CHAPTER 17

47 2 2
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 17)

—NASH POV—

“Sigurado ka ba talagang ayaw mong ihatid kita sa opisina mo?” mahinahon na tanong ko kay Thea.

“Yeah, pansin ko kasi wala ka ng pahinga. Magdamag mo na akong binabantayan dito sa condo ko, tapos ihahatid mo pa 'ko sa trabaho at babantayan din.” saad ni Althea. Paano niya nalaman na binabantayan ko siya magdamag? “Akala mo ba hindi ko alam na hindi ka naman natutulog sa gabi. Gising ka buong magdamag para magbantay sakin. Alam mo kung tao ka lang, siguro ang laki na ng eyebags mo.” dagdag pa ni Althea.

“Althea...”

“Wala ka ng ibang sasabihin. Dito kana lang muna, magpahinga ka. Wag mo 'kong alalahin. Ok lang ako, wala naman masamang mangyayari sakin. Ganito na lang, mamayang 7PM magkita tayo sa moonlight park. Intayin mo 'ko doon. Pero habang wala pang 7PM, dito kana lang muna. Ipahinga mo yang sarili mo. Ilang araw ka ng walang tulog.” mahabang sanaysay ni Althea.“Aalis na 'ko. See you later..” nakangiting paalam niya saka kinuha ang bag sa sofa pagkatapos ay humakbang patungo sa pintuan.

“You forgot something..” saad ko agad naman siya napatigil sa paglalakad saka humurap sakin. Naglakad ako patungo sa kanya saka ko siya hinagkan sa labi.

“You take care of yourself ok? Tawagan mo 'ko lagi. Update mo 'ko kung nasaan kana.” paninigurado ko.

“Don't worry about me. Bye, I love you.” muling paalam niya at agad narin siyang umalis.

Labag man sa loob ko na manatili lang dito, kailangan ko parin naman respetuhin ang desisyon ni Althea.

——

—THEA POV—

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ko ng marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Sinalpak ko ang bluetooth earphone sa tenga ko bago ko sinagot ang tawag ni Nasha.

“Nasaan kana?” agad niyang tanong sakin.

“Ito nagda-drive pa rin. But don't worry, maingat naman ako mag drive. Professional na kaya ang driver's license ko.” pagbibida ko.

“Alam ko naman 'yun, pero mag ingat ka parin. Wag kung saan saan nakatingin habang nag da-drive. Sa kalsada ang tingin. Saka wag ka lagi mag o-overtake kung hindi naman kinakailangan.” paalala sakin ni Nash mula sa kabilang linya.

“Opo, saka hindi naman ako kung saan saan nakatingin kapag nagda-drive ah.” depensa ko.“Ikaw lang naman tinitignan ko noon eh.” nakangisi kong pagkakasabi.

“Hindi ako nakikipagbiruan.” seryosong pagkakasabi ni Nash, ay ang sungit naman.

“Sorry na po. Wag kana magalit.” pagbe-babytalk ko saka ako tumawa.

“Hindi ako galit, gusto ko lang na kahit hindi mo 'ko kasama ngayon ay safe ka parin.” paliwanag ni Nash.

“Nag iingat naman talaga ako...para sayo.” nakangiti kong pagkakasabi.“End call ko na 'to, I'll call you later ok? I love you.” pagpapaalam ko.

“I love you too.” sweet na pagkakasabi ni Nash mula sa kabilang linya.

——

“Good morning ma'am.” bati sakin ng mga empleyado ng kompanya na nasasalubong ko. Agad ko naman silang nginitian.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang elevator.

“Oh! himala yata hindi mo kasama ang bodyguard mo?” sarcastic na tanong sakin ni Melissa. Mabuti nalang talaga maganda ang simula ng araw ko. Nilingon ko si Melissa saka ko siya nginitian.

“Pinag day off ko muna.” nakangiting sagot ko. Maya maya ay bumukas na ang pintuan ng elevator kaya naman agad narin akong pumasok, ganun din si Melissa.

