Chapter 12 (Part 1)

7 1 0
                                    

Kinabukasan medyo maayos na ang pakiramdam ni Blythe. Kaya naghanda siya para magtrabaho. Habang sinusuklay niya ang kanyang basang buhok ay hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari  kagabi. Ang response ni Matthew ay normal lang. Bago umalis para bumili ay pinaalala ulit ni Matthew na magpahinga siya at siya lang daw ang bahala para bumili ng sanitary pads sa tindahan.

Lumabas siya sa kanyang kwarto pagkatapos para kumain ng almusal. Nang malapit na siya sa hapag ay saktong lumingon si Matthew sa kanyang kinaroroonan habang dala-dala ang food tray.

"Blythe, maayos na ba ang pakiramdam mo? Masaya akong pumunta ka na dito. Dadalhan ko pa sana kita ng almusal sa kwarto mo ngunit nandito ka na pala," sabi ni Matthew at nagniningning ang kanyang mga mata.

"Oo. Masakit pa rin ngunit hindi na katulad kagabi. Kaya ko ng magtrabaho. Maraming salamat," sincere na sabi ni Blythe.

"Halika umupo ka na dito," sabi ni Matthew. Inilapag muna niya ang food tray at tinulungan niya si Blythe sa pag-upo.

Nakaupo na rin ang mama ni Blythe at hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmasdan niya ang kanyang anak at si Matthew. Bago sila kumain ay sabay silang nanalangin bago kumain. Habang kumain ay hindi mapigilang pagmasdan nina Blythe at Matthew ang isa't isa. Kung mahuli naman ang tingin nila sa isa't isa ay tanging ngiti lang ang kanilang itinugon. Mga ngiting higit pa sa ordinaryong kaligayahan ang kanilang nararamdaman. Ito ay dahil naroon ang tunay na pag-ibig. Pag-ibig na nagpapatunay na umunos man o umaraw patuloy pa ring nanatili!

***

Saktong alas nuybe ay kararating pa lang ni Blythe sa counter na pwesto niya. Abala na ulit si Blythe. Nasa isipan pa rin niya na hinatid talaga siya kanina sa tinatrabahuan ni Matthew dahil nag-alala talaga si Matthew sa kanyang kalagayan. Para sa kanya si Matthew ay hindi lang boyfriend material kundi husband material! Kinilig naman siya nang maisipan iyon.

Bakit ba Matthew? Ikaw lang talaga na lalaki ang nagbigay sa akin ng halaga. Hindi ko lubos maisip na ako ang niligawan mo. Sa dinami-dami ng babae na napakaganda at almost perfect dito sa mundo ay ako ang napili mong ligawan, alagaan at minamahal! Lubos ang ligaya ko na kahit marami kang pagpilian ay ako pa rin ang iyong pinili. Mahal na mahal kita. Hintayin mo lang ang ang sagot ko sa iyong panliligaw. Alam kong alam mo na ang sagot ko ngunit gusto kong pormal na sagutin ka sa takdang panahon! Ayaw ko kasing kaliligaw mo lang ay sasagutin na kita kaagad. Dapat talaga may proseso at paghihintay para worth it ang lahat.

"Excuse me, Blythe," sabi ng isang babae. Napatingala naman si Blythe at nabigla naman siya sa kanyang nakita. Si Ms. Gianna!

"Hi Ma'am. Good morning," nakangiting bati ni Blythe. Pangiti-ngiti lang siya ngunit deep inside ay kasalungat na naman ang kanyang naramdaman.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now