CHAPTER 20

51 2 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 20)

—LEA POV—

“Basta balitaan mo 'ko kapag nasa hospital kana.” saad ni Justine mula sa kabilang linya. Nasa London na ngayon si Justine, ng makarating sakin ang masamang balita tungkol kay Thea ay agad ko ngang tinawagan si Justine. Ngayon nga ay patungo ako sa hospital kung saan dinala si Thea.

“Oo don't worry, update nalang kita mamaya. End call ko na 'to, natatanaw ko na 'yung hospital. Tawagan nalang kita mamaya, para makausap mo rin si Thea.” saad ko at agad ngang tinapos ang pag uusap namin ni Justine.

Pagbaba ko ng kotse ay nagmamadali akong nagtungo sa loob ng hospital kung saan isang lalake ang hindi ko inaasahan na mababangga ko.

“Paumanhin Binibini..” paghingi niya ng sorry sa'kin, masyadong makaluma. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakayuko siya at nagmamadali din itong umalis. Pero tinanaw ko pa siya habang nagmamadaling naglalakad papalayo.

Pagdating ko sa nurse desk ay agad kong tinanong kung saan ang ward ni Althea Reign Magdrigal, agad naman itong itinuro sakin. Sumakay ako ng elevator upang mas mapabilis ako makarating ng 4th floor. Pagdating sa pasilyo ng 4th floor, malayo palang ay natanaw ko na ang Daddy ni Althea.

“Tito, kamusta po si Thea?” mahinahon kong tanong.

“Gising na siya, puntahan mo nalang siya sa silid niya.” saad ni Tito Rodolfo.

“Ok po, salamat po.” magalang na sagot ko.

“Aalis na rin ako, sabihan mo nalang ang kaibigan mo na umuwe na 'ko. Sumama kasi bigla ang pakiramdam ni Melissa.” seryosong pagkakasabi ni Tito Rodolfo, tumango lamang ako. Tsk. Mas uunahin pa talaga 'yung ibang tao kaysa sa sarili niyang anak.

Agad ko na nga binuksan ang pintuan ng silid kung saan naka comfined si Althea kung saan nadatnan ko na magkalapit ang mukha nilang dalawa ni Nash.

“Ay susmaryosep!” sambit ko agad naman silang umiwas sa isa't isa na para bang walang naganap.

“Lea ikaw pala.” nakangiting bati sakin ni Thea, nakangiti siya ngunit bakas parin sa mukha niya ang panghihina. Lumapit ako kay Thea saka siya niyakap pero agad din naman ako kumalas.

“Kamusta na ang pakiramdam mo?” may pag aalalang tanong ko.

“Ok na 'ko, kaya hindi niyo na kailangan mag alala sakin.” nakangiting pagkakasabi ni Althea.

“Ok daw, tignan mo nga 'yang mukha mo. Namumutla ka pa oh! Hindi ka pa ok.” saad ko.“Ay maalala ko pala, sandali lang ah.” saad ko saka kinuha ang cellphone sa bag ko at agad na vinideo call si Justine.

——

<London, United Kingdom>

—JUSTINE POV—

Alang alala ako kay Althea ng malaman ang nangyari sakanya. Kung pwede lang ay umuwe ako sa Pilipinas para lang maalagaan siya. Pero dahil sa business ng pamilya namin ay hindi ako agad makakauwe sa Pilipinas. Maya maya pa, tumunog ang cellphone ko at agad ko 'yun tinignan. Nakikipag video call si Lea. Siguro ay kasama na niya ngayon si Althea kaya agad ko 'yun sinagot.

“Hi..” nakangiting pagbati sakin ni Althea. Hindi ako makapag salita at naktitig lamang sa screen ng cellphone ko.“Why you aren't speaking?” pagtataka ni Althea.

“I heard what happened. Pinag alala mo 'ko ng sobra. Kamusta kana?” may pag aalalang tanong ko.

“Ok na 'ko. Salamat sa pag aalala niyo.” nakangiting pagkakasabi ni Althea.

——

<Manila, Philippines>

—MELISSA POV—

“How I wish, hindi na talaga magising ang Althea na 'yun.” nakangising pagkakasabi ko. Habang nakasandal ako sa headboard ng kama ko.

“Siguradahin mo lang na hindi malalaman ng Tito Rodolfo mo ang lahat ng 'to. Tinutulungan kitang makuha ang kompanya sa sarili niyang anak. Ayusin mo lang ang pag arte mo.” saad ni Mommy, nandito na kami sa Mansion dahil nauna na kaming umuwe kay Tito Rodolfo. Matapos ko magpanggap na sumama ang pakiramdam ko.

“Mom, wala ka bang believed sakin? Tulad mo best actress din ako 'no. Napaniwala mo nga si Tito Rodolfo na namatay ang asawa niya sa sakit na Leukemia eh. Kahit ang totoo, nilason mo si Lovely. Kinutsaba mo pa talaga 'yung doctor ni Lovely.” sarcastic kong pagkakasabi.“Like mother, Like daughter.” nakangising pagkakasabi ko.

Maya maya pa, narinig na namin ni Mommy ang pagdating ng kotse ni Tito Rodolfo kaya naman light..camera..action..

——

“Kamusta na ang pakiramdam mo Melissa?” may pag aalalang tanong sakin ni Tito Rodolfo.

“Medyo ok na po ang pakiramdam ko Tito. Si Althea po, hindi parin ba siya nagigising? Critical parin siguro ang kalagayan niya ngayon.” saad ko na kunware ay nag aalala.

“Nagising na si Althea, thanks God she's fine now.” nakangiting pagkakasabi ni Tito Rodolfo. WTFFFFF!!

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon