Chapter 27 (Part 1)

6 1 0
                                    

"Ang galing! Wow. Halikayo muna dito. Ipakilala niyo muna ang sarili niyo. Ang galing talaga," sabi ng host.

Tinulungan ni Matthew sa pagtayo si Blythe habang papalapit sa host. "Ano ang pangalan mo?" tanong ng host.

"Magandang araw po sa inyong lahat. Matthew ang pangalan ko and this is my beautiful wife, Blythe," pakilala ni Matthew sa mga tao. Naghiyawan naman ang mga tao at nagpalakpakan. Karamihan sa mga babae ay kinikilig pati na ang host. Kiming napangiti si Blythe. Hindi talaga siya sanay na tumayo sa harap ng maraming tao.

"Nakakainggit. Kaya pala ang ganda ng pagkatugtog dahil nasa tabi lang ang wife mo na nagsisilbing inspirasyon mo," sabi ng host.

"Actually tumugtog ako kanina para sa aking maybahay at sa aming kambal," sabi ni Matthew na nakangiti habang ipinagmamalaki niya ang kanyang mag-ina.

"Kayo na talaga. Ms. Blythe, ano ang pakiramdam na may husband ka na napakagwapo at sobrang talented?" tanong ng host kay Blythe. Nagkatinginan naman sina Blythe at Matthew sa isa't isa. Napangiti si Matthew at mukhang inaabangan niya ang sagot ni Blythe.

Napaisip naman si Blythe at ngumiti rin. "Pressured po," sagot ni Blythe. Napatawa ang mga tao at napatingin si Matthew sa kanya na nakakunot ang noo. Magrereact sana si Matthew. Ngunit nagpatuloy sa pagsasalita si Blythe. "Noong una ay pressured talaga ako dahil hindi ko alam kung paano ko mapantayan siya. Ngunit di naglaon ay napagtanto ko na hindi ko naman pala kailangang pantayan ang lalaking mahal ko. Ito ay dahil ang dalawang taong nagmamahalan ay parang isang puzzle. Bawat isa sa kanila ay part ng puzzle. Hindi naman kailangang magkapantay o magkapareho sa lahat ng sides ang dalawa.
Katulad namin na maraming mga bagay na magkakapareho kami ngunit may mga bagay rin na hindi. Sa pagkakataong ito ay makikita ko na lahat ng tao ay may strengths as well as weaknesses. Kaya kapag wala o kulang ako sa isang bagay, ang lalaki naman na mahal ko ang magpupuno. Kung may mga bagay na hindi kaaya-aya sa akin ay tutulungan niya akong ma-overcome iyon. Dahil ganoon rin ang gagawin ko para sa kanya. Oo! Galing kami sa magkaibang mundo ngunit ang pag-ibig namin ang dahilan upang mapag-isa kami," sabi ni Blythe.

Napanganga naman ang mga tao na nandoon. "Oh my! Miss Blythe. Pinahanga mo kami sa sagot mo. Sinong mag-aakala na ang kimi at mahiyain na babae ay makapagsalita ng ganoon. Such a witty answer! Kaya pala hindi na kami makapagtataka kung bakit mahal na mahal ka ni Matthew," nakangiting wika ng host.

Napatawa nang mahina si Matthew. Kinikilig siya at pinagmamalaki rin niya si Blythe. "Hindi rin ako magtataka kung paano sumagot ang maybahay ko because she's so smart and she's a writer. One day, she will write not just for herself nor for me but for the world. She will help to transform the world to make it better," sabi ni Matthew.

Nagpalakpakan ang mga tao sa magkasintahan. Hindi lang pala pagtutugtog ng piyano ang kanilang masaksihan kundi mapaalala sa kanila ang kahulugan ng pag-ibig!

Bago umalis sina Matthew sa bulwagan ay may iniabot na papel ang isang staff na nandoon.

"Pinabigay po pala ni Maestro Eugenio ang papel na ito. Nagmamadali siyang umalis kanina dahil may mahalagang bagay pa raw siyang gagawin. Ngunit pinahanga mo raw siya. Baka isang araw kung kailangan mo ng tulong ay pwede mo siyang tawagan sa numero na 'yan. At puntahan sa address na isinulat rin niya," sabi ng staff na babae. Naguguluhan man ngunit tumango na lang si Matthew at nagpasalamat.

"Nagugutom ako. Kumain muna tayo bago mag-window shopping," suhestiyon ni Blythe. Napatawa naman nang mahina si Matthew. Inaasahan na niya talaga ang suhestiyon ni Blythe. Kambal kasi ang binubuhay niya kaya hindi na siya magtataka kung palaging gustong kumain ni Blythe. Noong dalaga pa nga ito ay makakaubos siya ng apat na tasang kanin. Ngayon pa kaya? Wala namang problema dahil nasa tabi lang naman siya ni Blythe. Handa siyang sumuporta nito.

