CHAPTER 7

69 4 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 7)

—THEA POV—

“Pwede mo na ba sabihin sakin kung ano ba talaga ginagawa mo sa parking lot kanina? Alam mo kung may sakit lang ako sa puso, kanina pa 'ko inatake. Kaloka 'to.” saad ko ng makauwe na kami sa condo.

“Nanaginip kasi ako ng masama tungkol sa'yo.” seryosong pagkakasabi ni Nash habang nakatitig sakin. Agad ko naman inayos ang pagkakaupo ko sa sofa.

“Ano kamo? Nanaginip ka ng masama tungkol sakin?” pag uulit ko pa, kaagad naman siya tumango.

“Nash, alam mo bang may kasabihan kaming mga tao na dreams are opposite in reality. Pero thank you parin sa pagsundo mo sakin kanina.” nakangiting pagkakasabi ko. Pero nanatiling seryosong nakatitig sakin si Nash. Medyo naiilang ako kaya minabuti kong tumayo sa kinauupan kong sofa upang magtungo sa kitchen.

“Hindi lang basta panaginip 'yun Thea, masamang pangitain 'yun.” seryosong pagkakasabi ni Nash kaya napatigil ako sa paghakbang saka ko siya nilingon. Tumayo naman siya sa kinauupan niya saka lumapit sakin.

“Yung nangyari sa'yo noong nakaraang linggo kung saan muntikan ka ng masagasaan. Sa tingin mo ba nagkataon lang 'yun? Parking lot ang lugar na 'yun, kaya bakit kaskasan ng driver ang pagmamaneho niya? Isa lang ibig sabihin 'non, may nagtataka sa buhay mo.” seryosong pagpapaliwanag ni Nash, at napaisip naman ako sa sinabi niyang 'yun. Pero sino naman ang magtataka sa buhay ko? Sila Melissa at ang mommy niya? Alam kong hindi maayos ang relasyon namin bilang mag step-sisters pero sa sa tingin ko naman hindi gagawa si Melissa ng maaaring ikagalit ni Daddy.

“So what do you want me to do?” mahinanon kong tanong ko.

“Let me be your bodyguard, so I can protect you.” sincere na pagkakasabi ni Nash.

“B-bodyguard?” nauutal ko pang pagkakasabi agad naman siyang tumango.

“May napanood akong action movies habang wala ka dito. Pinag aaralan ko lahat ng moves pati narin ang paghawak o pag gamit ng baril.” pagbibida pa ni Nash, na ikinagulat ko. Kung hindi mo siya kilalang lubusan, iisipin mo talaga na pangkaraniwang tao lang si Nash, without knowing na isa siyang prinsipe sa ibang mundo.

“Anong sabi mo? Pag hawak at pag gamit ng baril?” gulantang kong tanong.

“Oo.” agad niyang sagot.

——

Kinabukasan, kasalukuyan kami kumakain ng almusal ni Nash ng marinig ko ang pag doorbell sa pintuan ng condo ko.

“Ako na ang magbubukas.” saad ni Nash saka siya tumayo upang magtungo sa pintuan. Sino naman kaya 'yun? Wala naman ako iniintay na bisita. Agad kong sinundan si Nash na papunta na sa pintuan, nakita ko naman mula sa monitor si Justine, kasama niya si Lea.

“Sandali.” pagpigil ko kay Nash agad niya naman akong nilingon.

“Wag mo muna bubuksan 'yung pinto.” biglang sambit ko.“H-hindi kasi nila alam ang tungkol sa'yo. Hindi ko pa nasasabi sakanila.” mahinahon ko naman na pagkakasabi.

——

—LEA POV—

“Grabe ah, ang tagal buksan ng pintuan ah.“ mataray kong pagkakasabi kay Thea ng buksan niya na ang pintuan. Pero siyempre, biro lang 'yun.

“Pasensya, hindi ko kasi agad narinig 'yung pag doorbell n'yo. Tuloy kayo.” mahinahon na pagkakasabi ni Thea at kaagad na nga rin kami pumasok.

“Ano ba kasing ginagawa mo at hindi mo agad narinig? Kanina pa kaya kami nagdo-doorbell.” sabat naman ni Justine.

“Ah nasa kwarto kasi ako.” nakangising pagkakasabi ni Thea.

Napansin ko naman ang dalawang mug sa dinning table ni Thea. Dalawang mug? Eh mag isa lang naman siya dito.

“May bisita ka pa bang iba kanina, bukod samin? Pinuntahan ka ba dito ng step-sister or ng Dad mo?” magkakasunod kong tanong. Agad naman niya nilingon ang dinning table.

“W-wala naman akong ibang bisita kanina bukod sainyo.” nakangiting pagkakasabi ni Thea, ngunit ramdam kong nagsisinungaling siya samin.

“You sure?” paninigurado pa ni Justine. Sa tagal na panahon ba naman namin na magkakaibigan, kilang kilala na namin si Thea. Alam namin kung nagsasabi siya ng totoo o hindi.

—NASH POV—

“Hindi ka nila pwedeng makita sa ngayon, baka kasi..baka kasi anong gawin nila sa'yo. Oo nga't mga kaibigan ko sila. Pero hindi ko alam ang takbo ng mga isip nila. Lalo pa't hindi ka isa samin. Hindi ka tao, hindi ka namin katulad.” may pag aalalang pagkakasabi ni Thea.

“Naiintindihan ko.” tipid kong sagot saka ako ngumiti sakanya.

“Sige na, buksan mo na 'yung pinto. Doon muna ako sa silid ko.” mahinahon kong pagkakasabi saka ako humakbang patungo sa aking silid.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now