CHAPTER 16

51 2 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 16)

—LEA POV—

“That's the main reason kung bakit mas nanaiisin ko pa maging single habang buhay kaysa magka-jowa. Dahil once talaga na nagmahal ka dapat handa ka rin masaktan. Hindi naman pwede puro kilig nalang, luluha't luluha ka talaga once na magmahal ka. And the saddest thing is...paano kung ikaw lang 'yung nagmamahal. Kasi yung mahal mo, may iba naman gusto.” mahinahon kong pagkakasabi sa kaharap kong si Justine na sobrang lalim ang iniisip. 2hrs nalang ay magsasara na 'tong Coffee Shop ko, but since nandito ang broken hearted kong kaibigan na si Justine, hindi muna ako magsasara. Isa pa, marami pa naman costumer eh.

“Mabuti ka pa Lea Karyme Villanueva, ang business mo lang at ang sarili mo ang iniisip mo.” matamlay na pagkakasabi ni Justine, pero bakit kailangan banggitin buong pangalan ko?

“Malay mo naman kasi Justine Heaven Lopez, hindi talaga si Althea 'yung babaeng para sa'yo. Hindi ba, pupunta ka sa London? Oh! who knows, taga London pala yung meant to be mo.” nakangiting pagkakasabi ko kay Justine. Sinabi ko rin full name niya, gantihan lang. 

“Kung ikaw nalang kaya ligawan 'ko?” seryosong pagkakasabi ni Justine habang nakatitig sakin. Kaya naman muntikan na akong masamid sa iniinum kong kape.

“Ako nga Justine, tigil tigilan mo 'ko. Kung broken hearted ka, sarilinin mo nalang 'yan. Wag mo na 'kong idamay. Saka ayaw ko maging rebound. Isa pa, you're not my type.” mariing pagkakasabi ko saka tinuloy ang pag inum ng kape.

“You're not my type, kaya pala crush mo 'ko noon.” tila pang aasar pa ni Justine sakin kaya pinandilatan ko siya ng mata.

“Past is past Justine, wag mo na 'yun ungkatin pwede?” mataray kong pagkakasabi. Ngumisi lamang sakin si Justine.

Yes, it's true. Crush ko si Justine noon, to be honest hindi ko ma-imagine na nagbibigay ako sakanya ng love letters at chocolates noon. As in kapag naaalala ko 'yun...eEewW ginawa ko ba talaga 'yun? Sikat kasi si Justine sa school namin back in elementary hanggang college heartthrob siyang maituturing. Alam din ni Althea na crush ko si Justine. Siya nga 'yung taga bigay ng love letter at chocolate ko kay Justine. Boyish kasi si Althea noong mga bata at teenager palang kami, natuto lang siya mag ayos college na kami. Nawala lang 'yung pagkakaroon ko ng crush kay Justine ng mag college na kami. Napansin ko kasi na may gusto si Justine kay Althea. Magkakaibigan na kaming tatlo sapol pa ng mga bata pa kami, kaya naman ayaw ko masira ang pagkakaibigan na 'yun ng dahil lang sa crush-crush thingy.

——

—THEA POV—

Nandito kami ni Nash sa restaurant matapos niya akong ayain na magdate. Kahit na pera ko parin naman 'yung gagastuhin. Pero ok lang, si bebeh Nash ko naman eh.

“Sa Menu ang tingin, wag sakin. Baka matunaw ako.” saad ko ng mapansin kong nakatitig sakin si Nash. Ibinaba ko ang Menu at tumingin din ako kay Nash na seryosong nakatitig sakin.“May dumi ba ako sa mukha?” pagtataka ko pa dahil ayaw niyang alisin ang tingin niya sakin. Agad naman siyang umiling.“Eh bakit ganyan ka makatitig sakin? May gusto ka bang sabihin sakin?” mahinahon kong tanong na may pagtataka. Hinawakan naman ni Nash ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa saka sinuot ang singsing sa finger ring ko. Nagtataka akong tumingin sakanya.

“Let's get married.” sincere niyang pagkakasabi habang nakatitig sa mga mata ko. Sa pagkabigla, hindi kaagad ako nakasagot.“I really want to marry you and have a child....I want to see you with gray hair and wrinkles..” dagdag pa ni Nasha, kaya naman unti unti ng pumapatak ang luha ko. Yun din naman ang gusto ko. Gusto ko rin siyang makasama hanggang sa'king pagtanda.

“If you want to see that, you'll have to stay by my side for a longest time. Don't leave me again.” naluluhang pagkakasabi ko. Agad naman pinunasan ni Nash ang luha ko, pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupan niya saka ako hinagkan sa noo.

——

Naging masaya naman ang first date namin ni Nasha. Ngayon nga ay pauwe na kami pabalik sa condo. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan pag masdan ang engagement ring na suot ko.

Sobrang saya ko, kahit may malaking question mark sa isipan ko. Hanggang kailan nga ba mananatili si Nash sa tabi ko? Paano kung kailangan na siyang magbalik sa kaharian nila? Paano ako? Makakaya ko ba kapag nawala na naman siya sa tabi ko? Paano kung hindi na siya bumalik?

—NASH POV—

Papasok na kami sa gusali ng maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Kaya agad ako napalingon sa likod ko.

“What's the matter?” pagtataka ni Althea. Agad naman ako tumingin sakanya saka umuling. Pagkatapos ay inakbayan ko na siya saka nagsimulang maglakad papasok ng gusali.

“Saan mo gustong ikasal tayo? Beach wedding ba? Forest wedding? sa simbahan ba?” magkakasunod na tanong ni Thea habang naglalakad kami.

“Kahit saan basta ikaw ang bride ko.” nakangiting sagot ko. Agad naman namula ang pisngi ni Althea. She's really cute.

——

—MELISSA POV—

“₱100,000,00 yan siguro naman aayusin niyo na 'yung trabaho niyo. Lalo kana Henry, isa pang beses na pumalpak ka. Baka mauna ka pang mamatay kay Althea.” pagbabanta ko kay Henry kasabay ng pagbigay ko ng sobre na naglalaman ng ₱100,000,00 cash.

“Wag ka mag alala Ma'am Melissa, hinding hindi na kami papalpak. Isa pa, kailangan ko rin gantihan ang Nash na 'yun. Akala niya siguro nakakalimutan ko ang ginawa niya samin noong nakaraang araw.” maangas na pagkakasabi ni Henry.

“Sige na, bumaba na kayo. Baka may makapansin pa sa'tin dito. Yung trabaho n'yo, ayusin niyo!” seryoso kong pagkakasabi. Agad naman bumaba ng kotse ko si Henry at ang tatlo niya pang mga kasama.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now