Chapter 26 (Part 2)

1 0 0
                                    

Isang buwan ang nakalipas simula noon ay patuloy pa rin na nagmamahalan sina Matthew at Blythe. Wala pa ring nagbabago. Mas lalo pa ngang minahal nila ang isa't isa. Nanatili pa ring nakatira sina Blythe at Matthew sa dating tirahan. Bibilhan sana ni CJ ang kanyang anak ng bagong bahay ngunit umayaw si Blythe. Mas marami kasing magandang alaala sa bahay na iyon kahit maliit lang.

Hinintay na lang nila ang susunod na taon para sa kanilang kasal. Bawal raw kasi na ikasal sila dahil kababago pa lang ang trahedyang nangyari sa kanila.

Nasa Japan na rin si Zam dahil nagtatrabaho na rin doon. Pansamantala munang nagbusiness trip si CJ sa ibang bansa.

Pinapatigil muna niya sina Matthew at Blythe na magtrabaho. Si CJ na muna ang susuporta nila para maalagaan ni Mattjew ang kanyang mag-ina. Pwede namang magtrabaho si Matthew pagkatapos mailuwal ni Blythe ang sanggol. Pwede rin si Matthew na mamili sa kahit anong posisyon sa kompanya o sa mga negosyo nila.

Naalimpungatan si Blythe sa madaling-araw. Napanaginipan niya na kumain raw siya ng cucumber na may mayonnaise kaya gusto rin niyang kumain. Tiningnan muna niya ang oras. Alas kwatro pa naman ng madaling araw ngunit parang hindi na siya makapaghihintay na kumain.

"Matthew, Matthew," sambit niya habang ginising niya si Matthew. "Hmmm?" sambit nito habang nakapikit ang mga mata. Nakayakap ito sa kanya at halatang inaantok pa.

"Gusto kong kumain ng pipino na may mayonnaise," mahinang sabi niya. Napamulat naman si Matthew at dalidaling tumayo. "Ganoon ba? Bibili muna ako. Mukhang wala na tayong stock ng pipino," sabi ni Matthew at kumuha ng pera.

Bago umalis ay nakagawian na niyang halikan si Blythe sa noo at sa tiyan niya. "Wag niyong papagurin muna ang mama niyo ha? Bibili muna ako para sa inyo," sabi ni Matthew at ngumiti siya ni Blythe at umalis.

Napangiti si Blythe habang pinagmasdan ang nakaumbok niyang tiyan. Kaya pala mas malaki ang umbok ng kanyang tiyan kaysa normal dahil kambal ang anak nila. Hindi pa nila alam ang kasarian ngunit noong nagpa-prenatal siya ay nagpa-ultrasound rin siya kaya nalaman niya na kambal ang nasa sinapupunan niya. Masayang-masaya sila nang malaman ito.

Maayos na naman ang pakiramdam ni Blythe. Tanggap na niya ang tungkol sa nangyari sa kanyang mama sa tulong ng mga mahahalagang tao sa paligid niya. Lalong-lalo ni Matthew. Alam niyang nahihirapan rin si Matthew sa pakikipatungo sa kanya simula noong nawala ang mama niya. Ngunit nagpasalamat naman siya dahil hindi nagalit o iniwan siya ni Matthew sa kabila ng pagiging mainitin sa kanyang ulo.

Alam rin niyang nahihirapan si Matthew sa pagbubuntis niya. Idagdag pa ang paglilihi niya. Maayos naman sana ang paglilihi niya ngunit sa pagsapit ng ikaapat na buwan ay palagi siyang may gustong kainin. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili kahit hating-gabi o anumang oras ay gusto niyang may makain na kahit ano. Naawa nga siya ni Matthew dahil kahit puyat na puyat ay pilit na babangon para makakain lang siya.

Di naglaon ay pumasok si Matthew na daladala ang pinaglilihian niya. Kahit pagod na pagod ay nakangiti pa rin sa kanya.

Diretsong sinunggaban ni Blythe ang pinaglilihian niya. Napangiti lang si Matthew habang aliw na aliw siyang pagmasdan ang nobya niya.

Nang matapos si Blythe kumain ay hinalikan niya ang tiyan niya nito at hinahaplos. "Wag niyong pahirapan ang mama niyo kapag lalabas na kayo ha? Kalansay pa naman ang katawan ng mama niyo," biro ni Matthew at napatawa. Matalim na nakatingin si Blythe sa kanya. "Ngunit mahal na mahal ko naman," bawi ni Matthew habang nakatingin kay Blythe. Napangiti na rin si Blythe.

"Magiging ano kaya sila paglaki?" tanong ni Blythe.

"Kahit anong gusto nila basta may idudulot ng mabuti sa mundo. Kahit magiging writer o musician sila ay nandito lang tayo para suportahan ang mga anak natin," nakangiting wika ni Matthew.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now