CHAPTER 3

105 7 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 3)

—THEA POV—

Sikat ng araw na tumagos mula sa glass sliding window ang gumising sakin. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa mini cabinet na katabi ng kama ko.

“Oh!?“ reaction ko ng makita na ang dami kong missed calls at unread message mula kay Lea. Ano naman kaya problema ng babaeng 'to?

Hindi na muna binasa ang message ni Lea, magkikita naman kami mamaya. Mas inuna kong mag asikaso dahil papasok pa ako sa trabaho. Ako kasi ang chairwoman ng Lovely Perfume at tagapagmana din ng kompanya.

——

Nasa ground floor na ako ng building ng Lovely Perfume. Pagbaba ko ng kotse ay agad na ako naglakad patungo sa elevator. Nang marinig ko ang tunog ng humaharurot na kotse kaya agad ako napalingon sa likod ko nakita ko ang mabilis na takbo ng kotseng. Sa sobrang bilis ay hindi na yata ako makakaiwas pa kaya napapikit nalang ako, naramdaman ko nalang ang kamay na mabilis dumampi sa magkabilang balikat ko hanggang sa mapasandal na ako sa pader. Nanlake ang mga mata ko sa pagkagulat ng makita ang lalakeng nasa harapan ko ngayon.

[FLASHBACK]

Nagulat na lamang ako na may isang lalake ang humawak sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kanya.

Saka isang palaso ang nakita kong tumusok sa katawan ng isang punong kahoy na mula kung saan.

At muling nabaling ang tingin ko sa isang lalake na siyang nagligtas sakin mula sa pana na dapat sa'kin tatama.

Napakaamo ng kanyang mukha, para siyang anghel na bumaba mula sa langit, napakaganda ng kanyang mata. Ang gwapo talaga. Nakakatunaw ang bawat titig niya sakin.

“Nasaktan ka ba, Binibini?” may pag aalalang tanong niya.

[END OF FLASHBACK]

May ilang segundo din yata ako nakatitig sa mga mata niya. Habang hindi parin makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. At sa ikalawang pagkakataon ay iniligtas niya na naman ako.

——

—NASHA POV—

Sa paglalakad lakad ko ay nahagip ng aking mata ang isang metal na bagay na kulay puti at may apat na bilog ito sa ibabang bahagi na umiikot. Sa loob nito ay nakita ko ang mukha ng babaeng aking hinahanap, kaya naman agad na kumorba ang isang matamis na ngiti sa labi ko. Agad ko siyang sinundan kung saan pumasok ito sa isang tila kweba.

Pagdating ko doon ay nakita ko siyang naglalakad na, nang mapansin ko ang isang metal na bagay na papalapit sa direksyon niya. Hindi ako nag atubili pa at agad na tinungo ang kinaroroonan niya mabilis ko siyang niyakap at kinabig pakanan kung saan naisandal ko siya sa pader.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla ng magtama na ang mga mata namin dalawa. Alam kong natatandaan niya parin ako.

“I-ikaw?” nauutal niyang pagkakasabi habang nanggigilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakangiti naman akong tumango sakanya, nagulat na lamang ako ng bigla niya ako yakapin.

“I knew it...magkikita ulit tayong dalawa.” umiiyak na pagkakasabi niya habang nakayakap sakin. I knew it? Anong ibig sabihin ng salitang 'yun?

——

—MELISSA POV—

“What?! pumalpak ang mga tauhan mo na mapatay si Althea?” agad kong reaction ng marinig ang pag uusap ni Mommy at ng tauhan niyang si Henry.

“Sweetie..”

“Mom, malapit ng ipamana ni Dad kay Althea ang Lovely Perfume Company. Kapag nangyari 'yun, masasayang lahat ng efforts natin para sa kompanya.” saad ko.

“Pasensya na Ma'am Melissa, may umepal kasi kanina.” nakayukong pagkakasabi ni Henry. Agad naman kami nagtinginan ni Mommy.

“Umepal?” pagtataka ni Mommy.

“For sure mga kaibigan na naman 'yun ni Althea.” sabat ko.

“Hindi Ma'am Melissa, ibang lalake ang nakita kong nagligtas sakanya kanina. Kakaiba din ang kasuotan ng lalake.” sagot ni Henry.

“Alam mo Henry, dami mong palusot 'no, hindi mo nalang aminin sa sarili mong pumalpak ka.” sarcastic kong pagkakasabi kay Henry habang nakataas ang isang kilay.

“Wag po kayo mag-alala. Ma'am Melissa, Ma'am Elisa. Aayusin ko na po sa susunod ang trabaho ko.” nakayukong pagkakasabi ni Henry.

“Aba dapat lang, hindi kita binabayaran para pumalpak ka.” saad ni mommy at tumaas narin ang tono ng boses niya.“Dahil walang ibang dapat maging tagapagmana ni Rodolfo sa kompanya kundi ang unica ija ko lang.” dagdag pa ni mommy.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now