Chapter 17 (Part 1)

2 1 0
                                    

"Charles?" Ang tanging nasambit ni Blythe sa gitna ng ulan.

"Sino si Charles? Bakit mo ako tinawag sa ganoong pangalan?" tanong ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Blythe nang makita niya ang mukha ng lalaking pumayong sa kanya.

"Matthew? Ano ang ginawa mo dito?" gulat na tanong ni Blythe. Malakas na kumabog ang puso niya. Maligayang-maligaya siya na makita ang lalaking mahal niya ngunit pinigilan pa rin niya ang kanyang sarili na ipakita ang totoong naramdaman niya na nasa tabi na niya si Matthew.

Hindi umimik si Matthew habang umupo sa tabi ni Blythe. Huminga siya nang malalim at tumanaw sa dagat. Patuloy pa rin niyang pinayungan si Blythe.

"Bakit ka nandito? Wala ka bang overtime?" basag ni Blythe sa katahimikan.

Diretsomng tumingin si Matthew kay Blythe. "Sino si Charles?" seryosong tanong ni Matthew kay Blythe.

"Wala. Kaibigan ko lang siya. Akala ko kasi na ikaw si Charles kanina dahil pareho kayo ng T-shirt na sinuot. Kulay dark green rin ang sinuot niya at hindi ko nakita ang mukha mo kanina. Kaya akala ko talaga na ikaw si..."

"Nagseselos ako," diretsong sabi ni Matthew kay Blythe at hindi na niya pinatapos ang pagpapaliwanag ni Blythe. "Hindi ko mapigilang magselos sa kanya," seryosong saad ni Matthew.

Napatitig bigla si Blythe kay Matthew. Mabilis na tumibok ang puso niya ngayon. Napatayo siya dahil hindi na niya mapigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Tumayo rin si Matthew ngunit binitawan na niya ang payong  dahil hinawakan niya ang kamay ni Blythe.

Lumingon si Blythe sa kanya at kumawala siya sa pagkahawak ni Matthew sa kanyang kamay.

"Ano naman ba ito? Matthew bakit kailangan mo akong lituhin? Ano ba talaga ang pakay mo? Ang mamangka sa dalawang ilog? Nobya mo na ang kaibigan ko tapos sasabihin mo sa akin ngayon na nagseselos ka dahil tinawag kita sa ibang pangalan. Ano na naman ba ang ibig sabihin nito? Sabihin mo sa akin dahil mababaliw na ako sa kakaisip. Kakaisip tungkol sa'yo, sa akin, tayo at kay Zam," sabi ni Blythe at hindi na niya mapigilang mag-hysterical sa harapan ni Matthew. Wala na siyang pakialam kung basang-basa na siya sa ulan. Ang importante ay maipahayag ang saloobin niya. Magsasalita na sana si Matthew ngunit inunahan na niya.

"Hindi ko alam ang nangyari. Para sa akin ay parang isang kidlat ang lahat na nangyari. Parang kailan lang ay ako ang niligawan mo noong Dinner Party. Tapos nandoon kayo ni Zam sa paligsahan. Nahospital ako. Okay naman tayo doon di ba? Hanggang last week ko sa hospital ay hindi na kita masyadong nakita. Pagbalik ko sa bahay ay nagbago na ang trato mo sa akin. Pinilit ko na makausap ka kaso binalewala mo ako. Isang araw malalaman ko lang na girlfriend mo na si Zam. Sa tingin mo, ano ang maramdaman ko sa lahat ng nangyari? Baka nasa isip mo na nagtatalon ako sa tuwa dahil girlfriend mo ang best friend ko! Hindi mo alam kung gaano niyo ako pinapatay sa tuwing nakita ko na nagmamahalan kayo," sabi ni Blythe habang humikbi. Puno na ng paghihinagpis ang puso niya. Pinunasan muna niya ang luhang patuloy na pumapatak.

"Pilit kong tinanggap na mahal niyo ang isa't isa. Pilit kong sinabi sa sarili ko na wag na akong umeksena o manggulo sa magandang relasyon niyong dalawa. Pinilit ko ang sarili ko na kalimutan ka. Ngunit... sadyang traydor yata ang puso at isipan kong ito dahil ikaw pa rin ang naalala ko sa bawat segundo. Kahit sa anong bagay ay ikaw ang maalala ko. Kaya hindi ko mapigilang hanap-hanapin ang pang-aasar o pang-iinis sa akin, mga ngiti mo habang nagniningning ang iyong mga mata, mga pag-alala o pag-aalaga mo sa akin, lahat na mga bagay na ginawa mo sa akin. At parang pinipiga ang puso ko sa tuwing maalala ko na ang mga bagay na ginawa mo sa akin noon ay ginagawa mo na para kay Zam," sabi ni Blythe. Yumuko siya at mahinang nagwika,"Sa kabila ng lahat ay wala pa rin akong nagawa dahil kahit saksakin mo ako ng ilang beses. Ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko dahil... ikaw ang mahal ko."

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now