Chapter 3

14 3 0
                                    

Kung ganoon maaari ba na ligawan kita, Blythe?

Hinawakan ni Blythe ang kanyang puso. Patuloy pa rin ito sa paglakas nang pagkabog. Ang mga katagang binitawan ni Charles kanina ay nanatili pa rin sa kanyang isipan.

Kumalma ka nga, Blythe. Dinaig ka pa ng isang tennager dyan. Come on! Act like a twenty-six-year-old! Wag ka ngang magpahalata na tinatamaan ka for the first time. Nakakahiya ka. For sure kapag may isang high schooler na nakakaalam sa sitwasyon mo ngayon ay hahagalpak iyon ng tawa!

***

Day off ni Blythe kinabukasan. Maaga niyang ginawa ang rituals niya at pagkatapos ay nagluto ng almusal habang nakikinig ng kantang Be Happy, Don't worry ni Bob Marley.

Paggising ng kanyang mama ay pumunta agad ito sa kusina. "Aba! Ang ganda ng araw sa anak ko ngayon ah," papuri ng kanyang mama.

"Wala lang po ma. Day off ko kasi," sabi naman ni Blythe at nagpatuloy sa pagluluto. "Maligo na po kayo ma para sabay tayong kumain ng almusal."

"Oh sige," nakangiting sagot ng kanyang mama at pumasok muna sa kwarto niya para kumuha ng tuwalya at saka pumasok sa banyo.

Mayamaya ay inihanda na niya ang hapag at sakto naman na tapos na ang kanyang mama sa pagliligo.

"Ang sarap mo namang magluto Anak,"papuri ng kanyang ina.

"Syempre ma. Mana ako sayo eh. Kapag nagluluto ako, hinahaluan ko ng pagmamahal. At saka pati na rin po sa ibang bagay," sabi ni Blythe. Tumango-tango naman ang kanyang ina. "Ma, m-may lakad po ako ngayon," nauutal na namang wika ni Blythe.

Napatigil sa pagkain ang kanyang mama at diretsong tumingin sa kanya. Iniwas naman ang tingin niya sa kanyang mama at tumingin sa kabila. Pinagpawisan na siya nang malamig.

"Anak, may date ka ba?" diretsong tanong ng kanyang ina. Napatingin ulit si Blythe sa kanyang mama. "Paano n'yo po nalaman, ma?" nagtatakang tanong ni Blythe at bigla siyang napatakip sa kanyang bibig. Napagtanto niya na ang sagot niya ay para na ring inaamin niya na may date siya. Bistado na nga siya sa kanyang mama!

Uminom ng tubig ang kanyang mama at biglang sumilay ang ngiti nito na ikinalaki ng mata ni Blythe.

"Papunta ka pa Blythe habang ako ay pauwi na sa mga bagay na yan," sabi ng mama niya at nagpatuloy ito sa pagkain. Napakunot na lang si Blythe sa kanyang noo.

"Anak nasa tamang edad ka naman. Kaya hindi ako tutol sa pag-ibig na yan. Masaya nga ako na may ka-date ka na ngayon. Akala ko talaga na hindi ka normal noon. Kapag wala kang trabaho ay nagbabasa ng libro o nagsusulat ng nga tula at kwento sa edad mong yan. Bilang isang ina ay nag-alala rin ako para sayo. Natatakot ako na magiging late bloomer ka. 'Yung tipong kung kailan matanda ka na ay saka ka naman magdadalaga. Kaya lubos ang saya ko ngayon. Dapat ay kumikilos ka na naayon sa iyong edad," masayang tugon ng kanyang mama.

"So ayos lang po sa inyo na may lakad ako ngayon?" tanong ni Blythe.

Tumango habang nakangiti ang kanyang mama at nagwika,"Basta tandaan mo, makipagdate ka upang makilala mo ang iyong magiging nobyo. Para makilala mo ito ng lubusan at makapagpasya ka kung pasado ba ito para sayo at mahal mo ba ang taong ito. Isa pa, wag na wag mong ibibigay ang bagay na pinaka-iingatan mo. Ibigay mo lang ito sa asawa mo, hindi sa kadate o nobyo. Gawin mo akong repleksyon sa buhay mo upang ipaalala sayo sa kamaliang ginawa ko noon. Wag mo akong tularan. Ang bagay na pinakakaingatan mo ngayon ay siyang isa sa pinakamagandang regalo na matatanggap sa magiging asawa mo galing sayo. Nagpapatunay rin ito na hinintay mo talaga ang asawa mo sa buong buhay mo kaya pagtitiwalaan ka nito ng lubos," sabi ng kanyang mama.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now