CHAPTER 9

59 3 1
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 9)

—THEA POV—

Nandito ako ngayon sa harap ng malaking salamin sa comfort room ko sa kwarto. Pinagmamasdan ang reflection ko sa salamin.

“Grrrrr, did he really kissed me? B-but why? Gosh!” saad ko habang hawak ang magkabilang pisngi ko na namumula.

“Ok, Althea. Kumalma ka, inhale...exhale..” saad ko saka pumikit at huminga ng malalim.

“Wag ka mag assumed na gusto ka niya Althea. Baka natural lang 'yung paghalik sa mundong pinanggalingan niya kahit wala silang label.” saad ko habang kinakausap ang sarili ko sa salamin.“Nagpunta siya dito dahil....”

[FLASHBACK]

“Hayaan mo sanang pagsilbihan kita, protektahan at alagaan ka. Dahil 'yun naman ang dahilan kung bakit kita hinanap. Kung natatakot ka na baka isang araw ay mawala ako sa tabi mo, wag kang mag alala hindi ko hahayaan na mangyari 'yun. Hindi ko hahayaan na iwan ka mag isa.” sincere na pagkakasabi ni Nash. 

[END OF FLASHBACK]

Natulala nalang ako matapos kong maalala ang sinabing 'yun ni Nash.

——

—NASH POV—

Habang nasa biyahe papunta sa kompanya, napansin ko ang tila pananahimik ni Thea. Nakatingin lang siya sa bintana at halos walang kibo.

“Ayos ka lang?” may pag aalalang tanong ko habang nagmamaneho ng kotse.

“Huh?” gulantang na reaction ni Thea saka tumingin sakin.

“Masyado naman yata malalim yang iniisip mo.” nakangising tanong ko.

“Ah..w-wala.” agad na sagot ni Thea saka ako sumulyap ng tingin sakanya.

“Tungkol ba kanina?” nakangisi kong tanong.

“K-kanina? H-hindi ah. Saka bakit ko naman iisipin 'yun.” tila in denial pang sagot ni Thea.

“Ok sabi mo eh.” nakangiting pag sang ayon ko sakanya.

——

—THEA POV—

“Hala siya diba yung gwapong lalake doon sa moonlight road.”

“Oo nga siya nga 'yun. OMGGG mas lalo siyang gumawapo sa suot niya..”

“P-pero bakit kasama niya si Chairwoman Althea?”

Rinig kong bulong bulongan ng mga staff ng kompanya habang magkasama kami ni Nash na naglalakad sa lobby.

“Good morning Ma'am..” bati sakin ng sekretarya kong si Jenny, saka napasulyap kay Nash.“S-sino siya Ma'am?” pagtataka niya.

“He's my personal bodyguard.” nakangiting sagot ko saka tumingin kay Nash. Prinsipe yan sa pinanggalingan niya pero bodyguard ko. Nice one Althea chaar.

“Bodyguard siya ni chairwoman.”

“Ang gwapo naman ng bodyguard niya.”

Rinig kong bulong bulongan nila.

“Bodyguard? Pero diba you hate hanging around with bodyguard? Kasi sabi mo po noon ayaw mong sinusundan ka.” pagtataka ni Jenny.

[FLASHBACK]

“Ma'am, bakit hindi po kayo mag hire ng personal bodyguard para diba mas safe para sainyo?” suggestion ni Jenny, ang secretary ko.

“I hate hanging around with bodyguards. Ayaw kong sinusundan ako kung saan ako magpunta. Gusto ko sariling kilos ko.” seryosong pagkakasabi ko.

[END OF FLASHBACK]

“I changed my mind..” nakangising pagkakasabi ko.

——

—MELISSA POV—

“Alam mo ba, yung gwapong lalake doon sa moonlight road. Personal bodyguard pala 'yun ni Chairwoman.” pagki-kwento ng isang staff sa kausap niya.

“Oh talaga?!” sagot naman ng kausap niya.

“Tama ba ang narinig ko? May bodyguard na si Althea?” sabat ko sa pag uusap nila agad naman silang nagulat sa biglang pagsabat ko at napatingin sakin.

“Opo Ma'am Melissa.” magalang na sagot ng isa sa dalawang babae.

Mautak ka rin talagang babae ka, nag hire ka pa talaga ng personal bodyguard para ma-protektahan ka?

——

“Oh! Melissa, anong ginagawa mo dito?” pagtatakang tanong niya ng puntahan ko siya sa opisina niya.

“Mabuti naman at naisipan mo na magkaroon ng personal bodyguard.” sarcastic kong pagkakasabi.“Pero tama yan, at least safe ka. Para hindi na maulit 'yung nangyari sa'yo last week. Muntikan ka ng masagasaan hindi ba?” kunwareng nag ki-care kong pagkakasabi.

Agad naman kumunot ang noo ni Althea na tumingin sa'kin.

“Paano mo nalaman na muntikan na akong masagasaan? Eh wala naman akong ibang pinagsabihan.” may pagtatakang tanong ni Althea.

“Ah..nakita ko sa CCTV footage.” palusot ko, hindi nagsalita si Althea at seryoso lang akong tinignan.

Hello, My PrinceWhere stories live. Discover now