Chapter 19 (Part 2)

1 0 0
                                    

Tinulungan ni Blythe ang kanyang mama sa paghahanda ng hapunan at pag-aayos sa hapag. Hindi pa nga siya tapos sa pag-aayos ay may kumatok na sa pinto.

"Blythe, ikaw na ang magbukas sa nobyo mo. Tulungan mo siya dahil alam kong pagod na pagod ang nobyo mo. Kapag kasal na kayo ay alam mo na ang gagawin sa iyong asawa," sabi ng mama ni Blythe.

"Asawa po? Hindi pa naman kami kasal," saad ni Blythe.

"Yan rin ang punta niyo. Habang maaga pa ay dapat alam mo na ang gagawin mo bilang maybahay ni Matthew. Sa darating na panahon ay hindi na ako mag-alala sayo dahil alam kong handa at alam mo na ang gagawin bilang maybahay niya," pangaral ng mama ni Blythe.

"Opo," sagot na lang ni Blythe.

"Ngunit pinaalalahanan kita na hangga't hindi pa kayo kasal ay wag na wag mong ibigay ang bagay na pinakaiingatan mo. Gawin niyo na lang iyan kapag kasal na kayo ni Matthew. Sige na buksan mo na ang pinto para sabay na tayong maghapunan," paalala ng mama ni Blythe. Tumango na lang si Blythe at tumungo sa may pintuan nila.

Nang buksan niya ay tumambad sa kanya ang napakagwapong mukha ng kanyang nobyo. Halatang pagod na pagod na ito ngunit hindi nawawala ang kislap ng kanyang mga mata.

"Para sayo pala," sabi ni Matthew habang ipinakita ang supot na may ice cream sa loob.

"Wow! Ice cream. Favorite ko 'to," tuwang-tuwa na sabi ni Blythe at ang kanyang mga mata naman ang kumikislap.

"Cookies and cream ang flavor niyan kasi alam kong paborito mo 'yan," saad ni Matthew habang tuwang-tuwa na pinagmasdan ang reaksyon ni Blythe nang dahil lang sa ice cream. Dalidaling kinuha ni Blythe ang supot at lumakad papunta sa kusina. Napatawa na lang si Matthew nang di naglaon ay bumalik si Blythe sa kinaroroonan niya na nakangiti.

"Paumanhin. Nadala lang ako sa ice cream na dala mo. Kumusta nga pala ang trabaho mo? Mukhang pagod na pagod ka na ah. Ako na ang magdadala sa bag mo," sabi ni Blythe at lumapit siya ni Matthew para kunin ang backpack niya.

Nang hawakan niya ang backpack ni Matthew ay diretso siyang hinalikan ni Matthew sa pisngi. Napatitig naman si Blythe kay Matthew.

"Wag na. Ako na ang magdadala. Napapawi na ang pagod ko nang dahil sa iyo," sabi ni Matthew at kumindat.

"Nasa kusina si mama baka makakita sa atin," nag-alalang bulong ni Blythe.

"Naharangan naman tayo ng pinto kaya hindi tayo diretsong makita ng mama mo," sabi ni Matthew at nakangiti ng napakapilyo. Hindi naman umimik si Blythe. "Mauna ka na sa hapag. Magbibihis lang ako o baka nais mong tulungan akong magbihis," mapang-asar na wika ni Matthew.

Tumingin si Blythe sa kanya at tumitig ito sa nakakaakit na Adam's apple ni Matthew hanggang sa malapad na dibdib ni Matthew.

"Blythe, halina kayo. Maghapunan na tayo," tawag ng mama ni Blythe. Awtomatiko namang napatalikod si Blythe at humakbang nang mabilis. Nangamatis pa rin ang kanyang mukha kaya napayuko na lang siya.

Samantala si Matthew rin ay dalidaling sinara ang pinto at pumasok sa kwarto ni Blythe upang magbihis. Habang nagbibihis ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Hindi pa rin niya nakalimutan si Blythe na tinitigan ang kanyang katawan. Kung ibang mga babae ang tumitig sa kanya ng ganoon ay maiirita siya ngunit kung si Blythe ay hindi niya mapigilang kiligin.

Nang marating ni Matthew ang hapag ay nakahanda na ang lahat. Pati sina Blythe at ang kanyang mama ay nakaupo na. Hindi naman tumingin si Blythe sa kanya at nakayuko lang ito.

"Halika na Matthew. Maupo ka na," wika ng mama ni Blythe.

"Opo," magalang na sagot ni Matthew at diretso siyang umupo sa tabi ni Blythe. Nagitla naman si Blythe tapos para siyang estatwa na hindi na gumagalaw.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now