Chapter 17 (Part 2)

3 1 0
                                    

Nakaupo si Matthew sa upuang metal sa hospital. Pagod na pagod na siya at hindi pa siya nakatulog ng maayos sa pag-alala ni Blythe.

"Ang mabuti pa siguro ay umuwi ka muna sa inyo. Magpahinga ka muna," payo ni Zam sa kanya at tumabi kay Matthew.

"Dito lang ako. Gusto ko na kapag may kailangan si Blythe ay nandito ako malapit sa kanya. Ayaw kong maramdaman niya na pinababayaan ko siya," sabi ni Matthew.

"Mahal na mahal mo nga ang matalik kong kaibigan," wika ni Zam.

"More than my life. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanya na masama. Gagawin ko ang lahat upang maprotektahan at makita siyang masaya," sabi ni Matthew.

"Niligawan mo na siya di ba? Kailan kaya ka niya balak sagutin?" tanong ulit ni Zam.

"Hindi ko pa alam. Mahal na mahal ko si Blythe kaya handa akong maghintay sa sagot niya," diretsong sagot ni Matthew.

"Sabagay ngunit alam ko na pahard-to-get 'yang si Blythe. Hindi ko naman siya masisisi dahil NBSB siya. Naramdaman ko talaga na mahal na mahal ka rin niya kaso hindi niya masyadong ipinakita o ipinahayag. Gusto mo bang makita o mapahayag ni Blythe ang totoong naramdaman niya?" tanong ni Zam.

"Ha? Paano naman iyon?" mausisang tanong ni Matthew.

"Simple lang. Tagain natin ang kahinaan niya. Isa talaga sa kahinaan niya ay ang pagseselos. Alam ko iyon dahil matagal na kaming magkaibigan," sabi ni Zam.

"Pagseselos? Hindi ko gagawin iyan. Ayaw kong makitang nagseselos si Blythe sa iba. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang ang nag-iisang babae para sa akin," saad naman ni Matthew.

"Matthew, kung palagi mo kasing pinakita na si Blythe lang ang tanging babae para sa'yo. Masanay lang siya sa set up niyo. Mas lalo pa niyang hindi maipahayag ang totoong naramdaman niya para sayo. Hindi na lumevel up ang relasyon niyong dalawa. Ang tangi mo lang gawin ay maipakita sa kanya kung gaano ka kahalaga sa buhay niya. Ano ang mawawala niya kapag mawala ka sa buhay niya dahil may nahanap ka ng iba. Magsisilbi ang pagselosin siya na "eye opener" para sa kanya," paliwanag ni Zam. Napatahimik
si Matthew at nag-isip nang malalim.

"Katulad ng buhay ay kailangan nating makaranas ng paghihirap upang matuto tayo. Kung puro saya at ginhawa lang ang maranasan sa buhay natin ay hindi tayo matuto o maging mas malakas sa pagharap ng mga problema. In short, we won't grow or be a better individual. Ganoon rin si Blythe. Kung palagi mong tratuhin  si Blythe ng ganito, hindi siya matuto upang lumevel up ang relasyon niyong dalawa. Kailangan muna niyang maranasan ang sakit kapag wala ka sa buhay niya. Sa paraang ito, makikita na niya ang halaga mo at maipahayag na niya ang totoong naramdaman niya. Never pa nagkaboyfriend  si Blythe kaya be an instrument to her in order for her to grow. Mahal mo siya di ba? Ayaw mo bang makita na matured na si Blythe sa inyong relasyon? Payo ko lang ito sa inyo bilang kaibigan niyo," saad ni Zam.

Napayuko naman si Matthew habang malalim pa ring nag-iisip. Mayamaya pa ay tumingin siya ni Zam at ngumiti. "Salamat Zam. Naintindihan ko na. Ano ang gagawin ko? Ano-anong mga hakbang ang gagawin ko?" tanong ni Matthew.

"Nasabi mo sa akin kung ano ang ginawa niyo para pumayag si Tita na tumira ka sa bahay nila. Umaarte kayo no'n di ba? Pwes, ibabalik rin natin iyan kay Blythe. Magpanggap tayo na niligawan mo ako tapos may relasyon na tayo. Ang tanging role mo lang talaga ay pagselosin si Blythe," wika ni Zam.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now