CHAPTER 25

49 4 0
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 25)

<City Jail>

—ELISA POV—

Handa na sana akong tapusin ang buhay ko sa pamamagitan ng pag inum ng nakalalasong chemical na nasa bulsa ko. Nang biglang may dumating na isang babaeng ulis.

“Elisa, may dalaw ka.” seryosong pagkakasabi nito. Agad naman akong napatayo.

“S-sino? Ang asawa ko ba?” mahinahon kong tanong sa pulis habang binubuksan ang selda.

“Hindi, step daughter mo daw siya.” seryosong sagot nito at agad na nga akong lumabas matapos mabuksan ang selda. Anong ginagawa ni Althea dito? Narito ba siya para sumbatan ako? o para sisihin ako sa lahat ng pagkakamaling nagawa 'ko?

Nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng puting mesa. Seryoso 'tong nakatitig sakin habang naglalakad ako papalapit sakanya.

“How are you?” seryosong tanong niya sakin. Ni wala man lang emosyon ang kanyang mukha. Naupo naman ako sa upuan na katapat ng inuupan niya. Kung saan isang lamesang puti lang ang pagitan namin.

“As you can see, pinagbabayaran ko na ang lahat ng nagawa kong pagkakamali sainyo ng daddy at mommy mo.” mahinahon kong sagot.

“Why you didn't even tell me na may relasyon na pala kayo noon ni Daddy even before na ikasal pa sila ni Mommy?” seryosong tanong nito sakin.

“What's the purpose kung sasabihin ko pa 'yun sa'yo?” sarcastic kong sagot.“We're not even close magmula ng dumating ako sa pamamahay niyo. Ayaw mo rin lumapit sakin o kausapin man lang ako. Madalas mo 'kong iniiwasan. Ginawa ko lahat para magkalapit tayong dalawa, pero ikaw ang laging umiiwas. Tinanggap ko rin lahat ng masasakit na salitang binabato mo sakin.” seryosong pagpapaliwanag ko.

“You told me before, na kung nabubuhay pa ang anak mo. Maaaring kasing edad ko na siya. Do you have a picture of her bago siya mamatay?” seryosong tanong sakin ni Althea na ipinagtaka ko. Bakit bigla siya naging intresado sa buhay ng anak kong matagal ng patay?

“Wala na akong picture niya, dahil nawala ang nag iisang litratong meron ako ni Ayesha noon kung saan nakasulat sa likod noon ang pangalan niya.” seryosong sagot ko, nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Althea pati narin ang panggigilid ng luha sa kanyang mata.

—THEA POV—

“Wala na akong picture niya, dahil nawala ang nag iisang litratong meron ako ni Ayesha noon kung saan nakasulat sa likod noon ang pangalan niya.”

Hearing those words from Elisa breaks my heart into pieces. I used to hate her and even called her as my monster step-mom for 20years without knowing that she's my real mom. .

Kinuha ko ang litrato na tinutukoy ni Elisa---I mean my mom na nasa bag ko at inilapag 'to sa mesa.

“W-why do you have a picture of my daughter?” nauutal niyang tanong sakin na may pagtataka.“Where did you get this?” muli niyang tanong nakita ko rin ang pag agos ng luha sa pisngi niya habang pinagmamasdan ang sanggol sa litrato.

“She's no other than me...when I was still a baby.” saad ko habang nakatingin sa litrato at pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. Agad naman siyang napatingin sakin ng may pagtataka sa mga mata.

“I'm so sorry..” sincere kong pagkakasabi at tuluyan na ngang tumulo ang luha kong kanina pang guston pumataka.“Mom...” sambit ko at agad akong tumayo saka siya mahigpit na niyakap.

[FLASHBACK 15 YEARS AGO]

“Kumain kana para makainom kana ng gamot.” mahinahon na pagkakasabi ni Tita Elisa na may pag aalala habang naririto siya sa silid ko matapos na magdala ng pagkain sakin.

“Please stop acting like you care. You're not my mom and you will never be my mom. So get out!” sigaw ko sa step mom ko.

“Althea..”

“Kung si Dad nauto mo, pwes ako hindi. Hinding hindi ako magpapauto sayo!” matapang kong pagkakasabi.

[END OF FLASHBACK]

—ELISA POV—

Hindi rin ako makapaniwala na matagal ko na palang nakakasama sa iisang bahay ang anak ko na inakala kong matagal ng patay. Kaya ng yakapin ako ni Althea at narinig kong tinawag niya akong 'mom' ay doon na nga nag unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata ko.

“Kakausapin ko si Daddy..sasabihin ko sakanyang i-atras ang pagsampa ng kaso sainyo ni Melissa.” saad ni Althea, hinawakan ko naman ang kamay ng anak ko saka ngumiti sakanya habang hinahaplos ang ulo niya.

“Wag na, kailangan ko rin naman pagbayaran ang kasalanan ko kay Lovely.” saad ko.

“But mom, kung ikokompra. Mas malaki ang kasalan ni Mom---I mean ni Lovely sa'tin. Pinaglayo niya tayong dalawa na naging dahilan upang kamuhian kita.” naluluhang saad ni Althea.“I will do everything, para makalabas kayo dito ng kapatid ko. Mabubuo ulit tayo mom..mabubuo ulit tayo.” saad ni Althea saka muling yumakap sakin.

——

<Madrigal's Mansion>

—RODOLFO POV—

“Are you out of your mind, Thea? Elisa killed your mom! Tapos gusto mong i-atras ang kaso ko laban sa kanya?!” singhal ko kay Althea.

“She did that on purpose, Dad. I knew everything now! She's my real mom! Buhay ang anak niyo ni Elisa. At ako 'yun Dad, ako si Ayesha.” naluluhang paliwanag ni Althea, hindi naman ako agad nakapag salita dahil sa pagkabigla.

[FLASHBACK]

“Hindi ba, ang sabi mo rin sakin, lalake ang magiging anak natin. Pero bakit...”

“Love, bakit parang hindi ka pa masaya na nagsilang na ako ng isang napakagandang sanggol? Tignan mo oh, ang cute cute. Isa pa, akala ko rin lalake ang anak natin 'yun kasi ang resulta sa ultrasound ko noon hindi ba? Pero nagkamali lang daw sila.” saad ni Lovely habang nakasandal sa headboard ng hospital bed kalong kalong ang sanggol na babae. Nakaramdam ako ng lukso ng dugo ng makita ko ang mukha ng sanggol, kaya aminado akong sa sarili kong anak ko talaga ang bata.

——

“'Tol, hindi ka ba talaga nagtataka? Sigurado ka ba talagang anak niyo na ni Lovely si Althea?” may paghihinalang tanong ng kapatid kong si James.

“Hindi ko alam 'tol, pero magaan naman ang loob ko sa bata. Kaya alam kong hindi sakin nagsisinungaling si Lovely. May tiwala ako sa asawa ko.” saad ko.

[END OF FLASHBACK]

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now