Chapter 16 (Part 1)

4 1 0
                                    

A/N: Hello, Readers. I would like to apologize for being delayed in publishing this chapter on Wattpad. The place where I live was badly hit by super typhoon Odette. I hope you'll understand. God bless.

—Plethora Hope (January 11, 2022)

Mali man ngunit basta para sa pag-ibig ay tama na ang lahat!

Ang post na ito na binasa niya kagabi ay galing sa matalik niyang kaibigan. Ang wallpaper ni Matthew na larawan ng isang napakagandang babae ay ang kanyang matalik na kaibigan rin. Sa madaling salita ang girlfriend ni Matthew ay si Zam!

Hindi siya makapaniwala noong una niyang malaman kagabi. Mahirap paniwalaan para sa kanya dahil buong akala niya na napakasupportive ni Zam sa kanya para kay Matthew. Kaya pala botong-boto si Zam kay Matthew dahil gusto niya si Matthew. Kaya rin magka-vibes sina Matthew at Zam sa simula pa lang dahil may pagtingin na siya kay Zam. Napagtanto rin niya na kaya pala magkasama sina Zam at Matthew noong sumali siya sa paligsahan ng pagsusulat. Baka nagsinungaling lang talaga si Matthew na hindi sila magkasama noon ni Zam, na nagkataon lang na magkasabay silang pumunta sa venue para suportahan siya. Inilihim siguro nila ang lahat kay Blythe dahil napapansin na nila na may pagtingin si Blythe kay Matthew. At ayaw nilang masaktan si Blythe dahil matalik na kaibigan pa rin siya ni Zam. Isa pa, malaki ang utang na loob ni Matthew kay Blythe dahil siya ang dahilan kung bakit nakalabas siya galing sa kathang-isip na mundo. Pagkatapos mailigtas ni Matthew ang buhay ni Blythe ay unti-unti na ring nababayaran niya ang utang na loob niya para kay Blythe. Kaya siguro hindi na mabigat sa loob ni Matthew ang tungkol sa utang niya kay Blythe kaya naging showy na siya sa totoong relasyon nila ni Zam. Bakit ba hindi niya napansin noon pa man ang mga nakaw na tingin nina Zam at Matthew? Kung nahuli pa lang niya ang mga nakaw na tingin nila noon, ay sana nalaman na niya noon pa man ang lihim nilang damdamin. Hindi na sana siya umasa na naman na mahal rin siya ni Matthew. Ito ay dahil ang totoong mahal ni Matthew ay si Zam na matalik niyang kaibigan. Mahirap tanggapin para sa kanya ngunit kailangang tanggapin niya ang katotohanan.

"Bly, ayos ka lang ba? Masyadong malalim ang iniisip mo? Hindi mo na ako pinansin at sinagot ang mga tanong sayo. Hindi ka na nakikinig sa mga sinasabi ko. Kanina pa ako nagsasalita dito ngunit nakatunganga ka lang dyan? May problema ba? Sabihin mo sa akin Bly," sabi ni Zam na nakangiti. Lalong gumanda nga si Zam kapag nakangiti. Maputi at pantay-pantay ang ngipin niya. Isa talaga ito sa best asset ni Zam.

"Ha? A-Ayos lang ako. Mag-order na tayo," sabi ni Blythe.

"Mag-order ka na lang ng kahit ano. Treat ko. Alam naman namin ni Matthew na mas malakas kang kumain kaysa amin kahit walking skeleton ka," biro ni Zam at napatawa siya. Tumawa naman si Blythe nang mahina ngunit peke lang iyon. Bigla na namang sumikip ang dibdib niya nang marinig ang katagang namin ni Matthew at amin.

"Isang regular na burger lang saka ice tea," matamlay na sabi ni Blythe.

"Talaga iyon lang? Akala ko marami ka pang kakainin. Sige na. Mag-order ka pa ng kahit ano. Treat ko naman. Isa pa, nagbigay pa naman ng pera sa akin si Mat... I mean ang boyfriend ko dahil alam niyang magkikita tayo," sabi ni Zam at umiwas ng tingin kay Blythe.

"Ganoon ba? Sino naman ang boyfriend mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Magtatampo ako niyan dahil matalik mo pa naman ako ng kaibigan," makahulugang sabi ni Blythe. Hindi naman umimik si Zam at napayuko na lang. Napatawa naman nang mahina si Blythe. "Wag kang mag-alala. Hindi naman ako nampressure sayo na ipakilala mo ang boyfriend mo sa akin. Hindi ko naman sinabing ngayon na talaga. Anyway, iyon lang sa akin. Ano naman ang order mo?" tanong ni Blythe.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now