Chapter 18 (Part 1)

2 1 0
                                    

"Halika na Blythe. Kumain na tayo. Ano pa ba ang ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Zam.

Pinunasan muna ni Blythe ang kanyang mga luha at dalidaling yumakap kay Zam nang mahigpit. "Isa ka talagang tunay na kaibigan," wika ni Blythe at tumulo rin ang luha niya.

"Syempre naman. Ganoon ka sa akin eh, ibinabalik ko lang," sabi ni Zam at hindi na niya mapigilang tumulo rin ang luha niya.

"Mamaya na iyan. Kumain na tayo," pagputol ng mama ni Blythe. Kumalas sa pagkakayakap si Blythe at niyakap rin niya ang kanyang mama at si Zam. Sa pagkakataong ito ay maingat na kinuhanan ng picture ni Matthew ang tatlong babaeng naggroup hug. Pinakiramdaman nila ang pagmamahal na namutawi sa kanikanilang mga puso.

"Magdasal muna tayo. Blythe, ikaw na ang maglead dahil birthday mo ngayon," tugon ng mama ni Blythe.

"Opo ma," sagot ni Blythe. "Heavenly Father, maraming salamat po sa lahat na mga biyaya na aming natanggap. Maraming salamat po sa panibagong taon ng aking buhay. Lubos po ang aking pasasalamat na pinagaling mo po ako sa sakit. Maraming salamat rin po sa mga mahalagang tao na nasa tabi ko po ngayon. Bless them Father. Sana mapatawad rin po Ninyo ako sa nagawa kong kasalanan. Inaamin ko po nakaramdam ako ng galit at poot kamakailan lang. I pray that we will continue to love one another kahit anong mangyari. I also pray for more healthy lives and happiness for us. This I pray in Jesus name. Amen."

"Amen," sabay-sabay naman na sabi ng tatlo.

"Happy birthday Blythe," bati ng mama ni Blythe at hinalikan siya sa pisngi. "Salamat ma," sabi ni Blythe.

Lumapit si Zam kay Blythe at bumati ulit at niyakap siya. Pagkatapos, tumingin naman sina Zam at ang mama ni Blythe kay Matthew.

"Ba-Bakit? Kumain na tayo," sabi ni Blythe.

"May nakalimutan ka yata," sabi ni Matthew. "Ako? Wala no," sagot ni Blythe.

"May nakalimutan ka. Ang ipakilala ako," sabi ni Matthew at makahulugang ngumiti kay Blythe.

Napanganga si Blythe at tumingin kay Zam at sa mama niya. Bigla naman siyang namula.

"Sige na. Wag ka ng mahiya o matakot," pangungumbinsi ni Matthew at ngumiti pa rin siya.

Huminga muna si Blythe nang malalim. "Ma, Zam. Si Matthew nga pala, boyfriend ko na siya," sabi ni Blythe at ngumiti ng pilit.

Nagkatinginan sina Zam at ang mama niya. Mayamaya ay sumilay ang kanilang mga ngiti.
"Talaga? Congrats. Masaya ako sa inyong dalawa. Sabi ko na eh. Effective ang pag-arte natin," masayang sabi ni Zam. Lumapit naman siya kay Blythe at niyakap ulit niya si Blythe sa likod kasi nakaupo na siya. "Masaya talaga ako sa'yo. Mali pala ang hula ko. Hindi ka pala magiging si Ma'am Esmeralda dahil may Matthew ka na Bly. Saktong dalawampu't pito ka na ay saka ka nagkaroon ng first boyfriend mo. Ayieeh... and I think your last boyfriend," kinikilig na sabi ni Zam.

Lumapit rin si Zam kay Matthew at tinapik-tapik si Matthew sa likod. "Alagaan mo ang matalik kong kaibigan. Alam mo naman na first boyfriend ka niya kaya napakmaswerte ka. Ikaw ang sumira sa malalaking pader na ipinatayo sa puso ni Blythe. Kaya pahalagahan mo siya at mahalin ng buong-buo. Kung hindi ay malilintikan ka ni Zam. Tandaan mo..." Hindi na natapos si Blythe sa pagsasalita dahil binigyan na siya ng plato ng Tita niya.

"Kumain ka muna, Zam. Ang sabi mo pa naman kanina ay gutom na gutom ka na. Baka malipasan ka pa ng gutom sa birthday ni Blythe," sabi ng Tita niya.

"Salamat po Tita," sabi ni Zam at umupo na sa tapat ni Blythe. "Basta wag niyo akong kalimutan na imbitahan sa kasal niyo ha?" paalala ni Zam at ngumiti. Sumandok siya ng kanin ngunit napahinto naman siya bigla. "Teka! Tita bakit parang wala kang reaction?" nagtatakang tanong ni Blythe. Kanina pa kasi siya nagsasalita tungkol kina Matthew at Blythe ngunit wala namang reaction ang mama ni Blythe except sa pagngiti kanina.

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon