CHAPTER 1

206 14 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 1)

[FIVE YEARS LATER]

—THEA POV—

Halos limang taon narin pala ang nakakaraan magmula ng makilala ko ang prinsipeng nagngangalan na Nasha. Ngunit hanggang sa mga sandaling ito, hindi ko pa rin maintindihan kong panaginip lang ba 'yun o totoong nangyari.

Five years ago kasi, nagbalak kaming magkakaibigan na pasukin ang bakod na kung saan ipinagbabawal ang lumapit o lumagpas dito. Marami kasing nagsasabi na, ibang dimension na daw 'yun. Pero siyempre, as a teenager na mahilig mag explore ay sinubukan namin na magtungo doon. Para patunayan kung totoo ba or hindi ang sinasabi nila. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila narating ko nga ang dimension na 'yun kung saan nakilala ko ang prinsipe na si Nasha.

Makisig ang kanyang pangangatawan, kulay asul ang kanyang mapang akit na mga mata, kulay tsokolate ang kanyang buhok at kanyang mukha, tila isang anghel.

Hinding hindi ko rin makakalimutan kung paano niya ako iligtas mula sa ligaw na palaso na dapat ay tatama sakin.  Ang kaso, tila yun na rin yata ang una't huling pagkikita namin dalawa. Dahil magkaiba ang mundong ginagalawan namin.

—JUSTINE POV—

“Thea, ayos ka lang?” may pag aalalang tanong ko ng  mapansin ang biglaang pananahimik ni Althea. Nandirito kami ngayon nakaupo sa labas ng Coffee Shop na pag mamay-ari ng kaibigan namin na si Lea.

“Huh? Ah oo..masarap yung blueberry cheese cake nila..” nakangiting sagot ni Thea, halatang lutang. Walang connect sa tanong ko ang sagot niya.

“What's bothering you ba? Masyado kang lutang. Ang layo ng sagot mo sa tanong ni Justine.” sabat ni Lea habang seryosong tinitignan si Thea.

“W-wala naman.” nakayukong pagkakasabi ni Thea saka humigop ng espresso coffee niya. Bahagya naman kami nagkatinginan ni Lea.

“Wala daw. Ngayon ka pa talaga maglilihim samin? Hello gurl? Magkakaibigan na tayong tatlo sapol pa ng mga bata pa tayo. Kaya wala ka ng maililihim samin, alam namin kung ok ka lang ba talaga o may gumugulo d'yan sa isipan mo.” saad ni Lea na nakataas pa ang isang kilay.

“Tungkol parin ba sa kakaibang nangyari sa'yo five years ago? About parin ba 'to doon sa probinsya?” magkakasunod na tanong ko kay Thea.

Isang hingang malalim namin ang ginawa niya bago siya tumingin sa'kin.

“Hindi ko parin kasi maiintindihan kung panaginip lang ba 'yun o totoo talagang nangyari.” saad ni Thea at napahawak pa sa ulo niya na tila gulong gulo ang kanyang isipan.

“Gurl, hindi ko sinasabing nababaliw kana. Pero parang ganun na nga. Wag mo na masyadong pakaisipin 'yung nangyari five years ago kasi hindi totoo 'yun. Alam mo kung ano ang totoo?” mahinahon na pagkakasabi ni Lea, agad naman umiling si Thea.“Yung totoo ay may iba ng jowa 'yung ex mo. Ayun sila oh!” dugtong ni Lea sabay nguso sa lalakeng naglalakad sa sidewalk ka-holding hands ang kasama nitong babae. Napansin ko naman na inirapan si Lea ni Thea.

“Ewan ko sa'yo Lea, wala na akong pake d'yan sa ex ko 'no.” mataray na sagot ni Thea pero hindi niya rin matiis at napasulyap siya sa ex niya kasama ang bago nito. Kita ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata kahit na anim na taon na ang nakakaraan magmula ng maghiwalay silang dalawa. Thea, hindi ka naman masasaktan kung ako nalang yung minahal mo.

—LEA POV—

“Aysus, wala daw pakialam. Eh bakit mo tinitignan?” nakangising tanong ko kay Thea, agad naman niya binaling ang atensyon niya sa pagkain na nasa harapan niya.

“Tinititigan agad? Hindi ba pwede napasulyap lang? Issue ka masyado.” in denial na sagot ni Thea.

“Pabayaan mo na kasi yang ex mo, hindi lang naman siya 'yung lalake sa mundo. Meron d'yan sobrang mahal na mahal ka hindi mo lang napapansin.” tila may laman ang bawat salitang binibitawan ni Justine habang hinahalo ang kape niya. Actually, matagal ko narin naman napapansin na tila may special treatment si Thea pagdating kay Justine. Oo nga't magkakaibigan kaming tatlo, pero iba ang pakikitungo ni Justine kay Thea. Ewan ko kung napapansin ba 'yun ni Thea o sadyang manhid siya. Pwede rin naman na napapansin niya, pero ayaw niya bigyan ng malalim na kahulugan.

“Eh sino naman?” sarcastic na tanong ni Thea kay Justine.

“Ako..” mahinang pagkakasabi ni Justine sapat lang upang marinig ko dahil magkatabi kami sa upuan. Kaya agad ako napatingin sakanya.

“Ano kamo? Sino?” muling tanong ni Thea, tila hindi niya 'to narinig. Mabuti naman.

“Wala sabi ko makikilala mo rin 'yun.” pag iba ni Justine sa sinabi niya kanina.

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon