SIR

304 14 1
                                    

"Summer!" tawag ni Karylle sa anak nyang anim na taong gulang. Lumapit naman ito sa kanya at binihisan nya ng isang red dress.

"Saan tayo pupunta mommy?" tanong nito. Kinuha na ni Karylle ang suklay at inayos ang kulot na buhok din ng kanyang anak.

"Sa work ni mommy. Walang mag babantay sa baby ko kase wala si mommyla ,diba?" saad nya dito habang nagbe-braid ng buhok nito.

Tumango naman ang bata habang nakaharap sa salamin. Hinalikan rin ni karylle ang buhok ng anak pagkatapos nya itong ayusan. Pagkatapos , nagsuot na sa sarili nya si summer ng shoes.

"Mommy, kailan uuwi si daddy?"tanong nito na nakapag patigil sa kanya sa pag me-make up. Tipid syang ngumiti sa bata bago tapusin ang pag aayos nya.

"Soon baby. Tara na? After ng work ni mommy pupunta tayong jollibee!" Karylle. Napa talon naman ang kanyang anak dahil dito.

Hindi madali para sa kanya ang kanilang sitwasyon kaya nga  ginagawa nya lahat para sa kanyang anak. Hindi pa sya handang sabihin dito ang tungkol sa kanyang ama. 

Habang nasa sasakyan sila, kumakanta si summer na sinasabayan naman ni Karylle. Ito ang madalas nilang bonding kahit na nasa bahay sila. Pagkausad ng sasakyan , may biglang mabilis na sasakyan ang humarang sa kanila. Mabuti na lang agad na naka preno si karylle at nakapag busina.

"Shit!" Bulalas nya. Agad nyang tinignan ang anak kung may galos ba ito o nasaktan.

"Mommy, I'm okay po." sagot ng kanyang anak. Lumabas sya ng sasakyan at nilapitan ang muntik ng maka aksidente sa kanilang mag ina.

"Hindi ka ba marunong mag drive?!"pasinghal nyang tanong dito at naka kunot noo.

Sumilip naman sa kanya ang driver nito,"marunong ako kaya nga ako nagddrive ng sasakyan ko ngayon. May gasgas ba sasakyan mo? Babayaran ko. How much do you want?"

"Kasama ko yung anak ko at hindi mo mababayaran yung buhay nya kung may nangyari masama doon dahil sayo!" Umirap sya at iniwan na nya ang lalaking muntik maka aksidente sa kanila. Bumalik sya sa sasakyan at nag drive na ulit. Tinitigan naman sya ni Summer habang tinatanong sya kung okay lang ba.


" Sir, good morning. I'm sorry I'm late for five minutes. Muntik kasi kaming maaksidente ni Summer sa daan." Paliwanag nya sa boss nyang si  Albert.

"What happened? Mabuti hindi nasaktan ang apo na to" napangiti si karylle matapos haplusin ng boss nya ang buhok ni summer at ituring ito na apo.

"There's a guy na ang bilis magpatakbo at nag overtake pa sa-

"Hi dad! " isang boses ang narinig ni Karylle. Hindi naman nya agad ito na recognize kaya nang makalapit ito sa kanyang boss doon nya lang ito nakilala.

"Ikaw na naman?!" Saad niya rito.

"Hi miss kulot" nakangiti na nitong sabi unlike noong magkita sila sa daan.

"Magkakilala na kayo?"tanong ni boss Albert sa kanilang dalawa.

"Sir, anak mo yan? Sya yung muntik maka bunggo sa amin sa daan. Reckless driver!"

Tinignan naman ni albert ang anak,"Vice,"

"Dad, I'm just having a bad day earlier. Ginising mo ba naman ako nang maaga para papuntahin dito sa company mo knowing na magkalaban tayo sa business."

"Naka under sa pangalan ng kompanya ko ang kompanya mo ,wag kang mag imahinasyon dyan. "Albert. Tinawanan na lang ni vice ang ama dahil napikon na naman nya ito.

"But dad, mukhang umayos ang sistema ng katawan ko nang makita ko si miss kulot. I'm introducing myself to you miss. I'm Jose Marie and I will be your boss for a month."

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now