MY TEACHER, MY MOM

163 6 0
                                    

Nakabili na ako ng mga school supplies ko. Magpapasukan na naman kasi. Sa totoo lang, tinatamad pa akong pumasok dahil gusto ko pa ng bakasyon.

Napatingin ako sa phone ko at nakita ko na may chat sa akin si mommy Karylle.

Good morning baby kyut! Nasaan ka?

Kumunot ang noo ko dahil tinatanong ako kung nasaan ako ngayon.

Nandito po sa National Book Store, bumibili lang ng school supplies. Miss mo na naman ako agad, mommy.

Pina- punch ko na ang mga binili ko at handa na ako magbayad nang makita kong may tumabi sa akin at inabot ang bayad sa counter. Scent pa lang niya, alam ko na.

"Sinusundan mo na naman ako. Masyado mo ko namimiss." Sabi ko sa kaniya.

"Tss. Tatlong araw na kitang hindi nakakasama. Ayan, bayad na yang school supplies mo, samahan mo ko ngayong araw. We are going somewhere." Mommy Karylle.

Pfft. Hinila niya na ako sa kamay kahit na may bitbit ako. Tumingkayad pa tuloy ako para ipulled sya at ikiss ko sa pisngi.

"Thank you, i love you so much. Tara na, baka magtampo ka pa sa akin." Saad ko pa at hinila ko na sya.

Mommy Karylle is not my real mom. Grade 11 ako nang makilala ko siya at ngayon magsisimula na ako mag grade 12. She's my subject teacher noong grade 11 pa lang ako. And I don't know kung kailan nagsimula na para bang nagkaroon kami agad ng connection sa isa't isa. Dahil yata sa isang ngiti niya. Mabilis kami naging comfortable sa isa't isa, minsan nga iniisip ko nanay ko na nga ito at iba lang ang nanganak for her hahaha.

Attach kami sa isa't isa. Though pinagbabawal ang attachment dahil nga naka magkaissue ang isang teacher at ang isang student. Pero hindi ko mapigil ang nararamdaman kong attachment sa kaniya because she makes me happy always.

Fair naman sya kapag nasa school, hindi nga rin ito pumapanig sa mga kalokohan ko.

Married na sya. At nakilala ko na rin ang husband niya. Si daddy vice. Wala pa silang baby kaya ako na daw ang anak nila. Hahahah nakakatuwa nga e. Mukhang ako pa ang panganay ng mag asawang ito.

"Isusumbong talaga kita kay daddy, kung saan saan mo ko dinadala. " sabi ko sa kanya once na naka ayos na ang seatbelt ko.

"E gustong gusto mo ngang bata ka. I know you missed me too, huwag ka ngang ano dyan Audrey. " mommy Karylle. Napa pout ako kasi tinawag nya ako sa buo kong pangalan.

"May sasabihin ako sayo." Sabi niya at tumingin sya sa akin na nakangiti.

"Mommy kung mag rereto ka ng boys, please huwag. Baka di ko tanggihan. Joke! Hahahahaha ano na naman yan?" Nag crossed arms kong sabi sa kanya.

"Subject teacher nyo ako ngayong grade 12 sa creative writing." Nag wiggle pa sya mg kilay nya na para bang matutuwa ako sa kanya.

"Ikaw na naman? Jusko, pahirap ka na naman this year ma'am." Sabi ko at tumitig sya sa akin.

"Anong sabi mo?"

"Ma'am." Nag bleh pa ako sa kanya at inasar ko sya.

"Humanda ka talaga sa pasukan, kung sa kanila ang essay na ipapagawa ko ay 500 words lang, sa iyo 1500 words." Mommy Karylle. Lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

Napipikon talaga sya kapag tinatawag ko syang 'ma'am'.

"Sige, cher. Ipush mo yan." Sabi ko pa at tinawanan ko ulit. Cher short for teacher.

"Ah talaga ba, tinatawag mo na rin akong cher e tawag mo yan kay ma'am Kaye."mommy Karylle. Tinutukoy nya si maam Katherine Grace na mas tinatawag naming maam Kaye.

ViceRylle Collectanea FandonieМесто, где живут истории. Откройте их для себя