LETTER E

435 12 6
                                    

Commercial break pa lang ng it's showtime dahil kakatapos lang ng Reina ng Tahanan. Nakatabi si vice kay vhong at ryan habang nakikipag kwentuhan sa mga ito habang si karylle naman ay kausap si tyang amy at si jugs.

Napatigil naman sa pag daldal ang bakla dahil pinag masdan nya si karylle na tumatawa, ang kanyang asawa.

"Matunaw yan brad!" saad ni vhong habang nakangisi.  Ngumiti lang naman si vice habang pinapakita nya ang kanyang kilig smile.

Napalingon tuloy si karylle sa kanila, bahagya rin tumaas ang dalawang kilay nito asking them why. Ngumuso lang si vice sa kanya bago mag giggles. Bumalik naman sa pakikipag usap si karylle sa kanyang tiyahin.

Maya maya lang, inabot na ang mga tanong na gagamitin sa madlang pi-poll. Nais kasing mabasa ni vice ang mga tanong bago pa mag ere para sa kanilang susunod na segment. Habang binabasa ni vice ang mga tanong, unti unti na rin siyang natatawa. May idea kasi sya sa mga tanong na hawak nya.

"Brad, bakit ganito yung tanong dito?" ask ni vhong sa kanya. Napailing na lang si vice sa kanya.

"Wala naman, naisip ko lang yan! Tska ako naggawa ng tanong, bakit ba nakikialam ka navarro?" tanong ni vice na kunwaring sinusungitan ang kaibigan.

"Siguro, nag checheck in kayo lagi ni elbruh no?" vhong. Kumunot noo lang naman si vice. Hindi nya naman nais na sabihin sa iba ang tungkol sa mga ganoong bagay.

Binitawan naman saglit ni vice ang mga questions bago makipag palit ng pwesto kay jugs. Niyakap nya ang asawa habang pinupwesto ang kanyang ulo sa balikat nito.

"Hi mommy," bati ni vice sa asawa habang marahan na hinahalikan ang pisngi ni karylle.

"Tapos ayon nga-- ay! Vicey!"hinawakan naman ni karylle ang kanyang kamay bago i-tub ito using her thumb. Ngumiti lang sa kanya si vice at nakinig rin ng usapan nilang mag tyahin.

" Ang daldal mo naman, love. Baka mamaya di ka na makinig habang madlang pi-poll ha"paalala ni vice sa asawa.

" Makikinig ako. I'm behave later kaya" parang batang tugon nito sa asawa.

"Nako bruh, malabong tumahimik ka dahil sa kadaldalan mo." Pangcaasar ni vhong sa kaibigan. Nilingon naman sya ni karylle at slight na nag pout ito.

"Ewan ko sayo, vhong! Vice oh, inaaway ako. Si Ryan din love oh tignan mo yung tingin."pagsusumbong ni karylle. Si vhong lang naman talaga ang target nya pero dinamay nya si ryan, ang kanyang matalik na kaibigang kaaaway. Madalas kasi silang mag asaran nito.

"Hala ate karylle, wala ako gawa sayo. Mommy, bawalan mo asawa mo." bulol na tugon ni ryan sa kanilang mag asawa. Nagtawanan na lang tuloy sila kasama pa ang ibang hosts.

Lumipas pa ang ilang minuto at magsisimula na ang showtime para sa madlang pi-poll.

"Host si ryan??!" pang aasar na naman ni karylle dito habang nakatitig, nakangisi rin bago sinabayan ng kanyang tawa.

"Oo ate K. Host ako. Magaling kaya ako mag host." Ryan.

"Baka hindi ko maintindihan yan."

"Madaldal ka kasi." Ryan.

Hindi na lang inawat ni vice ang kanyang anak pati na rin ang asawa. Normal na sa kanyang makita ang dalawa na nagpapalitan ng pang aasar.

Nagsimula na ang madlang pi-poll, pinakita ni ryan at vice ang kanilang galing sa pag hohosts, pag entertain ng kanilang mga bisita at pakikipag usap sa kanilang mga kaibigan.

"Anong madalas na ginagawa ng mga tao kapag valentines day? A. Nagbibigay ng bulaklak at chocolates. B. Kumakain sa labas"

"Uhhh.."
"Oh date date" Vice

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now