Chapter 29 (Part 1)

3 1 0
                                    

Walong linggo na ang lumipas ay magkahawak-kamay na tinungo nina Matthew at Blythe ang lugar kung saan tahimik na nakahimlay ang mga anghel nila.

Inilagay ni Blythe ang dalawang bulaklak sa puntod ng kanilang kambal. Nakapanalungko naman silang dalawa habang pinagmasdan iyon. Mayamaya ay biglang pumatak ang ulan. Dalidaling binuksan ni Matthew ang payong at pinayungan  niya si Blythe.

"Umuulan na naman. Alam mo bang kapag umuulan ay maganda at matiwasay ang pakiramdam ko?" tanong ni Blythe sa kanyang nobyo.

"Alam ko. Ganoon rin ang pakiramdam ko kapag umuulan. Para sa akin, may magandang mangyari o nangyayari sa buhay natin kapag umuulan," sabi ni Matthew.

Napangiti si Blythe habang nakabuka ang palad niya sa labas ng payong habang pumatak ang mga butil sa kanyang palad. "Tuwing umuulan, ikaw ang naaalala ko. Animoy kasama na kita tuwing pumapatak ang ulan," sabi ni Blythe.

Napangiti rin si Matthew. "Syempre nandito nga ako sa tabi mo at palagi mo na talaga akong makasama," sabi ni Matthew at humakbang siya palapit kay Blythe at dahan-dahang hinapit ni Matthew ang beywang ng nobya niya. Habang patuloy sa pagpatak ang mga butil ng ulan sa palad ni Blythe ay pinagmasdan naman siya ni Matthew na nakangiti.

Mayamaya ay napatingin si Blythe sa kanya na may pagtataka dahil hindi na umimik ang huli. Nakita naman ni Blythe na kumikislap ang mga mata ni Matthew habang nakangiti sa kanya. Napakunot ang noo ni Blythe sa inasal ni Matthew.

"I love you," sambit nito sa kanya. Tumango naman si Blythe. Palagi na kasi niyang naririnig ang katagang iyon kay Matthew. Hinawakan naman ni Matthew ang kamay ni Blythe na basang-basa. "Hangad ko na sana kapag umuulan ay hindi mo lang ako maalala o maramdaman na kasama mo ako. Hangad ko rin na tuwing pumapatak ang ulan ay maramdaman mo ang aking pagmamahal sayo," sabi ni Matthew at dahan-dahang yumuko upang halikan ang babaeng nagpapatibok sa kanyang puso. Ang babaeng dahilan sa pagkabuhay niya sa mundo nito. Ang babaeng nagparamdam sa kanya ng walang katumbas na ligaya. Malungkot o mahirap man ang sitwasyon ay nakayanan nilang harapin iyon. Ang babaeng nagbigay ng kahulugan tungkol sa totoong pag-ibig at ipinaramdam ito sa kanya.

Sa gitna ng malamig na panahon ay nandoon ang dalawang nagmamahalan. Sa pinakagitna ng burol at sa ilalim ngpunong Acacia ay nandoon ang isang pamilya. Nawala man sa mundo ang mga anak nila ngunit hindi naman naputol ang kanilang pag-iibigan!

***

"Sigurado ka ba na ayaw mong ihatid kita sa pupuntahan ninyo ni Zam?" tanong ni Matthew. "Wag na. Sasabihin ko na lang sayo mamaya tungkol sa lakad namin," masiglang sabi ni Blythe. Naramdaman ni Matthew na sabik na sabik ang kanyang nobya sa lakad nila ni Zam.

Pinara ni Matthew ang taxi na paparating sa kanilang kinaroroonan. Tumigil naman ito. Dalidaling pumasok si Blythe. "Manong, dahan-dahan lang po sa pagmamaneho. Nakasakay po sa taxi ang babaeng mahal ko," paalala ni Matthew sa driver. Tumango naman ang driver.

"Kayang-kaya ko na ang sarili ko no. Hindi na ako bata," sabi ni Blythe. "Mag-iingat ka. Papakasalan pa kita," sabi ni Matthew. Tumango naman si Blythe. Isinara ni Matthew ang taxi. Pinaandar na ng driver ang taxi. Mayamaya ay bigla itong huminto at bumukas ang pinto. Lumabas si Blythe kaya dalidaling lumapit si Matthew sa kanya.

"Bakit? Ano ang nangyari?" nag-alalang tanong ni Matthew. Nakangiting umiling si Blythe at dalidaling hinalikan ang pisngi ni Matthew. "Hindi pala ako nakapagpaalam nang maayos dahil sa pagkasabik ko," sabi ni Blythe. Hindi mapigilang mapangiti ni Matthew halatang kinilig na naman siya sa ginawa ni Blythe. "Magluto ka ng napakasarap na pagkain para sa hapunan natin. Naramdaman ko na may magandang mangyayari sa lakad namin ni Zam," sabi ni Blythe at sumakay ulit sa taxi. Si Blythe na ang sumara sa pintuan ng taxi.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now