CHAPTER 21

49 4 2
                                    

“HELLO, MY PRINCE”

(CHAPTER 21)

—THEA POV—

“Busog na 'ko..” saad ko ng gusto pa akong subuan ni Nash ng pagkain.

“Last na 'to, kunti nalang oh. Kailangan mo rin magpalakas.” pagpupumilit ni Nash habang hawak niya ang kutsarang may laman na broccoli soup, ibinuka ko naman ng kaunti ang bibig ko para isubo ang laman kutsara. Nakatitig lamang ako kay Nash habang inaasikaso niya 'ko.

“Sweet naman, oh siya. Ako'y gogorabells na.” nakangiting pagkakasabi ni Lea.

“Uuwe kana?” pagtataka kong tanong.

“Gustuhin ko man na mag stay ng matagal, kaso walang kasama sa bahay sila Snowy at Sparkle. Isa pa, para naman magka-moment naman kayo ni Nash. Mukhang naka-istorbo ako sainyo kanina eh.” nakangising pagkakasabi ni Lea, sila Snowy at Sparkle ay ang dalawang alagang aso niya. Certified Cynophile kasi ang kaibigan kong si Lea.

“Hindi ka naman naka-istorbo eh. Pero kung gusto mo na talaga umuwe, ok lang naman. Ika-musta mo nalang ako sa mga babies mo. Saka salamat din sa pag dalaw sakin dito sa hospital.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Wala 'yun, basta get well soon. Bukas pupunta ulit ako dito. Dadalhan kita ng paborito mong blueberry cheese cake.” nakangising pagkakasabi ni Lea.“Oh siya, ba-bye na.” saad nito saka bumeso sakin.“Nash, ikaw ng bahala sa kaibigan ko ah.” bilin ni Lea kay Nash.

“Don't worry, ako ng bahala kay Thea. Ingat nalang sa pag uwe.” nakangiting pagkakasabi ni Nash, kumaway sakin muli si Lea saka 'to lumabas ng silid.

—NASH POV—

“Yung ginawa mo kanina, wag mo na ulit gagawin 'yun.” mahinahon kong pakiusap kay Althea ng hawakan ko ang kamay niya.

“I'm sorry..” malumanay na saad ni Althea ngunit ramdam ko ang sinsiredad niya.

“Wag ka ng mag sorry, ang importante ok kana ngayon.” saad ko.

“Ang pinagtatakahan ko lang, ay sino ang may gustong pumatay sa'yo. Hindi kaya dahil sa'kin? Napapahamak ka ng dahil sa'kin?”

“Tumingin ka sakin Althea..wala kang kasalanan. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo.” mahinahon kong pagkakasabi habang nakatitig sa mga mata ni Althea na para bang bituin sa kalangitan na nagni-ningning, saka ko siya niyakap upang pakalmahin siya.

——

—RODOLFO POV—

“Sir Rodolfo, kamusta na po si Ma'am Althea?” may pag aalalang tanong ni Aling Cecile.

“She's fine now.” tipid kong sagot, sabay laklak ng natitirang alang sa bote.

“Mabuti naman po kung ganun. Eh sino naman po kaya ang gawa no'n kay Ma'am Althea? Mabait na bata po si Ma'am, kaya imposible po na magkaroon siya ng kagalit.” may pagtatakang tanong ni Aling Cecile. Maging ako ay yun din ang pinagtatakhan, o maaaring may kagalit ang sinasabing bodyguard ni Althea kaya naman pati siya ay nadamay din.

“Pina-imbestegahan ko na ang pangyayari 'yun. Tinawagan ko na ang kakikala kong private investigator. Kaya kung sino man ang nasa likod ng nangyari kay Althea sisiguraduhin kong mananagot siya.” seryosong pagkakasabi ko.

—MELISSA POV—

“Good evening Ms. Melissa.” sarcastic na pagbati sakin ni Henry ng sagutin ko ang tawag niya.

