Chapter 9 (Part 1)

10 1 0
                                    

Napatulala si Blythe sa sinabi ni Matthew. Naestatwa siya nang dahan-dahang lumakad si Matthew sa kinaroroonan niya. Naamoy na naman niya ang sabon at shampoo galing kay Matthew. Pinagmasdan siya ni Matthew gamit ang nakakaakit na tingin!

Nanatili pa rin si Blythe sa kanyang position. Nakatayo, natulala at hindi na kumilos. Nang malapit na malapit na si Matthew sa kanya ay hinapit ang kanyang beywang. Halos hindi na siya makahinga sa kaba. Pinagmasdan siya nito sa mga mata gamit ang nakakaakit na tingin. Ilang sandali, dahan-dahang inilapit ni Matthew ang kanyang mukha kay Blythe. Hindi alam ni Blythe ngunit parang traydor na ang kanyang buong katawan dahil siya na mismo ang unang humalik kay Matthew!

Halik na mabagal at romantiko. Halik na mababasa niya lang sa libro noon.  Unang halik iyon ni Blythe ngunit parang hindi na niya alintana dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang sarili. Natangay na siya sa lumagablab at umaapaw na nararamdaman niya. Mayamaya pa ay mas malalim na ang paghahalikan nila!

Nooo! Blythe magpakatatag ka! Labanan mo ang iyong kahinaan ngayon! Wag kang magpapadala sa apoy dahil siguradong mapapaso ka. Ayaw mong ibigay sa kahit kaninong lalaki lang ang bagay na ito di ba? Iniingatan mo ang bagay na ito sa buong buhay mo para sa future husband mo di ba? Sabi nga ng mama mo ay isa ang bagay na ito sa pinakamagandang regalo na matatanggap sa future husband mo. Isa pa ayaw mong maulit ang nangyari  sa iyong mama di ba? Wag mong kalimutan iyon!

"Ayaw ko pang gawin ito dahil hindi pa ako kasal at ayokong mabuntis na hindi pa ikinasal!" sigaw ni Blythe.

Hala! Bakit nagawa kong magsalita o sumigaw? Hinahalikan ako di ba? Hindi kaya...

Napatakip siya sa kanyang bibig at iniikot niya ang kanyang mga mata sa kabubuuan ng sala. Wala namang nagbago. Nakatayo si Matthew sa tapat niya ilang hakbang ang layo sa kanila. Halatang gulat na gulat ang hitsura nito. Eh sino bang hindi magugulat sa pagsigaw niya? Sinisigaw pa niya na ayaw niyang mabuntis dahil hindi pa siya kasal.

"A-ayos ka lang ba? Parang nawawala ka sa sarili mo. Tinawag lang kita kanina upang magpasalamat at sabihing matulog ka na nang mahimbing. Nag-alala lang ako sa iyo dahil hindi ka na kumikilos at nagsasalita. Tapos bigla ka na lang sumigaw. May masakit ba sa iyo?" nag-alalang tanong ni Matthew sa kanya.

"Ah... w-wala," nauutal na sabi ni Blythe at dalidaling pumasok sa kwarto niya. Dalidali rin niyang inilock ang pinto at lumundag sa kama niya at napayakap ng unan.

Guni-guni ko lang pala iyon? Bakit naman ako nag-iisip ng ganoon kay Matthew? Ibig sabihin ba ay pinagnasaan ko siya? Huhu... Nakakahiya. Ayoko na! Malala na talaga ako!

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon