DADDY'S SECRETARY

228 12 2
                                    

"Daddy," napalingon naman si vice sa anak na inaayos ang sariling buhok.

"Ano yon anak?" binaba nya ang binabasa niyang magazine at pinag tuunang pansin ang anak na labing anim na taong gulang.

"Kailangan mo ko hahanapan ng mommy?" tanong nito sa kanya habang nag wiwiggle ang mga kilay nito at nakatitig sa kanya sa reflection sa salamin.

Natawa naman si vice dahil sa sinabi ng anak. Napa iling na lang sya at napa crossed arms.

"Gusto mo talaga ng mommy no? Hindi pa ba sapat si daddy?" pag ddrama nya sa anak. Inayos naman ni Vianna ang buhok nya bago lumapit sa ama.

"Daddy naman, sapat ka kaya. Pero ayaw mo ba ng girlfriend? Yung magiging mommy ko ganon!" inakbayan naman nya ang anak bago hilahin ito palabas ng kanilang bahay. Nagmana rin ito sa katangkaran nya.

"Tara na Viana Marieylle. Ang dami mo sinasabi. Ayokong girlfriend, I only want my pretty Viana." ngumiti sya sa anak nya at sumakay sila sa sasakyan.

Parang magkapatid lang silang mag ama kung titignan. Sixteen years old lang kasi si vice ng maging ama sya. At kahit kailan hindi niya nasabi sa anak ang tungkol sa ina nito.

"Sus. You don't want to have a girlfriend daddy? Papayag naman po ako. Basta makakasundo ko sya, tska mahal nya rin ako."

Tumawa na lang sya dito at napailing. Hindi niya rin alam sa anak nya bakit hindi nito hinahanap ang sariling mommy nya. Hindi ito nag tanong sa kanya. Mas gusto pa na mag girlfriend sya at yun ang maging mommy nya.

"Gusto mo ako mag girlfriend pero hindi mo nga tinatanong sakin kung nasaan mommy mo."

"hindi ko lang nakasanayan na itanong sayo daddy. But still if one day makikita ko ang mommy ko, then kakausapin ko sya. I'm not used to ask you questions about my mom. Siguro kasi daddy nasanay ako na ikaw lang ang kasama ko for sixteen years." Napangiti naman si vice sa anak. Masyadong matalino ang anak nya sa mga bagay bagay.

" And you are enough. Pero napapatanong na rin ako, daddy, kung bakit ayaw mo ng jowaaaa" sabay naman silang natawa dahil sa bahagyang pag sigaw ng anak.

Buong buhay nya mag mula ng dumating si viana sa kanya, hindi na sya nagkaroon ng panahon para sa lovelife niya. Masaya sya na itinuon nya ang kanyang atensyon sa kanyang anak.

"Kapag ako nag jowa, dun na lang atensyon ko. Bahala ka."

"Daddy naman. Daddyyy!"








"daddy," nag eecho ang boses ni viana sa loob ng office ng kanyang daddy pagkapasok niya.

Nag tinginan naman sa kanya ang mga kasamahan sa trabaho ni vice kaya napa peace sign sya at nag beso sa mga ito.

"Sorry po ang ingay ko. Si Mr. Jose Marie nasaan?" tanong nya kaya nag tawanan ang mga ito dahil sa pagka pormal sa pag hahanap sa daddy nya.

"Nako Via, wala si daddy mo. Lumabas e." sagot ni vhong sa kanya na nag ddrawing para sa kanilang another project sa pag gawa ng subdivision.

Nag ttrabaho sa isang firm ang kanyang daddy at sya pa ang head ng mga ito.

Naupo naman sya sa swivel chair ng daddy nya at binuklat ang laptop nito.

"Viana?" lumingon sya at nakita nya ang kakarating lamang na si vice.

"Hi dad, out mo na? Kain tayo sa labas? It's friday." naka ngiti niyang saad sa ama.

"Anak, I'm sorry. Hindi kita masasamahan ngayon. May problema ngayon dito sa firm. Kailangan pang ayusin ni daddy." marahan na paliwanag ni vice sa anak. Tumango naman si viana bago humalik sa pisngi ng ama.

ViceRylle Collectanea FandonieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