Chapter 10 (Part 2)

9 1 0
                                    

Nasa loob ng kwarto ni Blythe ang mama niya. Tinulungan niyang ayusan si Blythe dahil sa gabing iyon gaganapin ang Dinner Party. Isinuot na ni Blythe ang malinis na at kulay puting damit niya habang inaayosan siya. Pinagmasdan ni Blythe ang sarili niya sa salamin. Hindi niya rin mapigilang mapangiti. Puno rin ng pananabik ang namutawi sa puso ni Blythe.


"Ganyan nga anak. Ngumiti ka. Ang tanging makapagpaganda sa isang babae ay ang kanyang magandang ngiti," sabi ng mama niya.

Sa kabilang banda ay nakaupo si Matthew sa sofa, tapos na rin siyang magbihis at maghanda para sa gabing iyon. Nakasuot ng black suit si Matthew at napakaganda rin ang style ng kanyang buhok. Napakamaaliwalas at napakalinis niya tingnan.

Nang bumukas ang pinto sa kwarto ni Blythe, ay napatayo siya at hindi niya mapigilang pagmasdan at mapatulala kay Blythe. Suot ni Blythe ang puting dress na hanggang sa tuhod. Balingkinitan ang katawan ni Blythe kaya hapit na hapit sa kanya ang damit. Nakahalf-braid lang ang kanyang buhok at pinalamutian ng mga maliliit na plastic na bulaklak na kulay puti. May mga puting perlas rin sa palamuti na iyon. Nakalugay ang natirang buhok niya na napakatuwid. Nakalight-make up lang din siya kay lumilitaw ang natural niyang ganda. Nakasuot rin siya ng silver na boots na may sintas sa gitna. Dalawang pulgada lang ang taas nito at hanggang ankle lang ang style ng boots. Ang boots na iyon ay bigay ng kanyang Auntie Andrea noon 18th birthday niya.

"Ano ang masasabi mo sa anak ko, Hijo?" tanong ng mama ni Blythe.

"Napakaganda po. Manang-mana po sa inyo," sabi ni Matthew habang nakatitig kay Blythe.

"Ay sus! Nambola ka pa," napangiting sabi ng mama ni Blythe.

"Totoo po iyong sinabi ko. Walang halong pambobola," sabi ni Matthew.

"O siya sige. Naniwala naman ako sa iyo, Hijo. Kaya nga hindi ako makapaniwala na pinaasa at niloko kamakailan lang si Blythe," kwento ng mama ni Blythe.

"Ma!" reklamo ni Blythe.

"Ikinwento ko lang naman ang totoong nangyari Blythe. Naawa lang kasi ako sa anak ko Hijo kasi NBSB iyan kahit bente sais na ang edad niya ngayon," sabi ng mama ni Blythe.

"NBSB po? Ano po iyon?" tanong ni Matthew.

"Ibig sabihin hindi pa siya nakaranas na merong nobyo sa buong buhay niya," paliwanag ng mama ni Blythe. Napatingin si Matthew kay Blythe. Nakita niya na napakagat sa kanyang labi si Blythe at napalingon sa kabila.

"Naalala ko pa na masayang-masaya niyang ikinwento sa akin na may ipakilala siya na isang lalaki sa akin. Kailangan ko raw maghanda ng mga pagkain sa hapunan dahil darating ang lalaking iyon. Ngunit pagdating ng gabi, pagbukas ko sa pinto ay humikbi na si Blythe. Pinaasa at niloko raw siya dahil may girlfriend na ang lalaking iyon," kwento pa ng mama ni Blythe

Hindi umimik si Matthew at patuloy pa rin niyang pinagmasdan si Blythe. Hindi naman niya mapigilang magalit sa lalaking sinabi ng mama ni Blythe. Kung nakita pa niya ang lalaking iyon ay matagal na niyang inilalayo si Blythe mula sa lalaking iyon. Para hindi masaktan si Blythe. Hindi niya mapigilang makaramdam ng awa kay Blythe.

"Sige na. Humayo na kayo baka malate pa kayo. Alagaan mo ang anak ko, Matthew dahil ipinagkatiwala ko siya sa'yo. Magmula noong una pa lang kitang makita ay parang kasapi ka na sa pamilyang ito. Malaki ang kompyansa ko na aalagaan mo si Blythe simula noon," makahulugang sabi ng kanyang ina.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now