Chapter 16 (Part 2)

3 1 0
                                    

Madaling araw pa lang ay naghanda si Blythe sa kanyang sarili. Nais niyang magjogging. Gusto niyang mailabas ang sakit at hinanaing sa kanyang puso.

Tulog pa ang lahat na mga kasama niya sa bahay at pagtingin niya sa labas ay medyo madilim pa. Dahan-dahan siyang lumabas. Ayaw kasi niyang makalikha ng ingay. Hindi na niya nilingon si Matthew. Wala namang mangyayari kung ilang minuto pa niya tingnan si Matthew. May girlfriend na si Matthew kaya wala na siyang pag-asa nito. Simula sa araw na ito ay dapat dahan-dahan na niyang putulin ang naramdaman para kay Matthew. Kahit papaano dapat itanim niya sa kanyang isipan na masaya siya para kay Matthew at sa kaibigan niya. Masaya rin siya para kay Matthew dahil sa matalik na kaibigan niya siya napunta. Masaya rin siya kay Zam dahil kay Matthew rin siya napunta. Kahit papaano ay panatag na lang ang kanyang puso dahil alam niya na nasa mabuting tao napunta ang mga kaibigan niya. Maganda si Zam at hindi maitanggi na gwapo rin si Matthew. Kaya perfect match talaga silang dalawa kaya ayaw na niyang manggulo sa kanila. Tanggap na niya na forever NBSB nga siya at future niya si Ms. Esmeralda, ang manager nila. Tama nga ang hula ni Zam para sa kanya!

Paglabas niya sa bahay nila ay sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin. Isinuot naman niya ang hood ng coat niya sa kanyang ulo at nagsimulang magjogging.

Hindi pa man sumibol ang araw ngunit nakita na naman niya ang iba't ibang paligid na nadaraanan niya.

Iba't ibang klase ng bahay ang nakita niya. May maliliit at may malalaking bahay naman. May mga bahay na maririkit ang mga hardin rin. Iba't ibang klase man ang bahay ngunit pantay-pantay naman ang mga tao. Katulad ng, lahat na mga tao ay humihinga sa hangin na ipinagkaloob ng Diyos sa kanila. Kaya pantay-pantay talaga. Oo! Masasabi natin na bakit may mga tao na mayaman at may mahirap naman? Di ba sa sitwasyong ito ay makikita na natin na unfair talaga ang buhay. Ngunit ang totoo kaya makikita natin na unfair ang buhay dahil base ito sa perception natin. Kapag maiinggit tayo sa isang tao ay mabulag na tayo sa magandang biyaya na binigay ng Diyos. Dahil ang tanging nakikita natin ay magandang bagay sa isang tao at doon nagsisimula ang inggit. Dapat isaisip natin na ang pagkainggit ay walang magandang naidudulot sa atin. Hindi nga natin alam na ang taong kinaiinggitan natin ay naiingit rin siya pabalik sa kalagayan natin. Ang punto lang ay hindi tayo kailangang mainggit o isipin na unfair ang buhay dahil pantay-pantay lang tayo. Kahit mayaman pa siyang tao ay may mga problemang kinakaharap rin siya at kahinaan katulad sa mga pangakaraniwang tao. Hindi man magkatulad ang antas ng mga tao sa socialidad ngunit magkapareho o pantay-pantay naman sila sa maraming bagay lalong-lalo na sa pagmamahal ng Panginoon.

Sinasalamisim rin m niya tungkol noong bata pa siya. Kapag naglalakad siya o sumasakay ng bus, jeepney, o iba pa ay palagi siyang tumitingin sa magaganda at malalaking bahay. Gusto niyang tumira sa napakalaking bahay kasama ang mama niya. Gusto siyang magpapahangin sa terasa ng napakalaking bahay. Ang saya siguro sa pakiramdam na nakatira sa napakalaking bahay. Ngunit ngayon napagtanto niya na hindi sa laki ng bahay nasusukat ang kaligayahan ng naninirahan. Maliit man o malaki ang bahay, ang mahalaga ay ang naninirahan ay mapayapa at malusog. Itong dalawang bagay ang nagdudulot ng kasiyahan.

Sumibol na ang araw ay huminto na siya sa pagjojogging. Sa plasa siya narating at nagpapahinga. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Hinubad niya ang kanyang coat at lumalanghap ng hangin. Napatapik naman siya sa kanyang noo bigla nang maalala niya na hindi pala siya nagdadala ng tubig at bimpo.

Nabigla  siya nang may nag-abot ng tubig at bimpo sa kanya. Tumingala siya at nakita niya ang isang babae na nakangiti sa kanya. Katulad rin niya ay nagjojogging ito at humihingal pa rin.

"Miss, sa'yo na ito," sabi ng babae. "Talaga po? Salamat. Hindi niyo naman  po kailangang gawin ito," sabi ni Blythe at kinuha na niya ang ibinigay ng babae.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now