Chapter 14 (Part 2)

5 1 0
                                    

Naalimpungatan si Matthew nang dumating ang mama ni Blythe kinaumagahan. "Pasensya po Tita. Mahimbing po akong nakatulog," pagpaumanhin ni Matthew.

"Walang problema Hijo. Nagpapahinga pa rin naman si Blythe. Mas mabuti pang umuwi ka muna sa bahay. May mga pagkain pa naman akong tinira para sayo. Doon ka na maligo at magpalit ng damit," sabi ng mama ni Blythe. Napatingin naman si Matthew ni Blythe. Mahimbing pa ring natutulog si Blythe.

"Wag kang mag-alala. Sasabihin ko lang ni Blythe na pumasok ka na sa trabaho kapag hanapin kaniya," sabi ng mama ni Blythe at ngumiti. Tumango si Matthew at kinuha ang kanyang bag. Bago nagpaalam ay pinagmasdan pa rin ni Matthew si Blythe at dahan-dahang umalis. Ewan ba niya ngunit parang may halong takot siyang naramdaman nang iwan si Blythe sa ganoong posisyon. May kakaibang takot sa kanyang puso!

***

Tanghalian na. Kaya pumunta muna sa food court si Matthew. Pumila muna siya para bumili ng pagkain. Bigla namang tumawag sa kanya ang mama ni Blythe.

"Hello po Tita. Kumusta po si... " Hindi na natapos sa pagsasalita si Matthew dahil sa sinabi ng mama ni Blythe sa kabilang linya. Dalidali naman siyang umalis sa food court at kinuha ang bag niya. Namutla na siya sa kaba habang tinakbo ang hallway at pumara ng jeep.

Nang pumanaog siya sa jeepney ay patakbo siyang pumunta sa hospital. Pagpasok niya sa kwarto ni Blythe ay naabutan niya si Dr. Holganza.

"Kumusta ho siya dok?" humahangos na tanobg ni Matthew.

"Nagbleeding si Ms. Serano kanina at bumababa ang platelets niya. Kapag patuloy itong bumaba ay kailangan na niya ng dugo. Sino ba sa inyo ang may type AB na dugo? Pwede kayong magdonate," sabi ng doktor.

"Kung wala po sa amin. May stock po ba kayo dyan? Bibili na lang kami," wika ni Matthew.

"Meron naman. Kaso kaunti lang ang mga tao na may ganitong blood type. Kaya may kamahalan rin. Isa pa, mas safe kung galing sa inyong pamilya o kakilala, hindi sa nakastock na dugo," paliwanag ng doktor. Tumango naman si Matthew at bumaling sa mama ni Blythe. "Tita, ano po ba ang blood type mo?"

"Type A ako, Matthew," malungkot na sabi ng mama ni Blythe. Napatango si Matthew at nagwika," Ako po dok. Gusto ko pong magdonate ng dugo. Kaya lang hindi ko pa po alam kung ano ang blood type ko," sabi ni Matthew.

"Walang problema. Pumunta ka lang sa blood testing room. Sila na ang bahalang umaasikaso sayo. Basta sa lalong madaling panahon ay dapat nakahanda ang bag na dugo para kay Ms. Serrano. Any minute o hour patuloy na bababa ang platelets niya. Kaya hindi kayo dapat mabahala ngunit hindi rin kayo magpanic dahil seryoso ang sakit na ito. Isa pa napakatraydor ng sakit na ito kaya dapat alerto lang kayo," sabi ng doktor.

"Opo dok. Maraming salamat," sabi ni Matthew. Tumingin muna siya kay Blythe na hanggang ngayon ay natutulog pa rin ngunit maputla na ito. Malungkot naman ang mama ni Blythe at napatulala. Pilit na ngumiti si Matthew sa mama ni Blythe bago umalis.

Pumasok siya sa blood testing room at bumungad sa kanya ang dalawang nurse at isang intern na doctor. "Maupo po kayo Sir," sabi ng isang babaeng nurse habang nakangiti. "Salamat," tugon ni Matthew.

"Sa hintuturo ko lang po ito itutusok para malaman po niyo ang iyong blood type," paliwanag ng babaeng nurse. Tumango naman si Matthew at kinuhanan siya ng dugo at inilagay sa isang lalagyan. "Bumalik lang po kayo dito pagkatapos ng thirty minutes," wika ng nurse kay Matthew. "Sige. Salamat," sambit ni Matthew at tumalikod na.

"Ang gwapo talaga niya. Parang nabubuhay lang siya sa mga libro na binabasa ko noon. Ngunit ngayon kaharap at kausap ko na siya," kinikilig na wika ng babaeng nurse.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now