“Alam mong may nagtataka sa buhay mo. Pero hinahayan mo na mag-isa ka lang?” mataray na tono ng pananalita ni Melissa.

“Kung sino man 'yun, insecure lang siya sa kung anong meron ako. Kaya naman lahat gagawin n'ya, makuha lang 'yun. Siguro walang totoong nagmamahal sakanya. Kaya nabubuhay siya sa inggit at selos.” sarcastic na pagkakasabi ko saka ako ngumiti kay Melissa, may pakiramdam kasi akong may kinalaman siya sa nangyari sakin last week. Bakas naman sa mukha ni Melissa na naiinis siya pero pinipigilan niya lang.

Ilang sandali pa ay bumukas na pintuan ng elevator kaya agad narin akong lumabas kung saan nasalubong ko si Daddy.

——

“Ayos ka lang ba talaga? Baka naman may hindi ka sinasabi sakin anak..” mahinahon na tanong sakin ni Daddy na may pag aalala. Concern parin pala siya sakin, magmula kasi ng magsama sila ni Tita Elisa at ang anak nitong si Melissa sa iisang bahay, hindi na ako nagawang kamustahin ni Daddy. Kinakausap niya lang ako pag tungkol sa trabaho. Pero maliban doon, hindi na siya nagtatanong kong kumain na ba 'ko? maayos lang ba 'ko? o kung may sakit ba 'ko.

“Ok lang ako Dad.” tipid kong sagot.“Bakit mo pala ako pinapunta dito sa opisina mo? May sasabihin ka ba sakin?” mahinahon kong tanong.

“Meron sana...” mahinahon din niyang sagot.

“About what?” intresado kong tanong. Tumayo si Dad mula sa kinauupan niya saka siya lumapit sakin.

“May kakayahan ka ba talaga na maging CEO ng kompanyang 'to?” seryosong tanong sakin ni Dad. Here we go again. Akala ko naman concern na sa'kin, about business na naman pala.

“Bakit Dad, nagdududa ka ba sa kakayahan ng legitimate daughter mo?” sarcastic kong tanong.

“Althea..”

“Noong dumating si Tita Elisa at Melissa sa buhay natin, hindi ako nag react. Kahit noong panahon na inagaw na nila ang atensyon at oras mo sakin bilang anak mo nanahimik ako. Tapos ngayon, pati ba naman yung kompanya na dapat ay para sakin, aagawin din nila? Dad naman.” tumaas na ang tono ng pananalita ko habang nagpapaliwanag ako kay Daddy.

“Althea makinig ka muna..” mahinahon na pagkakasabi ni Daddy na para bang sinusubukan akong pakalmahin.“Parehas kayong mahalaga sakin ng kapatid mong si Melissa dahil parehas ko kayong anak. Pero Althea...”

“Ako lang ang anak mo Dad, hindi mo kadugo ang Melissa na 'yun.” mariing pagkakasabi ko.“At sinasabi mo na mahalaga ako sainyo? Kailan pa nangyari yan? 21years ago? Noong buhay pa si mommy?” sarcastic kong tanong.

“Ang gusto ko lang naman ay bigyan ng chance si Melissa na maging parte ng kompanyang 'to!” tumaas narin ang tono ng boses ni Daddy. Tumayo ako sa kinauupuan ko at seryosong tinignan si Daddy sa mga mata niya.

“Then lumabas din ang totoo, you really want her to be a CEO of Lovely Perfume. Kaya mo lang naman sinabi noon sa board members na ako ang tagapagmana nitong kompanya ay dahil kaharap si Tito Lucas na kapatid ni Mommy. Pero ang totoo, ayaw mong mapunta ang kompanya sa totoo mong anak.” sarcastic kong pagkakasabi na may diin. Pagkatapos ay agad akong lumabas ng opisina ni Daddy.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now