Chapter 5 (Part 2)

9 2 0
                                    

Biglang lumingon ang mama niya sa kanya ng napakaseryoso. Galit na galit na ang awra nito. Halos himatayin siya nang lumakad ang mama niya papunta sa kanya.

"Ma, magpapaliwanag po a..." Biglang naputol ang kanyang sasabihin at mas lalong lumaki ang mata niya dahil parang hindi siya nakita ng kanyang mama. Seryoso itong lumakad palabas ng kwarto niya.

Tuloy-tuloy na pumasok ang kanyang mama sa kwarto nito at sinagot ang tawag sa cellphone. Saktong may tumawag pala sa mama niya. Hindi man lang niya narinig kanina dahil sa kaba. Huminga siya nang malalim at isinara ang pinto.

Dalidali siyang pumunta sa cabinet at binuksan iyon. Tumambad sa kanya si Matthew na nakaupo ngayon sa loob ng cabinet. Tumatagaktak rin ang pawis nito dahil nasa loob siya ng cabinet at balot pa ang kanyang buong katawan dahil sa kanyang sinusuot. Umupo rin si Blythe sa tapat niya. "Matthew, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nakahinga? Naipit ka ba dito sa loob?" alalang tanong niya.

Tumayo si Blythe at inaabot ang kanyang kamay para tulungan na makatayo si Matthew. Napatitig si Matthew saglit sa kamay ni Blythe na inaabot sa kanya. Biglang bumagal ang mundo ni Matthew. Hindi niya mapigilang ngumiti ng lihim habang tinanggap niya iyon. Napatayo si Matthew dahil binigay talaga ni Blythe ng todo ang kanyang pwersa at lakas.

Walking skeleton man ako sa paningin ng marami ngunit hindi sa pagmamayabang ay kaya ko ring tumulong na tumayo ang isang tao. Hindi ako katulad ng iba na makikita ko sa movie na hindi kaya at madadaganan niya ang lalaking tutulungan sana niya. Hindi naman ako pabebe na inaakala ng marami!

"Ako na ang humingi ng pasensya sa lahat Matthew. Ako ang may kagagawan sa lahat. Kaya sana mapatawad mo ako,"mahinang sabi ni Blythe at yumuko.

"Wala ka namang dapat ihingi ng pasensya. Wala kang kasalanan. Gusto ko naman ang nandito. Malaya ako. Kung nasa libro ako katulad  ng marami kong kasamahan ay nakadepende lang ang buhay namin sa isip ng writer. Ang writer ang magdidikta sa lahat ng gagawin ko. Ang writer mismo ang magdedesisyon kung sino ang mahal at makakatuluyan ko. Siya rin ang magdesisyon kung main character ba ako o minor lang. Maabot ba ang buhay ko sa wakas ng kwento o hindi. Ngunit ngayon, hawak ko na ang buhay ko. Malaya na akong gumawa ng desisyon na nandito ako sa mundong ito. At ito ay dahil sayo, Blythe. Kaya utang ko sayo ang malayang buhay na ito. Maraming salamat Blythe," sincere na sabi ni Matthew.

Nagulat man ngunit ngumiti na rin si Blythe. "Ayaw mo na talagang bumalik sa mundo mo o buhay mo sa kathang-isip na mundo?" tanong ni Blythe.

Umiling si Matthew. "Gusto ko na nandito ako sa mundo mo. Gusto ko na nandito sa tabi mo at kasama ka," diretsong sabi ni Matthew at napatitig siya sa mga mata ni Blythe.

Kumabog nang malakas ang puso ni Blythe nang marinig niya ang sinabi ni Matthew kaya napalingon siya sa kabila. Napatikhim muna siya bago nagsalita muli. "Alam mo nasabi mo lang yan dahil hindi mo pa nakita ang totoong mundo. Hindi mo pa naranasan ang hirap para lang mabuhay sa mundo ko. Kung gusto mong bumalik sa kathang- isip na mundo ay wag na wag kang mahiya na sabihin sa akin. Baka makatulong ako sayo. Isusulat ko lang na babalik ka na sa mundo mo," saad ni Blythe.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis hangga't gusto mo na akong paalisin. Ang totoo ay hindi na ako pwedeng bumalik sa kathang-isip na mundo," seryosong sabi ni Matthew.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now