OFFCAM

410 9 2
                                    

"La La La La La La La La ah ah~" Mahinang pagkanta ni karylle habang sinasabayan ang kanyang song na wake up next to you.

"Kaboses ni Karylle." saad ni vice habang naka sandal kay ryan, nac tawanan naman ang kanilang mga kasamahan. Nilingon sya ni karylle bago tumayo at pumunta sa stage.

"That's my song,vice!... just to wake up next to you oh ~"sinabayan nya ito ng sayaw habang nakatitig kay vice at tumawa.

Napatigil naman ang bakla sa pang aasar sa kanya, nakatitig lang ito habang nakangiti.

" Brad, ang ganda no? "sabay tapik ni vhong sa kanyang balikat at tumingin din kay karylle.

" Oo. Maganda pero may saltik ng kaunti. Aray! Bakit mo ko binatukan? Tignan mo naman kasi ang ginagawang sayaw nyang elbruh mo. "napahawak na lang sya sa kanyang ulo dahil bigla syang binatukan ni vhong.

Pagkatapos i-play ni dj MOD yung song, bumalik si karylle sa kanyang pwesto. Nilapitan naman sya ni vice at binigyan ng water.

" that's not my tumbler, vicey. "sabi nya habang hindi kinukuha ang tumbler sa kanay ni vice. Nakangiti rin sya rito ng alanganin.

"Hindi nga. Akin to eh. Ito naman, ang arte mo ngayon girl, yung tinidor nga kanina na ginamit ko kinuha mo rin tapos ginamit mo." tila naiinis na sabi nito sa kanya. Napangisi naman siya sa reaction ng bakla kaya tuluyan na syang tumawa.

"Ang pikon mo naman love, joke lang naman eh." Karylle. Hinawakan nya ang tumbler ni vice bago nya ininuman ito.

Nanlaki naman ang mata ni vice sa tinawag nya rito kaya bahagya sya nitong inalog.

"Huy, kulot. Anong tinawag mo sakin?" tanong nya habang nakangiti. Tumitig lang naman si karylle sa kanya at di na binanggit pa muli ang endearment nya kay vice.

Napa pout naman sya at tumabi na lang sa kanya. Hinawakan nya rin ang kamay nito, pinagsalikop ang kanilang mga kamay.

"Sorry na, kurba." sabi niya habang pinag mamasdan ito.

He promised to be there sa paggawa ng music video ng wake up next to you na song ng nobya ngunit hindi sya nakapunta dahil nalimutan nya at nag party sya with the beks.

Nanliligaw pa naman sya ulit.

"Hindi. Okay lang. Nandoon naman si Ryan, buti pa sya nag support sakin." tugon nya bago kuhanin ang phone niya at nag instagram na lang ulit.

Tinignan ni vice ang daliri ng asawa, wala doon ang wedding ring.

"Hindi mo pa rin suot?" pabulong nyang tanong rito. Umiling lang si karylle sa kanya, hindi sya nito nililingon.

"Kurbabe.." pinoke nya ulit ito, this time sa pisngi.

Hindi sya nito nililingon kaya ginawa nya yumukod sya ng konti at sinilip ang mukha ng asawa na naka yuko.

"Have you eaten? May milktea ako sa dressing room, mayroon din carbonara and lasagna. Sabi ko damihan kasi-

" Tara. " tumayo na si karylle habang hindi pa rin binibitawan ang kamay nya.

" Kahinaan mo talaga pagkain. " pang aasar niya kaya tinignan sya nito ng masama.

"Ako nga kahinaan kita." banat nya pero umirap lang ito. Nag pout naman ang bakla ulit. Pero sa pag talikod ni karylle, nakangiti na ito.

Pumunta sila sa dressing room ni vice at doon kumain.

"Kailan mo to pina deliver?" nag chu-chump na tanong ni karylle sa kanya habang sya naman nag bubukas ng milktea.

