DADDY

536 14 3
                                    

"Sir Vice, good morning" tawag sakin ng aking secretary. Maya maya lang ay umupo na sya sa pwesto nya, sa tabi ng table ko at nag simula ng hawakan ang paper works.

"You're late" saad ko sa kaniya habang hindi ko siya tinitignan.

"I'm sorry sir, may emergency lang sa bahay tapos na traffic pa ako. Sorry po." Wala na akong narinig pa sa kaniya matapos niyang mag explain.

Binuklat ko na yung laptop ko at tinignan ko kung ano ng mga gagawin ko ngayong araw, at kung ano na ba ang mga natapos naming projects.

"May meeting ba ako ngayon? Paki kuha nga ako ng kape, salamat."

Sinundan ko sya ng tingin habang papalabas ng office ko. Naninibago ako sa kaniya, tahimik ang bruha.

Pag balik niya, dala na nya yung coffee ko.

"Heto po sir." bumalik siya sa table nya at kinuha ang kaniyang laptop.

"May schedule po kayo ng meeting kay sir vhong mamayang 10 am. And after that sa afternoon naman, 1 pm kay ma'am Liz." tinalikuran na nya ako after nun.

Napairap tuloy ako sa kaniya ng bahagya.

"Karylle." tawag ko sa kaniya dahil hindi nya ako kinukulit. Tumingin sya sakin na parang she's asking me why.

"Galit ka pa-

" Office hours, sir Vice. Marami pa akong gagawin kasi late nga ko diba? Tapps may emergency sa bahay. " Aba ang loka nag walk out.

Tinignan ko yung picture na nasa table ko at hinawakan ko.

"Sorry ah, napapabayaan kita. Marami akong pagkukulang sayo." Binaba ko na ang picture nya at nagpatuloy na ko sa aking trabaho.



Pagkatapos ng meeting ko, hinanap ko si Karylle. Nauna na namang umalis kahit alam nyang may pinag usapan pa kami ni Vhong.

Jusko, lunch na. Saan na napunta ang babaeng yon?

"Anne!" tawag ko sa isang employee ko

"S-sir vice..bakit po?" alam ko naman na nauutal sya kapag tinatawag ko- dito sa may company. Nag tinginan naman ang ibang employees sa aming dalawa. Hinila ko siya at ang mga mata ng iba, naka focus pa rin sa amin.

Dinala ko siya sa office ko at hinawakan ko sa kamay.

" Girl! Ngangabu, tulungan mo ko suyuin yung bestfriend mo! Huhuhu!" Arte ko sa kaniya kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Alam mo yokaba, kaya mong suyuin si Karylle. Kaya mo na yan. Ayokong madamay sa away nyong dalawa girl."Anne. Napaka buti mo namang kaibigan. Iniwan nya na ko after that pero bumalik sya para sabihin kung nasaan si Karylle.

" Nasa rooftop si Karylle. Please lang vice, gawin mo ang lahat para sa kaniya. "


Sinundan ko si Karylle, pumunta ako sa rooftop at nakita ko siya doon na kumakain. Tumabi ako sa kaniya at naki share ng dala nyang food.

"Girl, galit ka pa ba sakin?" sinamaan nya kong tingin ng tawagin ko siyang 'girl'

Hinawaka ko siya kaagad sa kamay at hinalikan ko yon.

"I'm really sorry, hindi ako umuwi kagabi sa bahay natin. Sorry na, love. Hindi na mauulit.  Hindi na ako gigimik at uuwi lagi ng lasing."

Tumango sya sakin at bahagyang ngumiti, "katulad ng sinabi ko kanina, may emergency sa bahay mo."

"natin" pagtatama ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin habang tumango, "Yeah, natin I mean."

"Si Eila, nasa clinic. Tumaas yung lagnat kanina."

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now