Chapter 13 (Part 2)

11 1 0
                                    

Nagkagulo na ang lahat pagkatapos. Mabilis na tumakbo ang mga caregiver sa kinaroroonan ni Lolo. Nagkalat na rin ang ang mga newspaper at mga libro sahig na yakap-yakap ni Lolo kanina. At bigla akong naestatwa sa larawan na nakita ko!

"Ally, masaya ako na bumalik ka. Ngayon ko lang nakita ulit na sobrang saya ang asawa ko. Hindi man niya ako mahal ngunit masaya naman ako na nakita ko siya na masayang-masaya sa huling pagkakataon. Salamat Ally," maluha-luhang saad ni Lola sa akin at tumalikod na siya.

Allison Samonte o Ally pala ang pangalan sa unang buhay ko at ako ang nasa larawan!

"Ang galing. Ang ganda ng mga nilikha mo Blythe. Hangang-hanga talaga ako sa'yo. Sana lahat may ganitong talento," papuri ni Zam. Tapos na nilang basahin ang mga sinulat ni Blythe na pinost doon. Napangiti lang si Matthew kay Blythe at halatang-halata na proud na proud siya kay Blythe.

"Ano ba ang sikreto mo sa pagsusulat?" tanong ni Zam.

"Wala namang sikreto. Siguro hilig ko lang talaga ang pagsusulat. Sa pagsusulat kasi ay parang escape ko ito sa reality dahil dito kaya kong gawin ang lahat sa pamamagitan ng pagpinta ng mga salita. Halimbawa ang isang karakter ay binaril ngunit kapag gusto ko na mabuhay ang karakter na ito ay maari. Pwede kong isulat na hindi siya namatay noong binaril siya dahil sa medallion na sinuot niya. Ang mga bala ay hindi tumagos dahil sa isang medallion. Isa pa, sa pagsusulat ay ma-express ko ang lahat kahit hindi ko gamit ang bibig ko. Malalaman ng mga magbabasa ang aking saloobin o gustong ipahiwatig," sagot ni Blythe.

"Ows? So kanino mo ipinahiwatig ang tulang ginawa mo?" mapang-asar na sabi ni Zam.

"Wa-Wala no. Naisipan ko lang ang tulang iyan kanina," pagsisinungaling ni Blythe. Magsasalita pa sana si Zam ngunit bigla ng nag-anunsyo ang host na magsisimula na ang announcing of winners.

"Everyone let us all give a big applause to all the participants here. Sana malaman niyo na lahat kayo ay panalo na. Just being here participating this contest ay panalo na kayo. Nagawa niyong ipakita ang inyong hilig o talento sa maraming tao. Hindi man kayo masali sa top 3 ngayon but don't be discouraged. Ang paligsahang ito ay hindi isang wakas kundi isa itong simula para sa inyong hilig. Just continue writing and never stop. One day, everything will be worth it," sabi ng babaeng host.

"You're right, sis. Kaya, ngayon let us proclaim and recognize the winners. Unang kategorya ay biglaang-pagsusulat ng sanaysay. Ngunit bago iyan ay ipapaalam muna natin ang mga gantimpala sa tatlong mananalo. Ang ikatlong mananalo ay makakakuha ng certificate,bronze na tropeo, at Php 5, 000 cash. Ang ikalawa naman ay makakakuha ng certificate, silver na tropeo, at Php 8, 000 cash. At ang kampiyon ay makakuha ng certificate, tumataginting na gold na tropeo, Php 10, 000 cash at ipupublish sa susunod na araw ang kanyang akda sa RJD News," sabi ng host na lalaki.

"Ang gagara ng mga prizes, right? Kung pwede lang sumali ay kanina ko na talaga ginawa. Kaso hindi kami pwede. Anyway, without further we do. Alamin na natin ang mga pangalan nila," sabi ng babaeng host.

"As what I've said a while ago. Ang unang kategorya ay Biglaang Pagsusulat ng Sanaysay. Third place goes to...Gege Guzman," anunsyo ng host na lalaki. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Isang tinedyer na babae naman ang pumanhik sa entablado.

"Second place... Henry Balingkit," anunsyo ng host. Pumanhik naman ang isang lalaki na bente y singko ang edad. Mataas at medyo mapayat siya.

"Our champion for this category is... Allison Sabagat," sabi ng host na lalaki. Nagpalakpakan naman ang mga tao lalong-lalo na si Blythe. Nakangiti habang pumanhik si Ally. Napatingin rin siya kay Blythe.

"Sino iyan? Kilala mo ba? Kung makapalakpak ka ay wagas," sabi ni Zam.

"Bago kong kakilala at kaibigan na rin. Ginamit ko ang pangalan niya sa maikli kong kwento na sinulat," paliwanag ni Blythe. Napatango naman si  Zam.

Unleash (COMPLETED)Where stories live. Discover now