Chapter 2 (Part 1)

17 3 0
                                    

Pagdating sa bahay ni Blythe ay naabutan niya ang kanyang mama na nakaupo sa sofa habang nanonood ng Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Paborito niya ang teleserye na ito kaya nakinood na rin siya.

May pinaniniwalaan ang taga La Presa tungkol sa kambal na strawberry. Kapag ang isang tao ay nakakita ng kambal na strawberry ay dapat kainin niya iyon at kung sino ang makakain sa kalahati ay siya ang makakatuluyan ng taong nakakita sa kambal ng strawberry. Isang araw nakakita ng kambal na strawberry si Xander(Enrique Gil). Pinakain ng mga taga La Presa ang kalahating strawberry sa kanya at ibibigay sana niya sa bata ang kalahati. Kaso nakuha iyon ni Agnes(Liza Soberano) kaya siya ang nakakain sa kalahati.

Ngunit bigla iyong pinutol dahil aabangan pa nila ang susunod na mangyayari sa Lunes. Nabitin naman sina Blythe at ang kanyang mama kaya dismayado sila at pareho silang nagkatinginan sa isa't isa. Kapag sinasabing sa Lunes pa ang susunod na episode ay parang ang sobrang tagal pa no'n para sa kanila. Lumapit na lang si Blythe sa mama niya at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumain ka na ng hapunan na nasa mesa. Kunin mo lang ang takip ng mga pagkain," sabi ng mama niya sabay na pinatay ang TV.

"Opo ma. Tapos na po kayong kumain?" tanong niya pa sa kanyang mama.

"Oo. Kanina lang. Ikaw na ang bahala dyan ha? Matutulog na ako," sagot ng mama niya at napahikab na. Tumalikod na rin ito sa kanya at pumasok sa kanyang kwarto. Pumasok na rin si Blythe sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay. Bago siya lumabas ulit galing sa kanyang kwarto ay pinagmasdan ulit niya ang kanyang repleksyon sa salamin.

Ang pagkakahanap ng kambal ng strawberry ni Xander at hindi iyon inaasahan na makain ni Agnes ay mahintulad ko ito sa pag-ibig,dumarating ito na hindi natin inaasahan. At sa tingin ko dumating na ito sa buhay ko ngayon!

Napangiti na lang si Blythe habang pinagmasdan niya ang kamay na hinawakan ni Charles kanina. Hanggang ngayon ay dala niya pa rin ang kilig at ligaya.

Mayamaya ay lumabas na siya sa kwarto niya at pumunta sa hapag-kainan. Inalis naman niya ang takip sa pagkain. Pritong tuyo, ginataang monggo at isang saging na lakatan ang nasa hapag. Natakam naman siyang makita ang mga pagkain kaya dalidali siyang nagsandok ng kanin sa rice cooker. Pagkatapos ay umupo na siya at hindi niya pa rin nalimutan ang magdasal bago kumain.

***

Nasa plasa siya na malapit sa Jacob's Ladder habang nakatanaw sa dagat. Makulimlim ang kalangitan at parang nagbabadya na namang umulan. Umihip ang hangin nang malakas kaya napayakap siya sa kanyang sarili.

Unleash (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon