Chapter 22 (Part 2)

2 1 0
                                    

"Sige na pag-usapan na natin ang kasal niyo. Hindi na ako makapaghintay pa," wika ni Zam na puno ng pananabik. Nasa sala na sila para pag-usapan ang kasal nila Blythe at Matthew.

"Blythe, kailan mo ba gusto?" malambing na tanong ni Matthew sa kanyang nobya na nakaupo sa tabi lang niya. "Ikaw ang bahala. Kung kailan mo gusto ganoon rin sa akin," sagot naman ni Blythe.

"Kung sa susunod na buwan. Ayos lang ba sayo?" tanong ni Matthew.

"Oo naman. Bakit naman hindi?" sagot ni Blythe. Napatawa nang mahina si Matthew sa sinagot ni Blythe. "Bakit ka tumatawa?" inosentemg tanong ni Blythe.

"Wala," sagot ni Matthew at tumawa nang mahina. "Ay sus! Bly, hindi masyadong obvious na gustong-gusto mong maikasal sa nobyo mo?" pang-aasar na wika ni Blythe. "Ha? Sinagot ko lang naman ang tanong niya," inosenteng wika ni Blythe.

Napatikhim muna si Matthew bago nagsalita. "Kayo po ma? Ayos lang po ba kayo sa susunod pa na buwan?" tanong ni Matthew.

"Wala rin akong problema diyan Hijo. Ang sa akin lang ay mapanagutan mo lang ang anak ko,"sabi ng mama ni Blythe.

"Gusto ko rin na ordinary lang ang kasal namin para hindi masyadong magastos. Manganganak pa ako kaya kailangan pang mag-ipon para doon," suhestiyon ni Blythe.

"Oo nga. Tama si Blythe. Hindi naman importante ang gara o sa bongga ang kasal. Ito ay dahil ang importante ay maging legal kayo sa isa't isa pati na rin ang anak niyo. Basta nagmamahalan kayo at handa niyong harapin ang ginhawa at pagsubok sa buhay na magkasama," sabi ni Zam.

"Ang expert, ah!" biro ni Blythe. "Of course. Pinaghandaan ko na ang bagay na iyan. Kulang na lang talaga ay nobyo," sagot rin Zam at tumawa.

"One day, mahahanap mo rin ang lalaking para sayo," saad ni Blythe.

"Ayoko ng maghintay. Tanggap ko na ganito lang ako panghabambuhay. Naalala mo palagi kitang inaasar na future self mo si Madam? Akalain mo, future ko pala iyon dahil may Matthew ka na," sabi ni Zam at malungkot na ngumiti. "Kontento at masaya na ako sa buhay Bly," aniya.

Hinawakan ni Blythe ang kamay ng kaibigan niya. Alam niya kasi kung ano ang nasa isip at totoong naramdaman nito. Naranasan rin niya ang katulad na pakiramdam noon. Yung pakiramdam na wala na talagang pag-asa na may magmamahal sa kanya. Ngunit sa isang iglap ay dumating si Matthew, ang lalaking minahal siya kahit sino at ano pa siya. Alam rin niya na ang pagsasabing "kontento at masaya na ako" ay may kasalungat na pagpahiwatig o kahulugan.

Maganda sa labas at loob si Zam kaya malaki ang paniniwala ni Blythe na may magmamahal rin sa kaibigan niya. Magmamahal na higit pa sa inaasahan ng kaibigan niya.

Matapos ang pagplaplano nila ay nagpaalam na si Zam.

"Bly, maari mo ba akong ihatid kahit sa labas lang? Naglalambing lang naman ako," pakiusap ni Zam. Bumaling naman si Zam kay Matthew. "Matthew, maari ba na hihiramin ko muna ang fiance mo?" pakiusap rin ni Zam kay Matthew. Tumingin si Matthew kay Blythe at nakita niya ang pakikiusap sa mga mata nito na pumayag siya. "Oo naman basta mag-ingat kayo," nakangiting wika ni Matthew.

"Yes! Salamat. Namimiss ko lang ang matalik kong kaibigan. Matagal na panahon rin na hindi kami nagkasama. Wag kang mag-alala, aalagaan ko ang fiance mo. Babalik siya dito ng buo," masayang wika ni Zam.

Hinawakan niya ang kamay ni Blythe. "Oo nga pala. Wag niyo na akong imbitahan sa kasal niyo," wika ni Zam.

"Ha? Bakit naman?" gulat na tanong ni Blythe. Napakunot rin ang noo ni Matthew.

"Syempre, hindi na kailangan. Pupunta ako kahit imbitahan niyo ako o hindi. O siya sige. Paalam Tita. Paalam rin Matthew," masayang wika ni Zam. Tumango naman si Matthew. Lumapit si Zam sa mama ni Blythe at niyakap niya ito nang mahigpit.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now