Unleash 28 (Part 1)

4 1 0
                                    

Naalimpungatan si Blythe at tumambad sa kanya ang mukha ni Matthew. Puno ito ng pag-alala sa kanya ngunit parang nabunutan ng tinik ang nobyo niya na magising  siya at ngumiti ito.

Napahikbi siya. "Matthew, binangungot ako. Ayoko kong mangyari sa akin iyon. Ayoko kong mangyari sa kambal natin. Mahal na mahal ko sila kaya gusto kong mabuhay sila sa mundo. Ayaw kong mawala sila. Ikamamatay ko kapag magkatotoo iyon," hikbi ni Blythe habang pumapatak ang luha niya.

"Shh. Wag kang umiyak. Nandito naman ako," sabi ni Matthew at hinalikan niya si Blythe sa labi at sa noo.

Biglang may pumasok na doktor at nurse."We're glad that you're awake. It's been three days already. We're glad that you survived," nakangiting wika ng doktor.

Nagulat si Blythe na may doktor at nurse sa kwarto niya. Umupo si Blythe sa kama habang inaalalayan siya ni Matthew. Inilibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng kwarto. Napagtanto niya na hindi nga pala kwarto niya ang hinigaan niya kundi kwarto ng hospital! Nanginginig si Blythe at hindi makapagsalita. Bumuhos lang ang mga luha niya.

"Hindi! Hindi ito totoo. Bangungot lang iyon. Hindi iyon totoo. Matthew, sabihin mo sa akin at sa kanila na bangungot lang iyon," sabi ni Blythe. Magsasalita pa sana ang doktor ngunit nag-hysterical na si Blythe.

"Matthew, sabihin mo sa kanila na ayos lang ang kambal natin. Sabihin mo sa kanila na nasa sinapupunan ko pa ang mga anak natin," sabi ni Blythe habang nag-hysterical pa rin.

Malungkot na pinagmasdan ni Matthew si Blythe at hindi umimik. "Matthew, bakit hindi ka na nagsalita? Matthew, sabihin mo sa kanila..." Hindi na nakapagtapos si Blythe dahil niyakap siya sa kanyang nobyo. Napahagulhol naman si Blythe.

"I'm sorry Blythe. I'm so sorry. Hindi ko nagawang iligtas sila," malungkot na wika ni Matthew. Parang sinaksak si Blythe nang marinig ang mga katagang iyon. Ngayon niya napagtanto na wala na nga ang kambal nila. Wala na ang mga anak nila! Napalitan ang pagkasabik niya na makita ang mga anak niya ng sakit at pighati!

"Hindi! Hindi! Hindi ko matanggap iyon! Kahit kailan hindi. Uuwi na ako. Maayos lang ang kambal ko!" sambit ni Blythe . Di naglaon ay nag-wild siya. Pinagsusuntok ni Blythe si Matthew at pinagtatadyak niya ang kanyang mga paa sa kama. Akmang tatanggalin ni Blythe ang dextrose na nakakabit sa kanya. Mabuti na lang at nahawakan ni Matthew ang kamay niya.

"Hawakan mo siya!" utos ng doktor sa isang nurse. Dalidaling pumunta ang nurse kay Blythe at hinawakan ang mga kamay nito sa likod ni Blythe. "Matthew, tulungan mo ang nurse. Hawakan mo rin siya para hindi makagalaw masyado," sabi ng doktor. Hinawakan naman ni Matthew ang mga paa ni Blythe. Dalidaling kinuha ng doktor ang syringe at itinusok kay Blythe.

"Hindi ko matanggap kahit kai..." Hindi na nakapagtapos si Blythe sa pagsasalita dahil tumalab na ang pampakalma na itinusok ng doktor. Nakaramdam siya ng antok kaya tumiklop ang takulap niya. Makikita pa rin ang mga luha niya bago nakatulog.

Pinahiga nila ng maayos si Blythe. "Wag kang mag-alala. Magigising rin siya mamaya at magiging kalma na siya. Ngunit kahit kalma na siya ay naroon pa rin ang depression niya. May mga gamot naman ako na nireseta para sayo. Maliban sa mga gamot, ang pinakamahalaga ay nasa tabi ka niya. Kausapin mo siya at sabihan ng magagandang bagay. Dapat mas manaig rin ang pagiging pasensiyoso mo. Sobra ang epekto sa kanya ang pagkalaglag ng anak niyo. Kaya dapat intindihin mo siya. Hindi madali sa mga babae na tanggapin ang trahedyang nangyari katulad nito lalong-lalo na puno siya ng pagkasabik noon na maging ina at ngayon ay hindi na," malungkot na wika ng doktor.

"Hindi na po? Ibig sabihin na hindi na po ba kami magkaanak?" gulat na tanong ni Matthew.

"I'm sorry ngunit hindi na maaring mabuntis si Ms. Serrano. Malaki ang epekto sa kanyang pagkalaglag ng dalawang sanggol. Kaya dapat mas lalo mo siyang intindihin. Hindi biro ang tanggapin na hindi na siya makaanak ulit," sabi ng doktor.

Parang nahulugan naman ng planeta si Matthew nang malaman iyon. Sasabihan pa naman niya sana si Blythe na tanggapin na lang ang nangyari. Pwede pa naman silang makaanak ulit. Ngunit ngayon ay nalaman niya na hindi na pala kahit kailan.

Wala pa rin namang magbabago sa pagmamahal niya kay Blythe. May anak man sila o wala patuloy pa rin niya itong mamahalin. Ngunit ang pinag-alala niya ay si Blythe. Siguradong hindi nito matanggap na hindi na siya magkaanak kailanman!

Nang sumapit ang hapon ay nagising na si Blythe. Pinilit ni Matthew na ngumiti nang matamis para sa babaeng mahal niya.

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Kumain ka muna. Bumili na ako ng pagkain para sayo," sabi ni Matthew. Hindi naman sumagot si Blythe. Nakatulala lang ang huli.

"Ano ba ang gusto mong kainin? Bibilhin ko," malumanay na sabi ni Matthew. Hindi pa rin nagsasalita si Blythe nakatingin lang ito sa kawalan. Di naglaon ay humikbi ito.

Nilapitan ni Matthew si Blythe at niyakap. Mahigpit niyang niyakap ang nobya niya. Hindi man nakita ni Blythe ang pagtulo ng luha sa harap niya ngunit ang totoo pinilit lang niya iyon na hindi tumulo ang luha niya sa harap ng babae niya. Gusto niyang ipakita kay Blythe na malakas siya para sa babaeng mahal niya. Kahit sa kaloob-looban niya ay parang pinatay na siya. Noong una ay nawala ang mama nila na nagpaparamdam sa kanya kung ano ang pakiramdam na may ina. Sa kathang-isip na mundo ay wala siyang magulang ngunit sa mundo ni Blythe ay doon niya naramdaman ang pag-aaruga at pagmamahal ng isang ina. Sunod ay nawala ang kanyang mga anak. Katulad ng babaeng mahal niya ay puno rin siya ng pananabik ngunit nawala lang sa isang iglap. Hindi man lang niya nakita at nahawakan ang kanilang mga kamay katulad ng inaasam niya. At ang pinakamasakit sa lahat ay ang nangyari kay Blythe. Hindi niya alam kung9 ano ang gagawin para makakausad ito.

Alam niyang nakakausad lang ito noon sa pagkawala ng mama niya dahil sa anak nila. Napakaimportante talaga ng role sa kambal nila sa buhay ni Blythe. Sila ang nagsisilbing pinagkukunan ng lakas ni Blythe noon at kasunod lang si Matthew, ang papa niya at ni Zam.

Kaya ngayon hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya pa alam kung paano sasabihin na hindi na magkakaanak si Blythe. Puno pa man sana ng pananabik ang kanyang nobya noon na magiging ina na siya.

Hindi na nagwild si Blythe bagama't hindi na ito nagsasalita, palaging nakatingin sa kawalan at humihikbi. Parang biniyak ang puso ni Matthew nang masaksihan ito. Kung maibabalik pa lang niya ang lahat ay hindi na sana sila pumasok sa department store. Sana umuwi na lang sila para hindi na ito mangyari.

Hanggang pinauwi na sila ng doktor dahil kailangang makapagpahinga ni Blythe. Mas mastress raw ito kapag nasa hospital kaya dapat umuwi muna sila. Payo pa ng doktor ay dapat magbakasyon sila o sundin ang mga hilig ni Blythe para kahit papaano ay maibsan ang depression nito.


Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon