Chapter 12 (Part 2)

5 1 0
                                    

Posible kayang nagdinner sina Matthew at Ms. Gianna sa gabing ito? Ano naman ang kanilang gagawin pagkatapos ng dinner nila? Malalim na ang gabi. Nakalimutan na kaya ako ni Matthew? Baka gusto niyang sabihin na wag ko na siyang hintayin dahil may gagawin pa siya. Kaya lang hindi ko natanggap dahil wala ng battery ang cellphone ko.

Gusto na talaga niyang umuwi kaso parang may pumigil sa kanya at hintayin si Matthew.

"Blythe, I'm so sorry. May overtime kami. Nalaman ko lang kaninang alas sais. Tinawagan kita kaso hindi kita makontak. Patawad. Sana sumakay ka na lang ng jeep. I'm so sorry," sabi ni Matthew at nilapitan si Blythe ngunit dalidali naman siyang niyakap ni Blythe nang mahigpit. Nagulat man ngunit niyakap rin siya pabalik ni Matthew.

"Masaya ako na nandito ka na," bulong ni Blythe. Kumalas naman si Blythe sa pagkayakap. Tumikayad naman si Blythe at hinalikan niya si Matthew sa pisngi pagkatapos ay ngumiti. Napangiti rin si Matthew habang pinagmasdan niya si Blythe. Halatang nagulat man siya ngunit lumukso naman ang kanyang puso sa paghalik ni Blythe sa kanya at namula pa. Halatang kinilig siya sa halik ni Blythe.

Hinawakan ni Blythe ang kanyang kamay para lumakad papunta sa gilid ng highway. Nagpatangay naman siya kay Blythe habang pinagmasdan ang huli. Tingin na nagsasabing si Blythe ang tanging nagpapakilig sa kanya kahit sa mga maliit na bagay na ginawa nito sa kanya. Ganoon pa man maliit man o hindi, hindi na mahalaga iyon dahil nagbibigay pa rin ito ng ligaya na walang katumbas sa kanya. Ito ay dahil ang babae na gumawa non ay ang babaeng mahal niya at hinintay niya sa buong buhay niya!

***

Kasalukuyan silang kumakain ng hapunan. Pagdating nila kanina sa kusina ay may mga pagkain na.

Ganadong-ganado namang kumain si Matthew. Napangiti na lang si Blythe habang pinagmasdan siya. Halatang-halata kasi na gutom na gutom si Matthew. Napatingin si Matthew kay Blythe dahil hindi pa nagsimulang kumain ang huli.

"Bakit hindi ka pa nagsimulang kumain?" nagtatakang tanong ni Matthew.

"Wala lang. Natutuwa lang akong pagmasdan ka na ganadong kumain," sabi ni Blythe.

"Pasensya na gutom na gutom talaga ako. Hindi ko nagawang kumain pagkatapos ng overtime. Malakas ang kutob ko na naghihintay ka sa akin at hindi nga ako nagkamali," sabi ni Matthew at sumubo na naman ng pagkain.

"Wala bang nag-invite sa'yo na kumain ng dinner sa isang luxurious na restaurant?" tanong ni Blythe at nagsimula ng sumubo na ng pagkain.

Biglang napatingin si Matthew sa kanya. "Actually meron. Kaninang umaga sabi ng manager ay may naghahanap raw sa akin. Kinabahan naman ako. Baka ikaw o katrabaho mo at malalaman ko na may nangyari sa'yo na masama. Hindi pa naman sobrang maayos ang pakiramdam mo. Ngunit nadismaya naman ako nang makita ang babaeng pinilit mong ipasayaw sa akin noong isang gabi. Hindi ko maalala ang pangalan niya," wika ni Matthew.

"Si Ms. Gianna iyon. Nag-iisang anak ng may-ari sa mall na pinagtratrabahuan ko," sabi ni Blythe.

"Oo. Sinabi niya bigla sa akin na dapat magdidinner daw kami dahil ikaw ang nag-utos. Kusa mo raw na binigay ang number ko sa kanya dahil gusto mo na magkatuluyan kami," sabi ni Matthew. Hindi naman mapigilang mainis ni Blythe.

Anong kusa? Siya pa nga ang nagpupumilit. Napakasinungaling talaga! Arrgh!

"Tapos?" tanong ni Blythe.

"Sinabi ko sa kanya na hindi ako naniniwala sa kanya. Sinabi ko sa kanya na ikaw Blythe ang mahal ko at niligawan na kita. Sa oras na sasagutin mo na ako ay magiging girlfriend na kita. Sinabi ko rin sa kanya na alam kong mahal mo rin ako at hindi mo kaya na ipamigay mo lang ako sa iba na hindi ko mahal!" confident na sabi ni Matthew.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now