CAN WE GO BACK?

352 7 4
                                    

Sinuntok ko ang lalaking kahalikan niya hanggang sa mapahiga ito sa sahig.

"Vice!" sigaw niya sa pangalan ko habang patuloy lang ako sa pag bugbog sa lalaki. Nakita ko na nag dugo ang labi nito at naramdaman ko ang paghawak ni Karylle sa aking braso.

"Enough! Please enough!" Hinila na niya ako at nilayo sa lalaking yon. Tumingin rin siya sa lalaki, "I'm sorry Sixto.."

Sumakay siya sa sasakyan at habang ako pumunta sa driver seat. Nag simula na ko mag drive habang hindi pa rin kami nag uusap.

"Hindi ako uuwi. Gusto ko pumunta kay mama."Karylle.

Nilingon ko siya, hindi siya nakatingin sa akin sa halip sa bintana siya naka tingin.

" Bakit kay mama? Love naman, please.. "

Nakita ko mula sa gilid ang pag iling niya sakin. Narinig ko ang pag sigh niya.

"Love please, balik ka na sakin. Aayusin ko na yung buhay ko.. yung nakita ko kanina, babalewalain ko yon."

Masakit na makitang may kahalikan na iba yung asawa ko, pero kasalanan ko rin naman. Napabayaan ko siya. Wala na akong time sa kanila ng mga anak namin.

Nakarating kami sa bahay pero hindi niya ako kinakausap. Diretso siya sa kwarto at kinuha ang mga damit niya pati damit ng mga bata.

"iiwan mo ko dito?" nilapitan ko siya at kinuha ko ang bag sa kaniya para mailayo ko. Tinignan nya lang ako bago hinablot pabalik yung bag.

"mas mabuti ngang mag hiwalay na lang tayo vice. Wala ng patutunguhan ang relasyon na to! Wala na!"

Niyakap ko siya mula sa likod. Siniksik ko ang mukha ko sa kaniyang batok. Hindi ko kayang wala siya sakin.

"Love please? Give me another chance.. Last chance please?"

Unti unti niyang kinalas yung pagkakayakap ko sa kaniya, "Pagod na ako sayo. Pagod na ako sa relasyong to. Paulit ulit lang ang nangyayari sa atin vice. Napaka sensitive na natin pareho. Tapusin na natin to.."

Inalis niya sa daliri niya yung wedding ring namin, at nilapag niya sa kama. Hindi ako naka kilos, natuod ako sa ginawa nya habang yung luha ko patuloy lang sa pag agos.

Ito ang pinaka masakit na salitang narinig at natanggap ko.

Pagod na siya sakin.

Narinig ko ang yabag ng kaniyang mga paa. Palayo. Palayo sakin. Palayo sa sakit na nararamdaman nya sakin. At ang pagsara ng pinto ay ang tuluyang pag alis niya sa buhay ko.

Its been a week. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, ang chats. Lahat lahat ng paraan na ginawa ko wala siyang response. Tinawagan ko si mama paramakausap si Karylle pero ayaw nya pa rin.

Pinuntahan ko na nga e, hindi pa rin siya lumabas. Di siya nagpakita sakin. Inabutan na ako ng ulan pero balewala lang.

At sa loob ng one week, wala na akong ginawa kundi harapin ang alak. Tinatawagan ako nina vhong pero hindi ko na rin sinasagot. Gusto ko lang marinig na boses yung sa asawa ko, yung sa mga anak namin.

She's my Ana Karylle. Nakilala ko siya sa companya ng ate ko. May pinadala si ate sakin na folder dahil naiwan niya sa bahay, nag hintay ako sa office ng ate dahil wala siya, may ka meeting sa hall.

Then I met her. Sya pala ang secretary ng ate ko. Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa kaniya kaya nakipagkilala na ako.

Dahil doon, lagi na akong pumupunta sa company para lang sa kaniya. Naging magkaibigan kami, hanggang sa sinabi ko sa kaniya yung totoong nararamdaman ko.

ViceRylle Collectanea FandonieWhere stories live. Discover now