THE OFW

135 9 1
                                    

Alas otso pa lamang ng umaga ay nakahanda na ang mga ititinda ni ana na mga turon at mga bananacue. May mga tanim silang mga puno ng saba at saging kaya naman kung may bunga ito ay iyon ay kaninang inilalako. Ang kaniya namang asawa na si jose ay isang mangingisda.

Payak ang kanilang buhay. Kung minsan pa nga ay hindi maiwasan na kapusin sila sa pera pambili ng kanilang mga kailangan. Lalo pa at may tatlo silang anak.

"Nilagang saba na naman." Saad ng panganay nilang sampung taong gulang na si Trina, habang nilalapag niya sa mesa ang plato na may mga saba.

"Wala pa kasing huli si papa ng isda, tapos kulang pa yung pera ni mama pero sa susunod anak, magkakaroon tayo ng masarap na pagkain." Saad ni ana sa panganay at nilapitan ito. Hinaplos din nito ang kulot na buhok ng anak at bahagyang ngumiti.

"Kain na kayo." Sabi niya at inabutan ang mga anak ng tig iisang saba. Pinag mamasdan nya ang mga ito, halata sa mga mata niya na nasasaktan sya dahil hindi nila maibigay ang pangangailangan ng mga anak nila lalo na ang pagkain.

Lumapit sa kaniya ang asawa na si jose.

"Susubukan ko mangisda agad ng maaga bukas. Kapag marami ang huli, ibenta mo yung iba tapos ulamin natin yung iba." Mahinahong saad sa kaniya nito.

Tanging tango na lamang ang naibigay niya sa asawa at humilig siya sa balikat nito.

Minsan nga ay napapatulala na lamang siya dahil hindi na niya alam kung saan kukunin ang pang gastos nila sa araw-araw nilang pamumuhay.

Minsan isang gabi na nag usap sila. Nasa labas sila ng kanilang bahay, nag uusap sa mahabang bangkong kahoy.

"Tulala ka na naman, mahal." Saad ni jose at tinabihan si ana.

"Iniisip ko lang yung mga bata. Hindi natin maibigay yung mga gusto nilang pagkain. Naaawa ako sa mga anak natin, mahal." Paliwanag niya habang nakatingin sa malayo.

"Gumagawa naman tayo ng paraan... Nagsisikap naman tayong dalawa. Hayaan mo sa susunod, hahanap ako ng ibang trabaho dito sa atin." Hinawakan ni jose ang kamay nya at hinalikan yun.

Hindi man marangya ang buhay nila, ngunit alam niyang mayaman naman sila sa pagmamahal. Si Jose ang asawa niya, mahal na mahal siya pati ang kanilang mga anak. Mabuting ama sa mga anak nila. Masipag rin ito mangisda upang may maitinda siya.

"Mag abroad na lang kaya ako?" Tanong ni ana sa kaniya at umayos ito ng upo.

"Abroad? Ana, malayo yun. Malalayo ka sa mga anak natin." Jose.

"Magsasakripisyo para sa mga bata, para sa atin. Tska nandito ka naman diba? Babantayan mo naman sila e. Mahal, kung nandito langako sa lugar natin walang mangyayari. Kahit nga ang lugar natin mahirap din at walang mga trabaho na maibigay sa atin. Mag iipon lang naman ako, pag naka ipon na ako uuwi na din ako dito." Paliwanag ni ana sa kaniya habang pinagmamasdan sya.

"Suaubukan ko naman mag hanap ng ibang trabaho dito para may pang tustos tayo. Makakaya naman nating dalawa to nang magkasama tayo, mahal. Huwag ka nang umalis. Naisip mo ba yung mga bata? Aalis ka, malalayo ka sa kanila habang lumalaki sila."

"Jose, maiintindihan naman nila kung magtatrabaho ako. Para sa kinabukasan nila to." Saad naman ni ana at hinawakan sya sa kamay.

Ngunit, ang plano ni ana na pumunta ng ibang bansa upang mag trabaho ay hindi natuloy dahil siya ay nag buntis sa pang apat nilang anak.

"Hay nako, buntis ka na naman. Alam niyong ang hirap ng buhay." Sabi ng nanay ni jose na si Irma. Nasa bahay sila nito ngayon dahil nang hihiram sila ng pera pambili ng bigas.

Hindi naman nakasagot si ana. Ngunit agad naman na pinatigil ni jose ang kaniyang ina.

"Ma, tama na po. Wag nyo na po kagalitan si ana, kung hindi din naman dahil sakin hindi mabubuo yung bata."

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now