Hinawakan ni Blythe ang kamay ng kanyang nobyo at pumunta sila sa Mc Donald's. Si Blythe na mismo ang umorder.

"Chicken Fillet ala King, Mc Spaghetti, Medium-sized na Fries, Burger, at Mc Float rin," sabi ni Blythe. Nagulat naman ang nag-entertain kay Blythe. Pinagmasdan niya ang nakaumbok na tiyan ni Blythe at napatango.

"Ano ang sayo?" tanong ni Blythe. "Chicken na lang sa akin. Pinakyaw mo na lahat eh. Baka wala ng natira," biro ni Matthew. Napaisip naman si Blythe at natakam siya nang marinig ang pinili ni Matthew. "Ah! Pakidagdag na rin ng chicken sa akin, isang order," sabi niya. Nanlaki ulit ang mga mata ng cashier. Ngunit wala na siyang nagawa dahil binayaran na ni Matthew lahat.

Naghugas muna ng kamay si Blythe dahil gusto niyang kumain na nakakamay. Nilantakan agad ni Blythe ang mga pagkain nang mailapag ni Matthew sa mesa. Napangiti o napatawa naman si Matthew nang mahina habang pinagmasdan si Blythe.

"Bakit?" tanong nito habang ngumunguya ng fries. "Wala. Mukhang gutom-gutom ka nga," sabi ni Matthew at nagsimulang kumain. Hindi na umimik si Blythe. Totoo naman na gutom na gutom siya kaya nagpatuloy siya sa pagkain.
Hindi mapigilang pagmasdan ni Matthew si Blythe habang aliw na aliw siya sa huli.

Busog na busog si Blythe nang makalabas galing sa fast food. Hindi mawari ang saya at lakas ng kanyang naramdaman. Madilim na rin sa labas ngunit hindi nila pinansin iyon.

Pumasok sila sa isang department store at nagmasid-masid ng mga gamit pang-sanggol. Kahit hindi pa nila alam ang kasarian ng kanilang kambal ay nagmasid-masid sila ng mga gamit.

Hindi mapigilang hawakan ni Matthew ang kulay baby pink na bestida para sa isang sanggol. "Bagay na bagay 'to sa anak natin," sabi ni Matthew at ipinakita niya kay Blythe.

"Talaga? Paano mo nalaman na babae ang magiging anak natin? Hindi pa nga natin alam ang kasarian nila," sabi ni Blythe.

Napangiti si Matthew habang ibinalik ang damit sa nilagyan. "Naramdaman ko lang. Sabi kasi nila kapag ang babae na buntis ay lalong gumaganda o blooming ay babae ang anak. Ngunit kung medyo stress raw ay lalaki. Mas lalo kang gumanda nang dahil sa pagbubuntis mo kaya babae ang kambal natin," sabi ni Matthew.

"Bolero. Hindi naman ako namimili ng kasarian. Ang sa akin lang ay mailuwal ko ang kambal natin na normal at malusog lang sila. Sabik na sabik na akong makita, mahawakan at mahalikan ko sila. Makita rin ang pagtawa o pagngiti nila. Hindi na ako makapaghihintay na gawin ang aking responsibilidad bilang ina" masayang wika ni Blythe. Puno ang kanyang puso ng pagkasabik at ligaya na sa oras na mailuwal na niya ang sanggol ay magiging ganap na siyang ina.

"Hindi rin ako makapaghintay na maipakita at gawin ang pagiging ama ko sa kanila," sabi ni Matthew habang matamis na ngumiti. Katulad ng babaeng mahal niya puno rin ng ligaya at pagkasabik sa kanyang puso na magiging magulang na sila sa kanilang mga anak.

Magsasalita pa sana si Blythe ngunit tinawag na naman siya ng kalikasan. Simula nang magdalang-tao siya ay palagi na talagang tinatawag siya ng kalikasan. "Sandali lang. Hintayin mo lang ako dito. Magsi-CR muna ako," sabi ni Blythe at ibinigay muna niya ang sling bag kay Matthew . Bago pa tumango si Matthew ay tumalikod na si Blythe at pumunta sa toilet. Nagpasalamat naman siya dahil walang ibang tao sa CR kaya diretso siyang pumasok sa loob.

Naramdaman naman niya na may mahinang mga yabag ang pumasok at isinara ang main door. Naramdaman niya na nakasuot ito ng mataas na takong. Dumaloy man ang takot sa kanyang puso at tumindig ang kanyang balahibo ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili. Pilit niyang ipinasok sa kanyang isipan na magsi-CR rin ang taong pumasok sa loob.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now