Chapter 21

4 1 0
                                    

Isang araw, nakipagkita si Zam kay Blythe. Ilang buwan itong nawala simula noong birthday Blythe. Ito ay dahil umuwi ito sa probinsya niya para alagaan ang lola niyang maysakit.

Nang pumasok si Blythe sa Ribshack ay namataan agad niya ang kanyang matalik na kaibigan. Tumaba ng konti si Zam ngunit nanatiling napakaganda. Nakasuot ito ng black na high waist pant. Pinaresan ng bulaklakin na blouse at three-fourth ang manggas nito. Nakasuot rin siya ng puting rubber shoes. Kumakaway ito sa kanya nang nakita siya nito.

Dalidali naman siyang pumunta sa kinaroroonan ni Zam at niyakap niya nang mahigpit ang huli. Pagkatapos ay umupo si Blythe sa tabi niya. Hindi niya mapigilang ngumiti. Hindi niya mailihim ang pagkakamiss ng kaibigan niya.

"I miss you Bly. Kumusta ka na? Kumusta na kayo ni Matthew?" masiglang tanong nito.

"Namiss rin kita sobra. Ayos lang ako. Ayos lang naman kami ni Matthew," wika ni Blythe.

"Naks! Panghabambuhay talaga kayo ni Matthew," nakangiting wika ni Zam. Napangiti lang si Blythe.

"Mag-order na tayo," wika ni Blythe dahil hindi nagsalita si Zam. Pinagmasdan siya ni Zam kaya hindi niya mapigilang maconscious na naman.

"Ah! Tapos na akong mag-order. Alam ko na ang gusto mo. Kaya inorder ko na. Maiba ako ang laki ng pinagbago mo Blythe," sabi ni Zam habang patuloy na pinagmasdan siya.

Napangiti naman siya ng pilit. "Papuri ba yan o ano?" tanong ni Blythe. "Syempre papuri. Matalik na kaibigan kaya kita," sabi ni Zam at tumawa. "Mukhang nahiyang ka nga sa probinsya," papuri ni Zam.

"Masarap kasi ang mga pagkain doon. Presko ang mga gulay, prutas o karne," sabi ni Zam.

"Sana makapunta ako roon," mahinang wika ni Blythe.

"Oo naman. Welcome na welcome ka roon. Kaya lang, walang internet. Ilang buwan nga akong hindi nakapag-update sa social media accounts ko. Ngunit ayos lang. Simple ang pamumuhay namin ngunit matiwasay naman. Balang-araw makabisita ka rin doon kasama ako," masiglang sabi ni Zam.

Bago makapagsalita si Blythe ay tinawag na ang numero nila. Nagvolunteer naman si Zam na kunin ang order nila. Inilapag ni Zam ang mga pagkain.

"Naku! Umaaso pa ang kanin at ang bango ng ribs. For sure lima ang..." Hindi naman nakapagtapos sa pagsasalita si Zam dahil nabigla siya sa reaksyon ni Blythe. Bumaliktad ang sikmura nito kaya dalidaling pumasok si Blythe sa toilet.

"Bly, ayos ka lang ba? Papasok na ba ako diyan?" nag-alalang tanong ni Zam. Narinig naman niya na parang nilabas na pati ang bituka ni Blythe sa lababo nito.

"A-ayos lang ako," sagot ni Blythe sa loob ng toilet.

"Sigurado ka ba?" nag-alala pa rin natanong ni Zam sa kanya. Hindi naman nakasagot si Blythe at narinig niya ang pag-agos ng tubig mula sa faucet. Mayamaya ay lumabas na si Blythe.

"May masakit ka bang naramdaman? Sabihin mo lang sa akin Bly," wika ni Zam. Umiling naman si Blythe. "Sa seafood yata na kinain ko kanina kaya ako sumuka," saad ni Blythe.

Napatango naman si Zam at tinulungan niya si Blythe na umupo ulit. "Kumain ka nang marami upang makabawi ka," wika ni Zam. Napatingin lang si Blythe sa pagkain.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Zam. "Bakit mabaho ang kanin? Hindi mo ba naamoy?" tanong ni Blythe.

"Mabaho? Hindi naman, ah! Parang kailan lang ay nakaapat na cups ka dito tapos ngayon ay mabaho? Mapagbiro ka talaga kahit kailan Bly," wika ni Zam at napatawa nang mahina.

"Parang masusuka ulit ako sa amoy ng kanin," wika ni Blythe at dalidaling tumayo. Pumasok ulit siya sa toilet at doon nilabas lahat.

Napaupo pa rin si Zam na halatang may pagdududa sa matalik niyang kaibigan. Mayamaya ay bumalik si Blythe na putlang-putla.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now