CHAPTER 18

47 2 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 18)

—MELISSA POV—

“Then lumabas din ang totoo, you really want her to be a CEO of Lovely Perfume. Kaya mo lang naman sinabi noon sa board members na ako ang tagapagmana nitong kompanya ay dahil kaharap si Tito Lucas na kapatid ni Mommy. Pero ang totoo, ayaw mong mapunta ang kompanya sa totoo mong anak.” rinig kong boses ni Althea ng mapadaan ako sa opisina ni Tito Rodolfo, mukhang tuluyan na ngang na-brainwashed ni Mommy ang isipan ni Mr. Madrigal. Well, that's good then. Pero tuloy parin ang plano ko para kay Althea, kailangan niya paring mawala sa mundong 'to. Nang sa ganun, tuluyan ng mapunta sakin ang Lovely Perfume, dahil hanggat nabubuhay si Althea walang kasiguraduhan ang pagiging CEO ko ng kompanya.

Maya maya pa, bumukas na ang pintuan ng opisina ni Tito Rodolfo at iniluwa nito ang nagngingitngit sa galit na si Althea, nginitian ko lamang siya pero tinignan niya ako ng masama saka ito nagmamadaling naglakad palayo.

——

“I heard everything Tito Rodolfo, pagpasenyahan niyo nalang ang unica ija niyong si Althea. Pero sure naman akong matatanggap niya rin na walang ibang pwedeng maging CEO ng kompanyang 'to kundi ako lang. 'Cause I deserved it.” nakangiting pagkakasabi ko, tumingin sakin si Tito Rodolfo saka siya ngumiti.

“Pagpasensyahan mo narin ang ugali ng anak ko, pero sana magkasundo na kayo.” malumanay na saad ni Tito Rodolfo.

“Lagi ko naman po sinusubukan na maging close kami sa isa't isa ni Althea, pero siya lang talagang may ayaw sakin. She really don't like me ever since.” mahinahon kong pagkakasabi. Best Actress Melissa Lyzz Florencio.

——

—THEA POV—

Nang marating ko na ang opisina ko, agad kong isinara ang pintuan at ni-lock ito. At doon na nga bumagsak ang mga luhang kanina pa iniipon ng mata ko. I really don't understand kung bakit ganun si Dad sakin, I'm his legitimate daughter. Dugo niya ang nananalaytay sa sakin, dugo't laman niya ako. Pero mas gugustuhin niya pa na ang Melissa na 'yun na anak lang naman ng pangalawa niyang asawa ang magmana ng kompanyang itinaguyod nilang dalawa ni Mommy.

Ilang saglit pa ay narinig ko ang pagri-ring ng cellphone ko. Agad ko 'yun kinapa sa bag ko.

'Incoming Call..My Love, Nash'

Agad kong pinunasan ang luha ko bago ko sinagot ang tawag ni Nash, my Fiance.

“Hello..” garalgal ang boses kong sinagot ang tawag ni Nash.

“Umiiyak ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?” may pag aalalang tanong ni Nash sakin.

“Huh? H-hindi...sinisipon kasi ako.” pagsisinungaling ko.

“Sinisipon ka? Wala ka naman sipon kanina.” pagtataka niya.“Umamin ka nga sakin Althea, may nangyari bang hindi maganda kaya umiiyak ka? Pupuntahan kita d'yan.” saad ni Nash ng may pag aalala.

“Hindi na kailangan Nash, ayos lang ako. Magkita nalang tayo mamaya. Sige na, ibababa ko na 'to. Marami pa kasi akong gagawin dito sa opisina. ” mahinahon kong pagkakasabi.

Nang matapos ang pag uusap namin ni Nash sa kabilang linya ay nagpatuloy ako sa pag iyak. Kailangan ko lang mailabas itong sama ng loob ng nararamdaman ko.

——

—NASH POV—

6:30PM palang ay dumating na ako sa meeting place namin ni Thea, umupo ako sa isa mga bench na nasa harap ng fountain. Habang pinagmamasdan ang ilang magkasintahan na hawak kamay na naglalakad, gayundin ang matandang mag asawa na sweet na sweet parin sa isa't isa. Sana ganun din kami ni Althea kahit na alam kong siya lang ang tatanda saming dalawa. Ngunit hinding hindi magbabago ang pagmamahal ko sakanya.

Ilang saglit pa, nag ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Althea sa screen kaya agad ko 'tong sinagot.

“Malapit na 'ko. See you.” malambing na pagkakasabi ni Althea mula sa kabilang linya.

“Ok..I love you.” nakangiting sagot ko.

“I love you more, your highness.” rinig ko ang mahinang tawa niya na mas nagpangiti sakin.

Ang matamis na ngiti sa labi ko ay naglaho ng isang malakas na putok ng baril ang narinig ko, kaya agad ako napalingon sa likod ko. Nakita ko ilang dipa mula sa kinatatayuan ko si Althea na bigla nalang bumagsak sa sahig. Patakbo kong tinungo ang kinaroroonan niya, napansin ko naman ang kotseng kulay itim na nagmamadaling umalis.

—THEA POV—

“I love you more, your highness..” nakangising saad ko kasabay ng mahinang tawa.

Masaya akong naglalakad papalapit sa kinaroonan ni Nash, natatanaw ko na kasi siya. Pero sandali akong napatigil ng mapansin ko ang lalake sa hindi kalayuan na akmang babarilin si Nash kaya naman patakbo kong tinungo ang kinaroroonan ni Nash na nakatalikod. At isang putok nga ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid. Naramdaman ko ang kung anong tumama sa likod ko kasunod nito ay ang panghihina ng buong katawan ko kaya agad akong bumagsak sa sahig. Bago ko tuluyan ipikit ang mga mata ko nakita ko si Nash na patakbo sa kinaroroonan ko.

——

—HENRY POV—

“Nice one Boss, si Nash ang gusto mong barilin pero si Althea  ang tinamaan mo. Sigurado akong matutuwa si Ma'am Melissa nito. Baka may bunos pa tayo.” masayang pagkakasabi ni Aserton habang nagmamaneho. Bahagya lang akong ngumisi sakanya.

——

—MELISSA POV—

“Tama na yang pag gamit mo ng cellphone Melissa, nasa harap tayo ng pagkain.” saway sakin ni Mommy. Agad ko naman in-off ang cellphone ko saka nilagay sa bag ko at itinuon ang atensyon sa pagkain.

“Sir Rodolfo, si Ma'am Althea po!” pagbabalita ni Aling Cecile ang mayordoma dito sa Mansion. Bakas sa mukha ni Aling Cecile ang pag-aalala.

“Bakit? Anong nangyari!?” nag aalala ring tanong ni Tito Rodolfo.

“Isinugod po sa hospital!”

“What?!” pagkabigla ni Tito Rodolfo.

Pasimple naman kami nagtinginan ni Mommy, saka ko siya nginitian.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now