Chapter 19 (Part 1)

2 0 0
                                    

"Si Ms. Gianna!" ang tanging nasambit ni Blythe. Nakasuot ng shades. Nakasuot rin ito ng red dress na 3 inches above the knee at may bitbit na black Prada pouch. Nakasuot rin siya ng black sandal na 6 inches ang taas. Lumakad ito na parang isang beauty queen na rumampa sa stage. Habang lumakad ay may nakapayong sa kanya. Biglang napatingin si Ms. Gianna sa kinaroroonan ni Blythe. Mapagkutya itong ngumiti na ibig sabihin ay deserve ni Blythe ang nangyari sa kanya. Nagflip ng kayang blond na buhok at diretsong pumasok sa mall na pagmamay-ari niya.

Nanlumo naman si Blythe habang tinahak ang daan papunta sa highway. Hindi pa rin niya matanggap na wala na siyang trabaho nang dahil kay Ms. Gianna. Ganoon pala katindi ang galit ni Ms. Gianna sa kanya nang dahil sa pagreject ni Matthew sa kanya. Para sa opinyon ni Blythe ay hindi totoong mahal ni Ms. Gianna si Matthew dahil hindi niya tinanggap ang decision ni Matthew. Hindi pagmamahal ang naramdaman ni Ms. Gianna kundi obsession at pride.

Sumakay na lang siya ng jeep pauwi sa bahay nila. Pagpasok niya sa kwarto niya ay nagsend siya ni Matthew through SMS na mensahe tungkol sa pagsisante sa kanya. Sinabihan niya si Matthew na diretso lang uuwi ng bahay pagsapit ng gabi dahil wala na siyang trabaho.

Para mawala kahit ilang sandali ang panlulumo niya ay naisipan niyang gawin ang mga gawaing-bahay. Nilabhan niya ang mga damit ng kanyang mama, kay Matthew at sa kanya. Nilinis rin niya ang loob ng bahay at ang maliit nilang bakuran. Sa sobrang pagod ay nakatulog siya nang mahimbing.

Napamulat naman siya nang may malambot at mainit na dumampi sa kanyang noo at pagkatapos ay sa kanya namang labi. Hindi na siya nagulat nang ang tumambad sa kanya ay ang napakagwapong mukha ni Matthew. Napangiti naman siya.

"Iba talaga ang boyfriend ko. Kahit natutulog ako ay pinagnasaan ako," biro ni Blythe at dahan-dahang umupo sa kama niya. Nang makaupo siya ay diretso siyang niyakap nang mahigpit ni Matthew.

"I'm sorry Blythe. I'm so sorry," wika ni Matthew. Nabigla naman si Blythe kaya dalidali siyang kumalas sa pagyakap ni Matthew at tinitigan niya ito sa mukha. "Bakit? Wala ka namang kasalanan ah," nagtatakang tanong ni Blythe.

"Meron. Malaki ang kompyansa ko na nawalan ka ng trabaho dahil sa akin. Sana hindi ka magalit sa akin at mapatawad mo ako Blythe," malungkot na wika ni Matthew.

Napatawa si Blythe sa kinilos ni Matthew. " Ano ba? Wala kang ginawang masama no? Sadya lang yatang hindi matanggap ni Ms. Gianna na ako ang mahal mo kahit hindi ako kasing yaman at ganda niya," wika ni Blythe at napangiti.

"Wag mong ikompara ang iyong sarili sa kanya. Kahit kailan hindi kita maikompara sa kanya dahil isa lang siyang tao samantalang ikaw ay napaka-espesyal sa akin. Ito ay dahil sobra kitang mahal," sabi ni Matthew na puno ng sinseridad.

Hindi mawari ang ngiti ni Blythe habang hinawakan ni Matthew ang kanyang mga kamay habang pinagmasdan siya nito. 'Yong tingin na animoy siya lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

"May pagsisisi ka ba na nandito ako sa buhay mo?" mahinahong tanong ni Matthew kay Blythe.

Umiling naman si Blythe habang nakangiti pa rin. "Kailanman hindi ako magsisisi na nandito ka sa buhay ko. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Kung tungkol sa pagkawalan ko ng trabaho. Ayos lang sa akin 'yon. Oo! Mahal ko ang trabaho ko ngunit mas mahal kita. Nawalan man ako mg trabaho ngunit masaya naman ako dahil pinaglaban natin ang pag-iibigan kay Ms. Gianna. Pinaglaban ko ang pag-iibigan natin," wika ni Blythe.

"Mahal na mahal kita Blythe," sabi ni Matthew. "Mahal na mahal rin kita Matthew Blake Jensen," nakangiting wika ni Blythe. Tuwang-tuwa naman si Matthew sa narinig niya at hindi niya mapigilang halikan ang babaeng pinaglaban siya at ang kanilang matamis na pag-iibigan!

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now