"kanina lang. dadalhan sana kita sa dressing room mo pero wala ka naman doon, nasa stage ka na daw."

"Eh kase late na. Ikaw lang naman hindi marunong sumunod sa tamang oras."

Hinalikan nya si karylle sa pisngi kaya tinignan sya nito ng masama, nag peace sign naman sya.

"Miss na kita, kurba. Balik ka na sa bahay. Hindi naman na ako nakikipag meet kay Solenn, wala na yun love." kinuha ni vice ang phone nya bago ibigay kay karylle.

"Alam mo naman password ng phone ko. Open mo pa love yung mga conversations sa twitter, instagram, viber and messenger wala na talaga kaming usapan ni solenn. Two months ago pa yung nandyan." paliwanag ni vice sa asawa.

Nahuli kasi sya ni karylle na nakikipag chat kay solenn. Okay lang naman kung makikipag kaibigan lang, pero iba ang naabutan nya sa conversation nito. May pa iloveyou at date pa palang nagaganap.

She warned at him. Kaya nga sabi niya mag split muna sila, na hindi alam ng mga tao. Pinili nila na itagong hiwalay silang bahay na tinutuluyan.

"Just like the title of your song, ana karylle. I want to wake up next to you." Vice.

Tumitig si karylle sa kanya bago inumin ang milktea na nasa harapan lang niya.

"Love sorry na talaga. Isuot mo na yung wedding ring natin, baka mahalata ng mga tao."

"ngayon takot na takot kang mapansin ng mga tao yung kalokohan na ginawa mo. Hindi, hahayaan ko na mapansin nila na wala yung wedding ring, para alam nilang may ginawa kang mali sakin." Seryosong sabi ni karylle sa kanya bago inubos yung carbonara na nasa plato niya.

Hindi naman na sumagot ang asawa, tumango na lang ito habang patuloy na kumakain.

"Bakit ka natahimik?" tanong ni karylle. Umiiling lang naman si vice at hindi tumitingin sa asawa. Napangiti si karylle dito, napikon na naman nya ang asawa niya.

"Hindi naman ako ang unang chat ng iloveyou sa kanya. Sya kaya. Sya rin nag aya ng date sakin. Lagi niya ako chinachat, love. Pumayag lang ako sa date para makausap ko rin sya na tigilan na nya ako."Pagkausap nito pero hindi pa rin nakatingin sa kanya.

Naawa naman si karylle sa asawa. Sadyang nainis lang sya dahil sa usapan nito at ni solenn.

Takot naman si vice na pag lumingon sya kay karylle, makita nya na galit na naman ito sa kanya.

"Balik ka na sa bahay. Hinahanap ka na sakin ni Theo Austin." mahinang sabi ni karylle bago sumisip ulit ng milktea. Lumingon si vice sa kanya na parang di makapaniwala.

"Talaga?"

"Ayaw mo?"

"Syempre gusto. Sorry na love." agad na yumakap si vice mula sa gilid ni karylle at hinalikan nya ito sa leeg.

"Namiss kita. Sorry na. I love you."

"Sorry, love. Nainis lang ako. Ayaw kong may ka-share  na iba, lalo na sayo." Karylle.

Humalik naman ulit si vice sa kanya, napagiggle pa nga sya dahil finally mayayakap nya na ulit at mahahalikan ang asawa.

"Gawa na tayong baby, kasunod ni theo." nakangising saad ni vice sa asawa.

Tumayo naman si karylle mula sa inuupuan nya, palabas na sana sya ng dressing room ni vice nang lumingon ulit sya rito.

"Diretso kang umuwi sa bahay mamaya after showtime kung gusto mong magkaroon ng kasunod si Austin."she grins bago nagtatakbo pabalik ng studio.







A/N:
Chill muna, sa susunod ko na kayo sasaktan. Charot.
Watch nyo na yung music video ng wake up next to you sa youtube channel ni mum Karylle : karyllemundo

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now