“Akala ko ba aayusin mo na ang trabaho mo?” inis kong tanong.

“Inayos ko naman ah, si Nash dapat ang babarilin ko pero si Althea ang tinamaan. Ang galing ko diba? At siguarado akong napuruhan ang kapatid mo---este ang step sister mo.” natatawa pang pagkakasabi ni Henry dahilan upang lalo akong mainis.

“Napuruhan? Kaya pala buhay parin si Althea hanggang ngayon.” sarcastic kong pagkakasabi habang pinipigilan ang galit at inis ko.

“B-buhay parin si Althea?!” pagkabigla ni Henry.

“Oo, kaya sigurado akong babalikan ka ng Nash na 'yun. Lalo pa't alam niyang ikaw rin ang muntik ng sumagasa kay Althea noon.” pananakot ko kay Henry.

“Nakakalimutan mo yata na ikaw ang nasa likod ng lahat ng 'to. Kung ako babalikan ni Nash, ano kana lang? Sigurado akong ipakukulong ka ni Mr. Madrigal kayo ng nanay mo.” sarcastic na pagkakasabi ni Henry saka ko 'to nag end call. Sa sobrang panggigigil ko ay naibato ko ang cellphone ko.

——

—YAZER POV—

Ganito pala sa mundo ng mga tao, maraming kakaibang bagay na dito lamang makikita at wala sa Therwania. Kaya naman pala nawili dito ang mahal na prinsipe. Pero teka, saan nga ba ako magsisimulang hanapin siya? Dahil kailangan na niyang bumalik sa Therwania sa lalong madaling panahon.

Sa paglakakad lakad ko nga, isang babae ang nakabangga ko.

“Paumanhin Binibini...” pag hingi ko ng paumanhin sa babae at nagmamadali din akong umalis. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap sa mahal na prinsipe.

——

—THEA POV—

Lumipas lamang ang dalawang araw ay na-discharge narin ako sa hospital. Walang ibang nag alaga sakin kundi si Nash lamang, magmula kasi ng dalhin ako sa hospital at madischarge ako ay hindi na muling nagpakita sakin si Daddy.

“Saan ka pupunta?” agad na tanong sakin ni Nash ng tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa.

“Kukuha lang ako ng pagkain sa kitchen.” mahinahon kong pagkakasabi.

“I'll do it. Anong gusto mong kainin?” pag-ako ni Nash.

“Fuits shake..” nakangiti kong sagot.

“Sige, ako ng kukuha. Dito kana lang, manood kana lang muna ng TV.” nakangiting saad ni Nash saka niya binuksan ang TV, pero ilang saglit lang ay bumalik na rin agad si Nash.

“Wala ka ng stock na prutas sa fridge mo.” saad ni Nash. Hala oo nga pala, last week pa pala 'yung huling pag go-grocery ko.

“Alam ko na, mag grocery nalang tayo. Then sa labas nalang din tayo kumain. Punta tayo sa coffee shop ni Lea.” nakangiting pagkakasabi, sumang-ayon naman sakin si Nash.

——

—NASH POV—

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe patungo sa supermarket upang mag grocery ng mapansin ko ang isang lalake sa sidewalk. Pamilyar siya sakin kahit nakatalikod siya.

“What's wrong?” pagtataka ni Althea ng itigil ko ang kotse sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa kinaroroonan ng lalake. Mukha siyang kawawa na animoy nagpapalimos sa mga taong dumaraan.“Yazer?” sambit ko ng makita ko na ang mukha ng lalake.

“S-sino si Yazer?” nauutal na tanong ni Althea na may pagtataka.

“He's a friend of mine, anak siya ng punong kawal ng Therwania.” nakangiting sagot ko. Nanlake naman ang mga mata ni Thea.

Pagkatapos ay agad kaming bumaba ng kotse para puntahan si Yazer.

Hello, My PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon