Chapter 15 (Part 2)

9 1 0
                                    

Maagang gumising si Blythe isang umaga. Inaabangan talaga niya ang araw na ito dahil day off ni Matthew. Nabigla siya ng wala na si Matthew sa sala. Usually ay sa ganitong oras ay nakatulog pa si Matthew ngunit ngayon ay bumangon na ito. Dalidali siyang pumunta sa kusina at hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya na kumakain si Matthew sa hapag habang may binabasa sa cellphone. Nakangiti pa ito at saka nagpatuloy sa pagkain.

"Matthew, maari ba tayong mag-usap," seryosong sabi ni Blythe.

"Sure pero mabilis lang. May lakad pa kasi ako," sabi ni Matthew. Bigla siyang nakaramdam ng poot nang hindi man lang siya nilingon ni Matthew dahil abala ito sa pagkukulikot at pagbabasa sa kanyang cellphone. Napansin rin niya na kaliligo pa lang ni Matthew dahil basa pa ang buhok nito. Maayos rin ang sinuot ni Matthew at amoy na amoy rin niya ang pabango nito. Halatang may importanteng lakad siya dahil mukhang pinaghandaan talaga.

"Gusto kong malaman kung bakit ganito na tayo. Hindi na tayo nagkikita o nag-uusap kahit nasa isang bubong tayo..." hindi nakapagtapos sa pagsasalita si Blythe dahil sumenyas si Matthew na huminto muna sa pagsasalita. May tumawag kasi sa kanya. Nakangiti si Matthew bago sinagot ang tawag.

"Oo. Papunta na ako...Ah! Nasa bahay ka pa pala...Sige...Mas mabuti nang ako ang maghintay dahil ako ang lalaki...Kahit ano ang suotin mo. Alam kong bagay na bagay iyan sa iyo. Kahit ano pa ang suotin mo, maganda at nakakabighani ka pa rin... Haha... Sige Bye... Sabik na akong makita kang muli... Ingat ka dahil pakakasalan pa kita," sabi ni Matthew at kahit tapos na ang tawag ay nakangiti pa rin.

"Blythe, sa ibang araw na lang tayo mag-usap kapag may free time ako. May date pa kasi ako," sabi ni Matthew. Dalidaling niligpit ang kinainan ni Matthew at hinugasan iyon. Pagkatapos ay dalidaling umalis na parang hindi na niya nakita si Blythe sa sobrang pagmadali at pagkasabik.

Parang nahulugan naman ng ilang planeta si Blythe. Napaupo na lang siya sa hapag at hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

Posible bang magbago ang pagtingin ni Matthew sa akin? Pwede bang mawawala ang pagmamahal ni Matthew dahil sa aking pagkasakit noon? Napapagod na kaya si Matthew sa paghihintay sa aking sagot? Bakit ang dali lang niyang palitan ako?

"Blythe, ano ang ginagawa mo diyan? Bakit ka umiyak," tanong ng mama ni Blythe na puno ng pag-alala.

"Ma? Bakit po biglang nagbago si Matthew? Bakit po bigla na lang niya akong pinalitan?" sabi ni Blythe habang humihikbi. Wala na siyang pakialam kung magmukhang bata siya.

"Pinalitan? Bakit may relasyon ba kayo na higit sa kaibigan lang?" nagtatakang tanong ng mama ni Blythe.

Parang tumagos naman ang tanong ng kanyang mama sa kanya. Wala nga namang namamagitan sa kanila ni Matthew. Umiling si Blythe at yumuko. "Niligawan po niya ako," pagtatapat ni Blythe.

"Ano? Sinagot mo naman ba?" mausisang tanong ng kanyang mama. Umiling ulit si Blythe. "Sinabi ko po sa kanya na hintayin niya lang ang sagot ko," malungkot na pagtatapat ni Blythe.

"Kailan pa nanligaw si Matthew sayo?" tanong ng kanyang mama.

"Noong Dinner Party pa po namin," sagot ni Blythe.

"Naku! Anak. Matagal na pala iyon. Dalawang buwan o mahigit na pala. Alalahanin mo na tao rin si Matthew. Pwedeng mapagod sa paghihintay o di kaya may nahanap siyang babae na totoo talagang mahal niya. Isang babae na higit pa pala sa iyo," sabi ng mama niya.

"Galit lang po ako kay Matthew," sabi ni Blythe.

"Bakit ka naman magagalit kay Matthew?Alalahanin mo na hindi na pure ang dugo mo dahil may salin na iyan galing kay Matthew. Dumadaloy ang dugo ni Matthew diyan sa katawan mo kaya kailangan mo siyang pasalamatan sa pagligtas ng buhay mo. Hindi mo dapat kamuhian dahil niligtas niya ang buhay mo. Kaya, wag mo naman siyang ikulong na parang pagmamay-ari mo na. Bigyan mo siyang kalayaan na pumili ng babaeng mamahalin niya. Bigyang mo siya ng kalayaan na lumigaya. Hindi mo masisisi si Matthew dahil ginawa nga niya ang lahat para mailigtas ka. Tanggapin mo lang na doon lang nagtatapos ang kayang maibigay ni Matthew. Hindi na niya pala kaya ang mahalin ka na inaasahan mo," paliwanag ng mama ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now