka sa kanya "natatawa kong sabi.

"Yes miss ma'am , iingatan po kita. " Isang ngiti ang ginawad nya sakin at hinawakan nya ko sa kamay hanggang  makalabas kami ng aking bahay at hanggang sa makasakay ako sa kaniyang sasakyan.

Hindi na kami pumunta sa team nya sa bar, instead mag diretso kami kay Liz. Nahiya pa nga ako pumasok dahil hindi naman ako invited. Ewan ko ba, gusto ko lang makasama si vice. Lately, gusto ko nasa tabi niya ako.




Maybe anne was right. Baka nga nahulog na ako sa sistrette nya.

There was a time na nag kukwento kasi ako kay anne na nag punta kami ni vice sa Tagaytay together. Sinabi ko na pumasyal kami ni vice at marami kaming activities na ginawa with the consent of my mama. Sabi ni anne after ko mag kwento iba daw ang ngiti ko while sharing my experience with vice.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now