TATAY

188 5 1
                                    

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon

"Tatay," pagtawag ko kay vice habang palapit sa kaniya. Nilingon niya ako at nilahad ang kamay nya. Inabot ko naman yun bago ako umupo sa may lap niya.

"Yes nanay?" tanong niya pabalik at niyakap ako mula sa likod.

"Wala naman, gabi na pero hindi ka pa natutulog." sabi ko sa kaniya. Nandito kami ngayon sa labas, tapat lamang ng aming bahay. Kaharap namin ngayon ang bukid, ngunit hindi naman ganoon kaliblib sa aming lugar.

"Nagpapahangin lang, matutulog na rin ako maya maya. Marami rin akong trabaho bukas. Magbibilad kami ng palay tapos may sideline pa ako." Paliwanag niya sa akin na ikina-tango ko naman.

"Salamat, tatay. Ang blessed namin ng mga bata dahil mayroong tatay na katulad mo." Mas lalo niya akong niyakap at hinalikan ako sa pisngi.



Inaya ko na siyang pumasok sa loob ng aming bahay. Pero bago pa kami tumungo sa aming kwarto, sinilip niya ang isang kwarto kung nasaan ang aming bunsong anak.

"Malaki na si bunso." Umupo sya sa gilid ng kama nito st pinagmasdan niya ang bunso naming anak. Hinaplos niya ang buhok nito bago halikan sa noo.

Cerebral palsy. Sa apat naming anak, si Avah lang ang may disorder. Hindi siya nakakapag salita, nahihirapan sya. Pati na rin sa pag hawak ng mga bagay at paglalakad ay hirap sya. Dahil na rin siguro sa hindi niya ma-control ang mga muscles niya. Pero ganoon pa man, mahal na mahal namin siya.

Bukod pa roon, mahina rin ang puso niya. Mild mitral valve regurgitation. Sabi ng doctor, hindi naman daw kailangan ng treatment dahil mild lang naman.

Napatitig ako kay vice, napapansin ko na naman siyang lumuluha. Alam kong ginagawa niya ang lahat para sa mga anak namin, lalo na sa bunso naming si Avah.




"Bunso, sabihin mo tatay."

Naririnig ko silang kinakausap ang kapatid nila. Magkakaharap sila ngayon sa salas, habang ako nandito sa kusina at nag aasikaso ng pagkain namin.

Si Anna, 25 years old, sya ang aming panganay. Carlos, 23. Ang pangalawa sa kanilang magkakapatid. Habang si Lucas 20 ang pangatlo at si Avah ang bunso, 15.

"Sa susunod, si bunso makakapag salita na yan."Vice.

Simple akong napangiti. Matagal na naming hinihintay ang unang salita niya.

"Ta-tay. Ta-tay" Lucas. Patuloy pa rin sila sa pagtuturo sa kanilang kapatid.

Nilapag ko na ang agahan namin sa mesa bago ko sila puntahan sa salas. Napansin ko na nakayakap mula sa likuran ni Avah si Anna, amg panganay naming anak.

"Malaki na bunso namin ,ang ganda ganda pa!" Anna. Hinalikan niya sa pisngi ito at marahan na pinang gigilan sa pisngi ang kapatid.

Nakatitig ako kay vice, at alam kong masaya sya na nakikitang magkakasundo ang mga anak niya.

Kapag sabado at linggo, si Anna at Carlo nandoon sa isang malaking tindahan at tumutulong mag tinda. Gusto nilang tumulong para raw suportahan si bunso, ang aming Avah. Habang si Lucas naman ang nagbabantay. Kaming mag asawa, nasa bukid at nagtatrabaho.



Hapunan. Sabay sabay kaming kumain habang nag uusap usap.

"Ikaw nanay K, anong gusto mo?" Tanong sakin ni Carlos. Kanina pa kami nagtatawanan dahil sa mga hirit nila sa isa't isa.

"Ang gusto ko lang naman, makapagtapos kayo ng pag aaral." Sagot ko sa kanila habang sinusubuan ko ng pagkain ang bunso namin.

"Nanay, matutupad yon. Materyal na bagay, anong gusto mo? Gusto mo ba bukas ibili ka namin ng sasakyan?" Carlos.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now