Chapter 13 (Part 1)

6 1 0
                                    

Napalibot ang paningin ni Blythe sa venue kung saan gaganapin ang paligsahan. Sa Gymnasium lang sa kanilang barangay gaganapin. May magagandang decorations sa entablado at malaking tarpaulin sa gitna. Marami ring nga tao ang pumunta. Ala una ng hapon magsisimula ang paligsahan kaya kaninang umaga lang siya nagtrabaho. Tumingin siya sa wrist watch niya at ala una y media na ngunit hindi pa rin nagsisimula.

"Miss, anong oras na ba?" tanong ng isang magandang babae na katabi niya. Naka-sleeveless siya na kulay itim at nakashort pants na kulay puti. Matuwid ang kanyang buhok na hanggang leeg niya. Nakangiti ang magandang babae kay Blythe.

"Ala una y media na," sabi ni Blythe.

"Ang tagal naman magsimula. Sabagay nasa Pilipinas tayo kaya hindi na nakapagtataka kung sasabihin na ala una magsisimula ang isang programa, alas dos magsisimula sa realidad. Filipino time kumbaga," sabi ng babae. "By the way, ako nga pala si Alisson Sabagat. Ngunit pwede mo akong tawaging "Ally". Ikaw , ano ang pangalan mo?"

"Ako si Scarlet Blythe Serrano.  Pero pwede mo akong tawaging "Blythe". Ano nga pala ang katergoryang sasalihan mo?" tanong ni Blythe.

"Pagsusulat ng sanaysay. Ikaw, ano ang sasalihan mo?" tanong ni Ally.

"Pagsusulat ng tula at maikling kwento," sagot naman ni Blythe.

"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ulit ni Ally.

"Cashier ako sa isang mall," sagot ni Blythe. "So, kumusta naman? Ayos lang ba ang trabaho mo?" tanong ni Ally.

"Ayos lang. Noong una ay ayaw ko talaga sa trabaho ko kasi mahirap. Kaso, wala akong ibang choice. High school graduate lang kasi ako," sagot ni Blythe.

"Ang importante naman talaga ay masaya tayo sa ating trabaho. Hindi mo man naitanong ngunit kasambahay ako. Walong taon na akong nanilbihan. Sabi ng marami ay napakahirap maging kasambahay kaya nagtataka sila kung paano ako nakasurvive. Ang sikreto lang talaga ay dapat masaya ka at mahal mo ang trabaho mo. Kahit gaano pa iyan kahirap sa tingin ng iba, ngunit para sa iyo ay hindi mo na iyon nakikita," sabi ni Ally. Bigla namang nag-anunsyo na magsisimula na ang paligsahan ngunit bago ang lahat ay nanalangin muna sila, umawit ng Lupang Hinirang, nagsalita ng magagandang speech ang mga writer na inimbitahan nila. Pagkatapos ay doon na nagsisimula ang paligsahan.

Hindi mapigilang kabahan ni Blythe. Ito ang unang pagkakataon niyang lumahok sa ganitong paligsahan. Tumatagaktak na ang pawis sa kanyang noo. Biglaang-pagsusulat ng tula muna ang kanyang sinalihan. Isang oras lang ang ibinigay sa kanila. Hindi naman masyadong mahirap para sa kanya dahil nasa isipan niya ang taong hahandogan ng kanyang tula.

Nang lumipas ang limampung minutos ay tapos na si Blythe. Binasa na lang niya muli ang tulang sinulat niya. Hindi niya mapigilang ngumiti pagkatapos niyang basahin. Saktong tumunog ang alarm hudyat sa pagtatapos ng isang oras kaya pinasa niya ang papel na sinulatan niya.

Ang sunod niyang sinalihan ay biglaang pagsusulat ng maikling kwento. Simula pa lang ay hindi niya alam ang kanyang isusulat. Maraming mga kwento ang pumapatak sa kanyang isipan kaso paliko-liko ito at hindi pa niya na-organize ang mga ideya na nasa isipan niya. Hindi niya alam kung ano-anong pangalan ang gagamitin niya sa kanyang mga characters. Hindi rin niya alam kung ano ang beginning sa kanyang kwentong gagawin. Sa madaling salita ay na-writer's block siya! Kinabahan naman siya! Mas dumami ang pawis na tumagaktak sa kanyang noo pati na rin sa kanyang palad. Huminga muna siya nang malalim at uminom ng tubig. Pinunasan rin niya ng panyo ang kanyang pawis.

Focus Blythe! Wag kang kabahan para hindi ka ma-writer's block. Sabi nga ni Ally ay dapat masaya ka sa iyong ginagawa at mahal mo ito. Teka ! Speaking of Ally...

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon