CHAPTER 8

67 4 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 8)

—JUSTINE POV—

“Bakit nga pala kayo, napabisita?” may pagtatakang ni Thea. Bahagya naman kami nagkatinginan ni Lea.

“Ah, gusto ka lang namin kamustahin. Isa pa, hindi tayo nakakapag out of town magmula ng maging chairwoman ka ng kompanya niyo. Naisip ko lang, mag out of town kaya ulit tayong tatlo? What do you think?” mahinahon na pagsasalita ni Lea.

“Hmmm sige kapag hindi narin ako masyadong busy.” nakangiting sagot ni Thea.

“Ay nalimutan ko pala, kailangan ko narin palang umalis. May pupuntahan pa kasi ako.” sabat ni Lea.“Justine mauna na 'ko sayo ha.” saad ni Lea saka pasimpleng kumindat sa'kin.

“Teka, hindi ka pa ba sasabay kay Lea, Justine?” may pagtatakang tanong ni Thea.

“Bakit pinapaalis mo na ba 'ko agad?” kunwareng nagtatampong tanong ko.

“H-hindi naman sa ganun. Ang kaso kasi, maya maya papasok na rin ako sa trabaho.” mahinahon na pagkakasabi ni Lea.

“Edi mabuti, tamang tama ako nalang maghahatid sa'yo.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Ikaw?”

“Oo, bakit? May iba pa bang maghahatid sa'yo? Sige na Thea, pagbigyan mo na 'kong maihatid ka. Please...” nakangiting pakiusap ko.

Ngunit biglang nag ring ang cellphone ko. Mula sa screen, nakita ko ang pangalan ni Ate Shantel, ang oldest sister ko. Ngunit agad din 'tong nag end call hindi ko pa man nasasagot. Pagkatapos ay isang message ang natanggap mula sakanya. Kailangan daw akong umuwe sa Mansion.

“Pasensya kana Thea, hindi pa pala kita muna maihahatid. Pinapunta kasi ako ni Ate Shantel sa Mansion, I dunno why. Pero promise, next time babawe ako sa'yo ok?” paghingi ko ng paumanhin kay Thea.

“Ayos lang 'yun. Sige na, baka iniintay kana rin ng Ate mo.” nakangiti naman sagot ni Thea at agad na nga rin ako umalis.

—THEA POV—

Nang makaalis na si Justine ay agad akong nagtungo sa silid kung nasaan si Nash. Pagbukas ko ng pintuan, nadatnan ko siyang may hawak hawak na photo album.

“That's me when I was seven years old.” saad ko at agad siyang napalingon sakin na tila ba gulat na gulat. Kalma Nash, ako lang 'to ang napakagandang si Althea Reign Madrigal.

“I-ikaw ang batang 'to?” may pagtatakang tanong niya. Ngumiti naman ako at lumapit sakanya.

“Oo, obvious naman diba? Mula noon hanggan ngayon ang ganda ko parin.” confident kong pagkakasabi at nag beautiful eyes pa.

—NASH POV—

Habang nasa silid ako, nahagip ng mata ko ang isang kulay dilaw na photo-album na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. Agad ko 'yun binuksan at laking gulat ko ng makita ang larawan ng isang batang babae na suot ang isang kwintas na may ruby na pendant.

[FLASHBACK: 20YEARS AGO]

Ito ang unang beses na nakarating ako sa mundo ng mga tao. Sa paglalakad lakad ko, nakita ko ang isang batang babaeng umiiyak habang papatawid sa kalsada. Sa hindi kalayuan napansin ko ang dambuhalang bagay na patungo sa direksyon ng bata agad kong tinakbo ang kinaroroonn ng batang babae at mabilis 'tong sinagip.

“Nasaktan ka ba?” may pag aalalang tanong ko, agad naman umiling sa'kin ang batang babae, ngunit tuloy 'to sa pag tangis.

Agad kong hinubad ang suot kong kwintas na regalo pa sakin ng aking inang reyna noong ika dalawangput-isa kong kaarawan. Nang makita 'yun ng batang babae ay tumigil siya sa pag tangis na ikinatuwa ko naman.

“Sa'yo na ang kwintas na 'to. Ingatan mo at sana, muli tayong magkita sa takdang panahon.” nakangiting pagkakasabi ko saka ko isinuot ang kwintas sa batang babae.“Hanggat na sa'yo ang kwintas na 'to, mahahanap at mahahanap parin kita saan ka man naroroon.” nakangiting pagkakasabi ko.

Yun din kasi ang sabi sakin ng aking ina, ang kwintas daw na 'yun ay simbolo ng pag ibig. Galing pa daw 'yun sa aking amang hari at binigay din sa aking ina.

[END OF FLASHBACK]

“Yung kwintas..” mahinang sambit ko.

“Aling kwintas? Ah ito ba?” nakangiting pagkakasabi ni Thea saka nilabas ang kwintas na nakatago sa loob ng suot niyang damit.“Matagal na sakin ang kwintas na 'to. Pero hindi ko na matandaan kung saan galing o sinong nagbigay sa'kin.” nakangiting pagkakasabi ni Thea habang pinagmamasdan ang suot niyang kwintas.

—THEA POV—

“Matagal na sakin ang kwintas na 'to. Pero hindi ko na matandaan kung saan galing o sinong nagbigay sa'kin.” nakangiting pagkakasabi ko habang pinagmamasdan ang suot kong kwintas.

Nagulat na lamang ako ng bigla akong hagkan ni Nash sa labi. Nang mga sandaling din 'yun ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napapikit nalang din ako hindi ko rin alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kakaiba ng maglapat ang mga labi namin ni Nash.

A/N: Nash is an immortal

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon