Chapter 30 (Part 1)

3 1 0
                                    

Tatlong linggo na ang lumipas ngunit hindi na talaga bumalik si Blythe sa bahay nila ni Matthew. Kasalukuyang kumain ng breakfast si Blythe sa kama niya. Unti-unti na rin siyang nasanay na wala si Matthew sa tabi niya. Unti-unti na rin siyang nasanay sa mga lasa ng pagkain na niluto ng chef ng papa niya. Hindi na niya hinahanap ang mga luto ni Matthew at ang presensya ng huli. Masaya na siya sa kanyang buhay.

Puno ng pagkasabik ang kanyang puso dahil bukas ng hapon ay pupunta na siya sa America at doon manirahan habambuhay.

Itutuloy niya ang pag-aaral niya roon. At kung pumasok na siya ng kolehiyo ay Literature talaga ang kukunin niya. Nais niyang ipagpatuloy ang hilig o passion niya. Handang sumuporta naman ang papa niya at si Zam.

Speaking of Zam, naalala niya na nitong mga huling araw ay palaging nakikiusap na siputin si Matthew bago siya pumunta sa America. May mahalaga at gusto talagang sasabihin si Matthew sa kanya.

Habang nagscroll sa facebook ay hindi niya mapigilang i-stalk ang sarili niya. Napangiti naman siya na puro mga tagged posts ang nandoon. At ang nagtagged sa kanya ay ang matalik niyang kaibigan.

Napatulala naman siya nang makita niya ang larawan kung kailan namanhikan si Matthew para sa kanya. Malapad na ngumiti silang lahat habang nakahapit sa beywang si Matthew sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakahaplos sa sinapupunan niya. Sobrang ligaya ang naramdaman niya bago ang mga trahedyang nangyari.

~Loving can hurt
Loving can hurt sometimes
But its the only thing I know
When it gets hard,
You know it can get hard sometimes
It is the only thing that makes us alive~

Sunod na post ay noong kaarawan niya. 'Yung sinorpresa siya nina Matthew at Zam. Naalala rin niya na ang gabing ito ay kung kailan ay official na silang magkasintahan ni Matthew at pinagsaluhan ang unang halik nila.

We keep this love in a photograph
We made this memories for ourselves

Next post ay noong kumain sila sa Ribshack kasama sina Matthew at Zam. Naalala niya na palagi siyang inaasar nina Zam at Matthew dahil nakaubos siya ng apat na rice.

Where our eyes are never closing
Hearts are broken
Times forever frozen still

At ang post na nakapagtulala sa kanya at kumirot ang puso niya ay noong nagdinner party. Yung kinunan sila ng picture ni Zam kung kailan nag-ala groom at bride silang dalawa.

So you can keep me
Inside the pocket
Of your ripped jeans

Holdin' me closer
Till our eyes met
You won't ever be alone
Wait for me to come home

Nakahawak pa siya ng bulaklak habang nakasuot ng plain white dress. Nakangiti siya habang nakatitig si Matthew sa kanya. Sobrang kilig at ligaya ang naramdaman sa gabing ito. Ang araw rin na ito kung saan official na nanligaw sa kanya si Matthew.

Kaso ngayon ay napapalitan na ng pagkasuklam ang pangyayaring ito. Pagkasuklam kasabay ng pagkirot ng kanyang puso. Ang naramdaman niya ay katulad sa nangyari sa kalangitan ngayon. Makulimlim ang mga ulap at narinig niya ang kulog. Wala pa namang kidlat nanakikita niya ngunit may mga mahinang kulog ang maririnig.

Tama si Zam! Kailangan niyang  magpakita ni Matthew bago siya umalis. Kailangang panatag ang kanyang loob at putulin ang dapat putulin upang mamuhay siyang matiwasay roon. Nagchat siya kay Zam.

Good morning Langga. Makipagkita na ako kay Matthew. Pakisabi sa kanya na makipagkita ako ngayong alas siyete y trenta ng gabi. Siya na rin ang bahala sa lugar kung saan kami magkikita. Salamat.

Di naglaon ay tumunog ang notification niya sa messenger at binasa niya ang reply ni Zam.

Ayieeh! Sa lugar raw kung saan una mo siyang nasilayan.

Nagpasalamat na lang siya ni Zam at naghanda para maligo. Inaamin niya may maliit na parte sa kanyang puso ang pananabik na makita ulit ang dati niyang nobyo. Ngunit mas nanaig pa rin ang galit sa kanyang puso.

***

Alas singko pa lamang ng hapon ay tinahak na ni Matthew ang kalsada papunta sa Jacob's Ladder. Kakaligo pa lang niya at sinuot niya ang dating sinuot niya noong araw na nakalabas siya galing sa kathang-isip na mundo. Sinuot rin niya ang sombrero dahil nagbabadyang umulan. Nanariwa pa rin sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon at hindi niya mapigilang mapangiti. Habang pinagmasdan niya ang tabi ng kalsada ay natanaw niya ang naglalakihang punong Acacia. Napangiti na ulit siya hindi sa mga puno kundi sa sinalamisim niya ang pangyayari kasama si Blythe.

Tinahak na niya ang unang hakbang sa Jacob's Ladder. Ang Jacob's Ladder ay matatagpuan malapit sa plasa kung saan unang nasilayan ni Blythe si Matthew sa panaginip. May mahigit isandaang hakbang ito papunta sa tutok kung saan naroon ang plasa. Sa tabi ng plasa at pinakatuktok ng Jacob's Ladder ay nakatayo ang isang watch tower. Ang watch tower na ito ay pinatayo noong Spanish Era. Pinarenovate ito ng gobyerno noong nasira ang bubong sa nagdaang bagyo kaya kahit luma ang estrukturang ito ay napakaganda pa rin sa paningin. Kulay pula na ang bubong nito at sa loob ay may malaking kampana.

Tinahak ni Matthew ang mga hakbang sa Jacob's Ladder at nang maabot niya ang pinakatuktok ay tumingala siya sa watch tower. Hindi niya mapigilang mapahanga sa ganda nito.

Mayamaya ay pumunta na siya sa railing ng plasa habang nakatanaw sa dagat. Makulimlim man ang panahon at malakas man ang alon ng dagat ngunit kasalungat ito sa naramdaman niya. Masaya siya ngayon dahil makikita at makakausap na niya ulit ang babaeng mahal niya.

Tatlong oras na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin dumating ang babaeng hinihintay niya. Binuksan naman ang cellphone niya at napangiti ulit siya sa kanyang wallpaper. Hindi naman siya nagbago ng wallpaper maliban noong nag-acting sila ni Zam. Si Blythe pa rin. Hinihimas naman niya ang screen ng cellphone kung saan makikita ang candid shot ni Blythe habang nakatingin at nakahaplos sa umbok ng tiyan niya.  Panahon pa ito kung saan nasa loob pa ng sinapupunan ni Blythe ang kambal nila.

Pumunta naman siya sa gallery kung saan nakalagay ang mga larawan nilang dalawa. Ngunit karamihan roon ay mga stolen shots ni Blythe. Stolen shots kung saan ganadong-ganado na kumain si Blythe, nagbabasa ng libro si Blythe, natutulog si Blythe sa sofa habang nakanganga at tumulo ang laway nito, hinahalikan niya si Blythe sa noo habang tulog na tulog ito at noong hinahalikan niya ang nakaumbok na tiyan ni Blythe. Napangiti siya. Maraming maliligagayang pangyayari as well as kalungkutan man ang nangyari sa kanila ngunit magkasamang hinarap nila iyon ng babaeng mahal niya.

Napatingin si Matthew sa paligid ngunit wala pa rin si Blythe. Tumayo ulit siya malapit sa railing ng plasa at tinanaw naman ang dagat ulit.

Samantala napahinga naman nang malalim si Blythe nang makita niya si Matthew. Ngumiti si Matthew nang lumingon siya dahil nakita na niya si Blythe. Malaki na ang pinagbago ni Blythe ukol sa pisikal nitong anyo.

Maikli na ang buhok nito na hanggang sa leeg at blond na ito. Nakasuot siya ng kulay maroon na dress at three-inches above the knee ang taas nito. Nakasuot rin siya ng itim na coat. Pinaresan niya ito ng sandal na 5 inches ang taas. Kulay nude ito. Nagdala rin si Blythe ng branded na shoulder bag na kulay brown. Nakasuot siya ng heavy make up.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now