RIGHT PERSON, WRONG TIME

128 9 3
                                    

"Gusto mo?" Tanong ni vice sa batang kulot na kumakain ng burger. Her name is Karylle. Inaalok niya ito ng baon niyang donut.

"Mmm, thank you but I have food na. Eat yours." Nakangiting sabi nito sa kanya at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Eh marami naman to eh, you can have some." Pamimilit pa nito at umupo pa sa kaniyang tabi.

"Vice, you're so kulit. Hahahahaha I have baon nga burger and besides may pizza pa ako sa lunch box ko."

"But you can ask me if you want okay??" Nag thumbs up pa syang sabi rito at sinimulan na nya kumain ng dala niyang donut. Nasa kahon kasi ito at 12 pieces ang laman. Mukhang nagpabili nga sya ng marami para pang baon niya sa school.

"Nakatitig ka na naman kay Karylle." Tinapik ni vhong ang balikat ni vice at umupo sa arm chair nito.

"You know how much I like her, brad. Since elementary she's my crush. " Saad nito habang naka cross arms.

"Edi pormahan mo na" saad ni vhong sa kaniya. Umiling naman sa kaniya si vice bago muling ngumiti.

He's admiring her from afar. At alam niyang may boyfriend na ito, si Jericho. Nag try sya na mag confess dito noon bago pa ito magka boyfriend pero agad syang nireject ng dalaga dahil hindi pa ito handa. They were junior high school that time, grade 9. And now they are second college students and same silang nasa engineering program.

"May boyfriend na sya." Mahina niyang saad pero saad na yun para marinig ni vhong.

"Ano??"

"Oo. Grade 11 tayo noong naging sila. Lowkey nga lang sila. Nalaman ko lang kay Teddy na nasa kabilang section dati. Close ko yun e, tropa ko. Kilala mo si Jericho diba? Kaklase natin sya noong grade four tayo at inaway pa nya ako. Kinuha nya yung baon kong pera. Parang lumabas pa na ako ang mali noon dahil umiyak pa sya. Lalaking tao pero umiyak, isang suntok lang naman sa dibdib yon." Naka busangot na niyang sabi.

Grade four to grade six ay naging kaklase nila ito sa star section. Pero nag iba ito ng school noong mag high school, at muling bumalik na lamang noong nag senior high school na sila at doon nito niligawan si karylle.

Natatawa naman na sa kanya si vhong, "brad bakit naman sa dibdib? Edi hindi nakahinga yon. Kahit sino maiiyak eh"

"Kasalanan nya, kinuha nya kasi baon ko. Nakita pa tuloy ni karylle yong sinuntok ko ang lalaking yun pero di nya nakita na kinuha nun yung baon ko." Vice. Medyo napalakas ang boses nya kaya napalingon sa kanya si karylle.

"Are you calling me, vice??" Tanong nito habang papalapit sa kanila. Umayos naman ng upo si vice.

"Hindi. Nag kukwentuhan lang kami ni vhong. I'm sharing something lang." Impit niyang ngiti dito.

"Oh, akala ko tawag mo ko. Balik na ako don." Karylle. Nakangiti rin ito at bumalik na sa grupo ng mga girls at nakipag kwentuhan.

"Whuy huminga ka." Sabi naman ni vhong, napansin niyang napapigil ito ng hininga dahil kausap si karylle.

"Putangina brad, pati buhay ko mawawala yata."

Binatukan naman sya ni vhong at may kalakasan yun, "siraulo"

Pauwi na sana si vice ngunit nakita nya si karylle na nasa labas lamang ito ng gate at mukhang may hinihintay.

"Pauwi ka na?" Di niya natiis na tanungin ito nang lapitan niya.

"Oo, hinihintay ko lamang si Jericho. Padating na daw sya." Sabi ni karylle habang nakatingin sa relo niya.

"Sure ka? Palagi kitang napapansin dito na nag hihintay pero uuwi kang mag isa ka pa rin."vice.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now