CHAPTER 24

54 4 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 24)

—THEA POV—

Pilit kong inililibang ang aking sarili upang kahit papano ay maiwaglit ko sa isipan ko si Nash. Dahil kahit saang sulok ako ng condo ko tumingin, nakikita ko siya. Nagtungo ako sa silid ko at hinanap ang mga lumang photo album namin. Isa na nga doon ay ang photo album kasama ang mommy ko, kung saan isang lumang baby picture ko ang nakita ko at may nakasulat sa likod na 'Baby Ayesha Madrigal'

“Sino si Ayesha?!” labis na pagtataka ko.

[FLASHBACK 20 YEARS AGO]

“Ayesha..anak.” nakangiting tawag sa'kin ni Tita Elisa, ang step-mom ko.

“Hindi Ayesha ang pangalan ko, kundi Althea Reign. Isa pa, wag mo 'kong tatawaging anak. 'Cause I'm not your daughter and you're not my mom!” mataray na pagkakasabi ko.

“Pasensya kana Althea, namimiss ko lang kasi 'yung panganay kong anak. Siguro, kung nabubuhay lang siya ngayon. Magkasing-edad na kayo. Pitong taong gulang narin s'ya.” mahinahon na pagkakasabi ni Tita Elisa ngunit mababakas sa mga mata niya ang matinding lungkot at pangungulila.

[END OF FLASHBACK]

Natigil ang page-emote ko ng makarinig ako ng pag doorbell sa pintuan.

“Nash..” nakangiti kong pagkakasabi at nagmamadaling tinungo ang pintuan.“Sabi ko na nga ba at babalik ka rin agad.” saad ko saka ko binuksan ang pintuan.“L-Lea?” disappointed kong pagkakasabi.

“Yeah, it's me. Ang maganda mong kaibigan pero single parin.” nakangising pagkakasabi ni Lea.

“Tuloy ka.” saad ko saka ko pinilit na ngumiti, at agad din naman pumasok si Lea.

“Wala kang kasama? Nasaan si Nash?” pagtatakang tanong ni Lea habang nililibot ang kanyang mga mata.

“Umalis na si Nash...bumalik na siya sa Therwania.” malungkot kong pagkakasabi.

“Aww sorry to hear that, Thea. Eh kailan naman ang balik niya?”

“I don't know...hindi ko nga rin alam kung magkikita pa ba kami o hindi na. Kung buhay pa ba ako sa sandaling magbalik siya, knowing na magkaiba ang oras sa mundong ginagalawan namin.” malungkot kong pagkakasabi na halos naluluha na. Hinaplos naman ni Lea ang likod ko.

“Oo naman siyempre, babalik 'yun si Nash. Babalikan ka niya. Mahal na mahal ka no'n eh.” nakangiting pagkakasabi ni Lea.

“Paano kung hindi na? Paano ako? Paano kung hindi na talaga kami magkikita. Lea, hindi ko kaya.” saad ko at tuluyan ng pumatak ang luha sa aking mata na kanina pa naiipon. Hindi nagsalita si Lea at niyakap na lamang ako ngunit maya maya din ay kumalas narin siya mula sa pagkakayakap sakin.

“Ano nga palang ginagawa mo dito?” may pagtatakang tanong ko habang pinupunasan ng tissue ang luha ko.

“Nakakulong na ang step mom mo at ang step sister mo.” pagbabalita ni Lea na kinagulat ko.

“B-bakit?” pagtataka ko.

“Yung Dad mo, nag hire ng private investigator para malaman kung sino ang nagtatangka sa buhay mo. And he found na si Melissa pala ang nagtatangka sa buhay mo. At hindi lang 'yun, si Tita Elisa mo pala ang pumatay sa mommy mo. Hindi siya namatay sa sakit na Leukemia kundi sa chemical poisoning.” mahabang pagpapaliwanag ni Lea kaya hindi agad ako nakapag salita dahil sa pagkabigla. Ngunit nakaramdam ako ng matinding galit para kay Elisa, she killed my mom!

——

Matapos ko malaman ang totoo tungkol sa ginawa ni Elisa sa mommy ko ay agad ko pinuntahan si Daddy. Kung saan nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa hawak ang wedding picture nila ni Mommy habang may nakapatong na bote ng alak at baso sa kanyang harapan.

“Dad..” naluluhang sambit ko. Agad siyang lumingon sakin at inaya akong umupo sa tabi niya, kaya naman agad akong naupo.

“Sorry.” sambit ni Daddy habang sincere itong nakatingin sakin, agad ko naman hinawakan ang kamay ni Daddy.

“Don't feel sorry Dad, kahit naman ako inakala ko rin na malinis ang budhi ng mag inang 'yun. Hindi ko rin inakala na ang Elisa na 'yun pala ang sumira sa pamilya natin.“ panggigigil ko.

“Naiintindihan ko rin naman ang pinanggagalingan ng galit ni Elisa. Dahil ako ang unang nagkasala sakanya.” malumanay na pagkakasabi ni Daddy na pinagtaka ko.

“W-what do you mean Dad?” pagtatakang tanong ko.

“Bago pa man kami ikasal ng mommy mo. Ay girlfriend ko na noon si Elisa. She was my first love. Tumagal din ng anim na taon ang relasyon namin noon ni Tita Elisa mo. Naghiwalay kami noon dahil kinakailangan kong pakasalan ang mommy mo dahil pinagbubuntis kana niya noon. Hindi ko alam, na buntis narin pala si Elisa sa anak namin. Hindi boto ang lolo't lola mo sa relasyon namin ni Elisa kaya pilit kaming pinaghihiwalay. Huli na ng malaman kong nagbunga pala ang pagmamahalan namin ni Elisa, ngunit sa kasaamang palad. Namatay ang anak namin na si Ayesha na hindi ko man lang nakikita.” naluluhang pagkikwento ni Daddy at para bang binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga nalaman ko.

Tila nabuo ko na ang puzzle sa isipan ko. I was seven years old ng tawagin ako ni Elisa sa pangalan na Ayesha. 20years later, I saw a baby picture of mine na kung saan may nakasulat na Baby Ayesha Madrigal sa likod nito..Wag naman sana..pero hindi kaya..ako..ako..yung Ayesha na tinutukoy ni Elisa noon..kung ganon, she's really my mom?!

——

<City Jail>

—ELISA POV—

Pakiramdam ko ay wala ng silbi ang buhay ko..nawala na sa'kin ang anak kong si Ayesha noon. Ngayon naman, tuluyan na kaming nagkasira ni Rodolfo..

Ayesha anak ko..intayin mo si Mommy..magkakasama na tayo sa kabilang buhay..

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now