FATE

467 14 0
                                    

"Hi! Good morning!" bati ni Vice pagka pasok nya sa lounge. Wala naman halos naka pansin sa kaniya dahil sa sobrang kaingayan.  Nilapitan niya si Billy at nakipag beso dito.

"uy bestie! Goodmorning."Billy. Lumingon naman sa kaniya ang mga hosts at nakipag beso rin sa kaniya.

" Ang iingay nyo pag dating ko ha? Pati sa hallway, ang busy ng mga staffs. Anong meron?"tanong niya sa mga ito. Tatlong araw kasi siyang wala dahil nag leave siya, para sa kaniyang pamilya na dinala niya sa Batanes. Hindi din siya nag oopen ng kaniyang mga social media account dahil sa tatlong araw na yun,sinabi niya sa kaniyang ina na sa kanilang lahat ang buong atensyon niya.

"Sis! May bago tayong co hosts! Ngayong araw siya dadating!" Anne.

Nakaramdam naman ng excitement si vice dito, "talaga? Saang network siya galing?" tanong nya kay Anne.

"Five minutes, on air na." sabi ng isang staff sa kanila. Hindi naman nasagot ni anne ang kaniyang tanong.

"Chika ko sayo later sis!" sabi nito at umalis na sa lounge bago pumunta sa kankyang dressing room. Maging ang ibang hosts ay bumalik sa kaniya kaniyang dressing room upang makapag ayos pa ulit.

Tumungo muna rin siya sa kaniyang dressing room para ayusin ang kaniyang sarili. Maya maya lamang ay tinawag rin siya ng staff upang sabihin na nag sisimula na ang showtime.

Patakbo niyang tinungo ang studio, may mga nakikita siyang banner. May kabataan na nag titilian.

"Please welcome, the newly kapamilya artist, Karylle!" pag papakilala sa bagong kapamilya at ang magiging co host nila.

Natigilan si Vice ng marinig ang pangalan na yon, ngunit baka lang nga nabingi lang siya o iba ang kaniyang pagka rinig. Ngunit napatitig siya ng makita niya ang isang babaeng may magandang kurba ng katawan ang nasa stage at kumakanta ito.

Alam nyang kinakausap siya ni billy, pero hindi niya masagot ang mga tanong nito sa kaniya dahil naka focus lamang ang kaniyang atensyon sa isang tao. Kay Karylle.

Matapos ang production nito, ay nag simula na silang mag sayaw upang ma warm up ang mga audience at maging sila rin. Inalalayan ni Vhong pababa si Karylle, sa pamamagitan ng pag hawak sa kamay nito.

Napatitig si vice sa kamay nilang magkahawak at medyo napa simangot. Napatingin sa kaniya si Karylle at nabigla rin ito pero hindi nito pina halata sa kaniya.

"Hi vice!" bati nito sa kaniya bago siya gawaran ng ngiti. Ang kaniyang pag simangot ay napalitan ng kasiyahan. Hindi niya maintindihan pero na light up ang kaniyang mood. Sa tabi rin niya naka pwesto ang babae habang ginagaya ang step ng choreographer nila.

Pumunta na sila sa stage at nag simula na si Anne na batiin ang mga madlang people. Nakikipag beso naman ang iba nilang co hosts sa isa't isa at maging kay karylle.

"Please welcome, karylle!" pag papakilala muli ni vice dito bago siya nakipag beso.

"Hi everyone!" mahinhin nitong pagbati sa lahat bago ngumiti.

"Ms. Z! Nandito na ang anak mo!"sabi ni Billy na ikinatawa ng lahat.

Bumulong naman si Vice sa kaniyang sarili," shet. Anak ni ms. z?"

" oo anak ni ms. Zsazsa yan, bakit brad?" biglang sabi ni vhong kaya binatukan niya ito ng marinig ang kaniyang pag bulong.

Napalingon naman sa kanila ang mga kasama dahil sa action niyang yon. Hindi nila alam ang nangyayari kaya sinabihan nila ito ng, "ishare mo yan viceral!"

Tumingin na lang siya kay Karylle bago ito ngitian, "Hi Kurba.." napa kagat siya sa kaniyang dila ng banggitin niya ang salitang yon.

"brad, ang bilis ha! May tawag ka kaagad kay Karylle?!" pang babara ni vhong dahil pakiramdam niya, may something si vice kay karylle. Hindi naman sinagot yon ni vice at hinayaan na lamang niya ang kabiyang kaibigan.

ViceRylle Collectanea FandonieOnde as histórias ganham vida. Descobre agora